PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Davao, suportado ang sexy image ng pamangking si Anthony Davao

Ricky Davao, binalikan ang hubadero days niya sa pelikula.
by Jojo Gabinete
Published May 2, 2024
ricky davao nephew anthony davao
Ricky Davao's (left) advice to nephew Anthony Davao on entering showbiz: “Ang pakikisama ang importante. Minsan, kahit na gaano kagaling yung artista pero kung walang pakikisama, prima donna, hard to work with, mahirap. I think it’s really your talent and then being professional, meaning yung respeto mo sa lahat ng tao na katrabaho mo."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

Suportado ng multi-awarded actor na si Ricky Davao ang pagpasok sa showbiz ng pamangkin niyang si Anthony Davao.

Si Anthony, na isang fitness buff, ay isa sa limang anak ng dating child actor na si Charlon Davao.

Ipinakikilala si Anthony sa Lady Guard, ang sexy movie na mapapanood sa Vivamax streaming site simula sa Mayo 3, 2024.

Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods

Hindi isyu kay Ricky na pinili ni Anthony na magpaseksi at maghubad para mabigyan ng pelikula dahil maganda ang katawan ng kanyang pamangkin.

Pero para sa award-winning actor, mahalaga pa rin ang mahusay na pakikisama sa mga katrabaho.

Pahayag ni Ricky, “Ang pakikisama ang importante. Minsan, kahit na gaano kagaling yung artista pero kung walang pakikisama, prima donna, hard to work with, mahirap.

“I think it’s really your talent and then being professional, meaning yung respeto mo sa lahat ng tao na katrabaho mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag masarap kang kasama, people will look for you."

RICKY DAVAO'S HUBADERO DAYS

Hindi ipinagkaila ni Ricky Davao na nagpaseksi at may mga nude scene din siya sa mga pelikulang ginawa niya noong nag-uumpisa pa lamang ang kanyang acting career.

Ipinaalala ng Cabinet Files na, tulad ni Anthony, maganda rin ang kanyang katawan noong kabataan niya.

young ricky davao

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Young Ricky Davao

“Oo naman!” natatawang reaksyon ni Ricky.

“Hindi ako muscular pero there was a time also na nagkaroon naman ako ng konting abs, kahit papaano, mga tatlong pandesal.

“Marami ang sexy movies na ginawa ko noon.

"Ang nakaganda lang sa akin, I started doing theater and then, masuwerte ako dahil ang ibinigay sa akin, magagandang roles at maganda ang naging reviews sa akin.

"Kaya nung mag-start ako na gumawa ng mga pelikula na may sexy roles, ang nakita nila, yung actor although nagpaseksi."

Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media

RICKY DAVAO'S SEXY MOVIES

Inalala rin ni Ricky Davao ang sexy movies na ginawa niya noon

Lahad niya, “Ang pinaka-daring ko yung White Slavery [1985], directed by Lino Brocka. Ang mga bidang babae, sina Sarsi Emmanuelle, Emily Loren, Jaclyn Jose.

white slavery poster

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Alam mo ba, nalaglag ako sa silya nung pinanood ko uli yung White Slavery.

"Kasi ang sexy, as in talagang hubo’t hubad kaming apat, naglalaplapan, yung tatlong bidang babae saka ako. Pero may mga plaster kami noon.

“Ang director of photography namin noon, the great Carding Baltazar.

“Nagtatawanan kami ni Jane [Jaclyn] noon, ‘Ginawa pala natin yon?’”

Read: Love life ni Ricky Davao suportado ng kanyang mga anak

Ang Huwag Mong Itanong Kung Bakit (1988) ng Viva Films ang isa pa sa mga pelikulang ginawa ni Ricky na itinuturing nitong mapangahas dahil sa kanyang mga eksena niyang nakahubad na hindi niya ginamitan ng plaster.

huwag mong itanong kung bakit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw niya, “Full back [naked] talaga ako sa Huwag Mong Itanong Kung Bakit.

"Actually, pinanood ko yon sa sine, hindi alam ng mga tao na nandoon ako. Narinig ko yung mga sinasabi ng mga tao nang magtanggal ako ng towel.

“Naka-back shot ako, photographed yon by Romy Vitug ha. Eddie Garcia ang direktor.

“Sabi ni Tito Eddie, 'O, drop your towel!' E, totally naked ako noon. Walang plaster.

“Pero sa scene na lalapit na ako kay Cherie [Gil], sabi niya, ‘Ricky, will you really show me that?’

“Sabi ko, ‘Di ba, we’re like brothers and sisters?’

“Nung kasama ko na siya sa eksena, naglagay na ako ng plaster kasi pinatungan ko rin siya, tapos gugulung-gulong kami sa kama. Kahit asawa ko siya, wedding night namin, ayaw niya sa akin, so ni-rape ko siya.

“E, noong ipakita yung eksena sa sinehan, sabi nung mga babae, 'Ano ‘yan? Ano yang nasa puwet niya? Tattoo ba ‘yan?'" napahalakhak na kuwento ni Ricky dahil malinaw na malinaw na nakita sa pelikula ang makapal na buhok sa puwet niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapangahas din para kay Ricky ang mga eksena nila nina Royce Cabrera at Kokoy de Santos sa Fuccbois (2019).

Ginampanan ni Ricky sa Fuccbois ang karakter ng isang alkaldeng bakla at malupit na pinatay ng dalawang aspiring actors na binigyang-buhay nina Royce at Kokoy.

ricky davao fucbois

“Ang Fuccbois ang huling sexy movie ko,” ani Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung dalawang partner ko, talagang nakalabas [ang mga genitalia]!

“Talagang binabangga yung paa ko, binabangga ang ulo ko ng birds nila habang patay ako [sa eksena].”

Read: Ricky Davao considers winning Cinemalaya Best Supporting Actor award as "priceless"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Davao's (left) advice to nephew Anthony Davao on entering showbiz: “Ang pakikisama ang importante. Minsan, kahit na gaano kagaling yung artista pero kung walang pakikisama, prima donna, hard to work with, mahirap. I think it’s really your talent and then being professional, meaning yung respeto mo sa lahat ng tao na katrabaho mo."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results