Nalagay na naman sa spotlight si Xian Lim matapos itong maglaro sa Family Feud ng GMA-7 nitong nakaraang linggo.
Sa isang bahagi ng show, natanong ng host na si Dingdong Dantes ang mga contestant, kabilang na si Xian, kung ano ang sasabihin nila sa kanilang mga ex sakaling makasalubong nila ito.
Mangyari namang halos anim na buwan pa lang hiwalay si Xian sa matagal nitong nakarelasyong actress-TV host na si Kim Chiu.
Read: Kim Chiu confirms breakup with Xian Lim: “Sometimes love is not enough.”
Sagot ni Xian, "Pag nakasalubong mo ang ex mo, you should say na, ‘I hope you do find the happiness that it is you’re looking for.’
“Ganon lang, dapat masaya, di ba? Dapat masaya kayo para sa isa’t isa."
@familyfeudph #FamilyFeudPH #Highlights ? original sound - Family Feud Philippines
Sa comments section ng Facebook post ng Family Feud, inulan ng batikos si Xian mula sa netizens na obvious na mga tagasuporta ng ex-girlfriend ng aktor.
Narito ang ilan sa kanila:


XIAN LIM FLEXES IRIS LEE
Bago pa nito, pinag-usapan ng publiko ang tila pagsasapubliko ni Xian sa bago nitong girlfriend na si Iris Lee.
Noong May 5, 2024, ibinahagi ni Xian ang ilang behind-the-scenes photos ng pelikulang kanyang pinamamahalaan bilang writer-director, ang Kuman Thong.
Sa Thailand kinukunan ang mga eksena ng pelikula, kung saan si Iris ang producer.
Read: Meet Viva producer Iris Lee, girlfriend of Xian Lim
Sa mga ibinahaging BTS ni Xian, makikitang kumportable sila ni Iris sa location na magkatabi pa ang mga upuan sa set.
Ang inilagay lamang na caption ni Xian sa post ay ang title ng pelikula.
Hinuha ng netizens, ito na ang hudyat na unti-unti nang pagpapakilala ni Xian sa bagong karelasyon.
Read: Xian Lim flexes BTS of new movie with girlfriend Iris Lee
May 2, 2024, kinumpirma ni Xian na may namamagitan nga sa kanila ni Iris sa eksklusibong panayam niya sa Esquire Philippines.
Read: Xian Lim is Ready to Talk: ‘When I Love, I Go All Out’
Inusisa ng online magazine si Xian kung may katotohanan ang mga naglalabasang espekulasyong may relasyon sila ni Iris.
Diretsong sagot niya: "Yes, I’m seeing Iris.
"Just to clear everything, to clear all the speculations.
"We are seeing each other and we are very happy."
Read: Xian Lim finally confirms real score with Iris Lee
Sabi ni Xian sa Esquire Philippines, nagdesisyon siyang magsalita halos limang buwan matapos ang kontrobersiyal na announcement ng breakup nila ni Kim.
Ito raw ay upang bigyang-linaw ang mga haka-haka sa dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobya na wala naman daw katotohanan.
December 23, 2023, kinumpirma nina Kim at Xian sa publiko na nagtapos na ang labindalawang taon nilang pagmamahalan.
Read: Kim Chiu and Xian Lim: A Relationship Timeline
Walang binanggit na dahilan ang dalawa, ngunit "mutual decision" daw ang kanilang paghihiwalay.
Read: Kim Chiu on failed relationships: "Wala akong pinagsisihan."
XIAN LIM ON KIM CHIU SEPARATION
Saad ng Kapuso actor-director sa panayam ng Esquire: "I am ready to talk about it.
"It's just all over the place and, I think, ang dami nang dagdag, ang dami nang bawas. Naglabas naman kami [ni Kim] ng statement to clarify things.
"Of course, we have so much respect for our supporters. And yung na-build namin over the course of twelve years.
"But things in life happen. The unexpected happens and we broke up.
"It just pains me na maraming hearsay, maraming dagdag-bawas sa kuwento."
Diin ni Xian, "Una sa lahat, Iris is a talented filmmaker.
"She's my producer and she's also my creative partner."
Read: Xian Lim’s “akbay” photo with film producer Iris Lee goes viral; are they an item?
XIAN LIM SAYS IRIS LEE NOT a THIRD PARTY
Isa-isa ring sinagot ni Xian ang kaliwa't kanang akusasyong ibinabato ng netizens sa kanila ni Iris.
Una na rito ang pagkakadiin kay Iris na ito raw ang sumira sa mahigit isang dekadang relasyon nina Xian at Kim.
Pagbabahagi ng Kapuso actor, "These are the things that I want to clarify, number one: that there was a third party.
"There's no third party. That's it. That plain and simple."
Mariin ding pinabulaanan ng aktor ang napabalitang sikreto silang ikinasal ni Iris at nagli-live in na sila.
Paglilinaw niya: "Another rumor: when I see my friends—the people who are the last to even care about these things—kino-congratulate na ako.
"They say, 'Congratulations on the marriage in New York!' And I'm, like, 'No, I am not married.'
"And there's also this one absurd article, or a thing said about me, that I have been living with someone for years na daw.
"The only people I live with is my mom, my lola, my lolo. These are the things na, parang, it's just so absurd and it's just… why?!
"Things happen in life that we're not going to be able to control. And as much as we don't want it to happen, life happens.
"And it just pains me na parang may mga taong nadamay. That just really saddens me and that's very unfortunate."
Dagdag pa niya, "Ang busy-busy ni Iris, ang busy-busy ko. She has a lot on her plate, and I have a lot on my plate.
"And, you know, she doesn't deserve all that flak. We don't deserve that because all the things na people are saying, there's no truth to any of it."
Read: Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline
