PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Awra Briguela discloses having problems at the time of 2023 brawl

“Sumobra talaga. Super ano talaga ako noon, super gimikera."
by Bernie V. Franco
Published May 4, 2024
Awra Briguela and her mugshot
Awra Briguela looks back to when she was detained following her involvement in a bar brawl in 2023: “Nung nakulong ako parang hindi ko pa rin siya ma-realize na nangyayari na sa akin yun.”
PHOTO/S: YouTube (Vice Ganda)

Inamin ni Awra Briguela, 20, ang kanyang pagkakamali nang masangkot noong nakaraang taon sa isang gulong ikinapresinto niya.

Sabi pa niya, napariwara siya noon dahil tumatakas siya sa mga personal na problema.

Halos gabi-gabi raw siya noon sa mga bar at umiinom para panandaliang makatakas sa mga suliranin.

Pinag-usapan nang husto si Awra nang madawit sa isang gulo sa isang bar sa Makati City, noong June 29, 2023.

Read: Awra Briguela, pinosasan matapos masangkot sa rambulan sa Makati

Nag-viral ang kuhang videos kay Awra na makikitang nakikipagrambulan sa mga nakainitan sa bar.

Nakita rin ang pakikipaggirian niya sa mga pulis habang pinoposasan siya.

Dinala siya sa presinto at napiit nang ilang araw. Sinampahan din siya ng patung-patong na reklamo.

Halos isang taon na ang nakalilipas, sinabi ni Awra na pinagsisisihan niya ang pagkakamali niyang iyon.

Read: Awra Briguela faces physical injuries complaint after brawl in Makati; Zeinab Harake, other vloggers defend Awra

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AWRA OPENS UP ABOUT 2023 "RAMBULAN"

Nagsalita si Awra tungkol sa insidentang ito sa YouTube interview sa kanya ni Vice Ganda nitong May 2, 2024.

“I’m okay. I’m getting better and I’m getting stronger,” sagot ni Awra nang kumustahin siya tungkol sa pangyayaring iyon.

Bakas din na nagsasalita si Vice on behalf of Awra.

Si Vice ang siyang tumatayong manager ni Awra.

Sabi ni Vice ukol sa alaga, “Ang suma naman nun, lahat kayo nagkamali. Lahat kayo may sobra at pagkukulang.

“Inamin mo naman yun, di ba? Hindi mo naman ine-excuse yung sarili mo sa pagkakamaling nangyari nung gabing iyon.”

“Yeah, I own up to my mistakes,” sundot ni Awra.

Aminado si Awra na bumigay siya matapos ang kontrobersiyang ito.

Sabi niya, “Ako yung taong hindi ko kayang magpakita ng weakness ko sa mga taong mahal ko, gano'n.

“Kaya after what happened, kaya after nung nakauwi na 'ko, siyempre, lugmok na lugmok na ako. Umiyak na ako. Yung time na hindi ko na talaga kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung nakulong ako parang hindi ko pa rin siya ma-realize na nangyayari na sa akin yun.”

Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline

Vice Ganda interviews Awra Briguela

Read: Accuser claims Awra Briguela forced him to strip; Awra's female friend says she was harrassed by accuser

AWRA WAS "Walwalera, nomoera, rampadora"—VICE GANDA

Hindi nga raw inasahan ni Awra na pagdadaanan niya ang ganoong pangyayari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero sinabihan siya ni Vice, “Walwalera ka noon. Walwalera, nomoera, rampadora. Sumobra ka din naman talaga. Tumodo sa edad na 19 anyos. Itinodo mo lahat, di ba?”

Sagot ni Awra, “Sumobra talaga. Super ano talaga ako noon, super gimikera. And I just want to have fun talaga and makalimot ng problema.

“So, in short, tinatakbuhan ko yung problem ko, hindi ko siya hinaharap. Tinalikuran ko. So, nung nangyari siya sa akin, di ako makapaniwala.”

Ang pagwalwal daw ang naging paraan ni Awra para pansamantalang makalimot sa mga problema.

Hindi naman niya idinetalye kung ano ang mga problemang iyon.

Payo ni Vice sa kanya, “Hindi masamang tumakas paminsan-minsan, lalo na pag ang sakit-sakit na, di ba?

“Ume-escape talaga tayo, pero kailangan alam natin na hindi iyon ang solusyon. Tatakas ka sandali para magpalakas, pero kailangan mong balikan ang issues mo.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Briguela looks back to when she was detained following her involvement in a bar brawl in 2023: “Nung nakulong ako parang hindi ko pa rin siya ma-realize na nangyayari na sa akin yun.”
PHOTO/S: YouTube (Vice Ganda)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results