PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda reflects on past rape joke about Jessica Soho

"Bad definition of me is... 'siya yung nag-rape joke kay Jessica Soho.'"
by Bernie V. Franco
Published May 6, 2024
Vice Ganda and Jessica Soho
Vice Ganda (main photo) says his rape joke about Jessica Soho more than a decade ago will forever be taken against him by her critics and bashers: "They do not like me, they hate me. They only need one reason to define me. They only need one bad definition of me."
PHOTO/S: YouTube (Vice Ganda) / GMA PR

Binalikan ni Vice Ganda ang masamang biro niya noon ukol sa batikang journalist ng GMA Integrated News na si Jessica Soho.

Ayon kay Vice, habambuhay na siyang markado ng kanyang mga kritiko dahil sa rape joke niya kay Jessica higit isang dekada na ang nakalilipas.

Bahagi ng pahayag ng It’s Showtime host: “Sa mga taong ayaw sa akin, isa lang ang definition ko: I made a rape joke about Jessica Soho.

“Yun lang ang depinisyon ko sa mga taong ayaw sa akin, at habang buhay na nilang bibitbitin iyon para maging rason para magalit sila sa akin habambuhay.”

Binitawan ni Vice ang pahayag na ito sa kanyang latest YouTube vlog ngayong Lunes ng gabi, May 6, 2024.

Read: Jessica Soho to Vice Ganda: "Rape is not a joke and should never be material for a comedy concert."

Read: Vice Ganda apologizes to Jessica Soho

Ang vlog na ito ni Vice ay ang part two ng kanyang panayam sa talent niyang si Awra Briguela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinag-usapan dito ang pagkakasangkot ni Awra sa isang gulo sa isang bar sa Poblacion, Makati City, noong June 2023.

Emosyonal si Awra sa pagsabing dahil sa pagkakamali niyang iyon, ito na ang tumatak niyang reputasyon sa publiko.

Dito na siya pinayuhan ni Vice na aniya ay may parehong karanasan.

Ito nga ay nung magbitaw siya ng masamang biro ukol kay Jessica labing-isang taon na ang nakalilipas.

Read: Awra Briguela discloses having problems at the time of 2023 brawl

VICE GANDA’S RAPE JOKE ABOUT JESSICA SOHO

Matinding puna at batikos ang sinalo noon ni Vice mula sa publiko dahil sa masamang biro niya kay Jessica.

Nangyari ito sa major concert ni Vice na I-Vice Ganda Mo ‘Ko sa Araneta noong May 17, 2013.

Bukod sa birong rape, nagbiro rin si Vice tungkol sa timbang ng Kapuso news anchor.

Bahagi ng biro ni Vice: “Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sasabihin ng rapist, ‘Ipasa ang lechon.’ Sasabihin naman ni Jessica, ‘E, nasaan yung apple?'”

Inulan ng kritisismo ang tinaguriang Unkabogable Star mula sa mga kasamahang mamamahayag ni Jessica sa GMA-7 at mula sa publiko.

Kinondena rin ni Jessica ang birong ito at sinabing: “Rape is not a joke.”

Naglabas ng official statement si Vice at humingi ng tawad sa kanyang pagkakamali.

Tinanggap ni Jessica ang sorry ni Vice subalit tumanggi siyang makipag-usap dito.

Read: Jessica Soho acknowledges Vice Ganda's apology

VICE GANDA’S MISTAKE

Ang nakaraan niyang ito ang ginawang halimbawa ni Vice sa kanyang vlog kasama si Awra.

Pinayuhan ni Vice si Awra na huwag hayaang mahusgahan ang kanyang buong pagkatao dahil sa pagkakamali nito sa bar.

Payo ni Vice, “Hindi si Awra ay equivalent ng isang pagkakamali lang. Si Awra ay suma ng lahat-lahat ng mga ginawa niya, kasama doon ang tama, mabuti, na ginawa niya.”

Ang mga kritiko ni Awra raw ang gagawa nito para sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ide-define ka ng isang eskandalo, ide-define ka ng isang pagkakamali ng ibang tao. Pero hindi mo puwedeng gawin sa sarili mo iyon kasi ikaw ang nakakakilala sa sarili mo.”

Sa puntong ito binanggit ni Vice ang nagawa niyang pagkakamali kay Jessica noon.

Pahayag niya: “Parang ako lang yan, e, parang paulit-ulit, tapos para sa ibang tao na hindi ako gusto.

"Meron lang isang depinisyon sa akin. Ang depinisyon lang nila tungkol sa akin ay isang pangit na depinisyon, and that is enough for them to not like me.

“Sa mga taong ayaw sa akin, isa lang ang definition ko: I made a rape joke about Jessica Soho.

“Yun lang ang depinisyon ko sa mga taong ayaw sa akin, at habang buhay na nilang bibitbitin iyon para maging rason para magalit sila sa akin habambuhay.

“Other than that, wala na silang ibang nakikita sa akin. Hindi na nila makikita ang anumang bagay na gagawin kong tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi na nila makikita ang anumang magandang salita na lalabas sa bibig ko.

“Hindi na nila makikita ang magandang epekto ko sa ilan. Hindi na nila makikita yung kung anumang kabutihang meron ako sa puso ko.

"Hindi nila makikita yon dahil ayaw nila ako. They do not like me, they hate me.

"They only need one reason to define me. They only need one bad definition of me.

“And that bad definition of me is, ‘Vice Ganda, siya yung nag-rape joke kay Jessica Soho.’

"At paulit-ulit nilang babalikan iyon para hindi sila mawala sa paniniwala na ayaw nila ako.”

Sa huli, pinayuhan ni Vice si Awra na patawarin at mahalin ang sarili.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (main photo) says his rape joke about Jessica Soho more than a decade ago will forever be taken against him by her critics and bashers: "They do not like me, they hate me. They only need one reason to define me. They only need one bad definition of me."
PHOTO/S: YouTube (Vice Ganda) / GMA PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results