Anim na taon nang patay ang unang asawa ni Lindsay Custodio na si dating Tanauan, Batangas Vice-Mayor Julius Caesar Platon II.
Pumanaw si Platon noong November 18, 2018 sa edad na 43.
Siya ay binawian ng buhay dahil sa atake sa puso habang nagmamaneho sa may South Luzon Expressway (SLEX), bandang Sucat, Muntinlupa.
Naisugod pa si Platon sa Asian Medical Center sa Alabang, ngunit tuluyan itong binawian ng buhay noong araw ring iyon.
Read: Lindsay Custodio's politician-husband Julius Caesar Platon II dies
Nitong nakaraang May 4, 2024, ang ika-49 kaarawan sana ng dating pulitiko.
Gayunpaman, binati pa rin siya ni Lindsay sa Instagram.
Nagbahagi siya ng short clip ng asawa na tila nasa isang sortie at kumakanta.
Mensahe ni Lindsay, "Happy Birthday in Heaven, my beloved Julius! I love and miss you so much.. Praying for you always.. #teamplatonforever"
View this post on Instagram
Read: Lindsay Custodio tries to stay strong for children after husband's death
Bumati rin sa comments section si Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Saad nito, "Happy birth anniversary [praying hands emoji]"
Sagot n Lindsay, "Thank you Vice Gov [praying hands, heart emojis]"

Read: Lindsay Custodio and Julius Caesar Platon II's love story
LINDSAY CUSTODIO-SECOND HUSBAND CONTROVERSY
Nasa gitna ng kontrobersiya ngayon si Lindsay dahil sa kanyang rebelasyong balak niyang magsampa ng reklamong may kaugnayan sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children laban sa kanyang second husband, ang Canada-based na si Frederick Cale.
Kinumpirma ito ni Lindsay sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files ng PEP.p (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 5, 2024.
Pero hindi siya nagbigay ng detalye tungkol sa mga karahasang kanya umanong naranasan mula sa mga kamay ni Cale.
Read: Lindsay Custodio, magsasampa ng kaso laban sa non-showbiz husband
Ikinasal sina Lindsay at Frederick sa isang intimate civil wedding ceremony officiated by former Muntinlupa City mayor, now Muntinlupa Lone District representative Jaime Fresnedi, noong May 1, 2022, Labor Day.
Sinundan ito ng pagpapakasal nila sa Our Lady of Victories Chruch sa New Manila, Quezon City, noong Mayo 13, 2022, Friday the 13th.
Read: Lindsay Custodio marries non-showbiz fiancé Frederick Cale
Wala pa ring pahayag si Frederick ukol sa mga rebelasyon ni Lindsay.
