Dalawang araw matapos ibunyag ni Megastar Sharon Cuneta na “estranged” ang kasalukuyang estado ng relasyon niya at ang kanyang panganay na si KC Concepcion, naglabas ng tribute si KC para sa ina.
Idinaan ni KC ang tribute sa isang YouTube video na kanyang inilabas noong mismong Mother’s Day, May 12, 2024.
Ang paksa ng 16-minute video ay ang Top 10 Gifts ng Megastar na may sentimental value para kay KC.
Kabilang dito ang jewelry, designer bag and wallet, books, ceramics, albums, at compiled letters.
Habang iniisa-isa ni KC ang items, may mga pahayag siya kung gaano kaespesyal sa kanya si Sharon.
SHARON'S REVELATION
Tila may reaksiyon din si KC kaugnay ng recent revelation ni Sharon na may lamat ang kanilang relasyong mag-ina.
Noong May 10, 2024, makahulugan ang sagot ni Sharon nang usisain ng press tungkol kay KC.
Katatapos lamang noong magsumite ng reklamong cyber libel ni Sharon at asawang si Kiko Pangilinan laban sa senior entertainment columnist na si Cristy Fermin.
Read: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan sue Cristy Fermin
Read: Bea Alonzo vs. Cristy Fermin: A Timeline
Sa isang punto ng interview, kinumusta ang relasyon ni Sharon kay KC, at dito inamin ng Megastar na mayroon na naman silang tampuhan.
Pagbubunyag ni Sharon: “Ano man ang problema namin ng panganay ko, because at this time we’re estranged, and I am very, very hurt.
"Pero there are things na tama yun. There are things na amin na lang.
“And pagbali-baliktarin man ang mundo, mahal mo yung anak mo, e. So, tiis-tiis na lang bilang nanay.
"Pero dadating sa point na ayaw ko na ring isiksik ang sarili sa ayaw sa akin. I’m tired."
Si KC ay anak ni Sharon sa kanyang first husband na si Gabby Concepcion.
Read: Sharon Cuneta, inaming "estranged" ang relasyon kay KC

KC’S MOTHER’S DAY MESSAGE TO MOM SHARON CUNETA
Sa kanyang YouTube video, huling ipinakita ni KC ang iniregalo ng ina na compiled letters ni KC noong bata pa ito.
Dito isiningit ni KC ang mensahe sa ina.
“Sabi ko sa kanya, di ba, hindi ako perfect na anak, di ba?" simula ni KC na kilalang independent magdesisyon para sa sarili.
“Pero ang dami-dami mong naturo sa akin. Maayos mo akong pinalaki at lahat ng mga tinuro mo sa akin ia-apply ko sa buhay ko, at ituturo ko rin sa mga magiging apo mo. I got this, di ba?
“Kung ano man yan, di ba, lagi akong babawi sa iyo at hindi ako papayag na hindi ka magiging proud sa akin.
“Life is short, di ba, let’s just love each other and forgive each other and be happy. And I love you, Mom.”
Tugma naman ito sa caption ni KC sa kanyang latest YouTube video at sa ipinost niya sa Instagram na Mother’s Day message para sa ina.
Parte ng caption ni KC sa YouTube video: “To Mama, I admire all you did to raise me as a single mom. Trust in the way you raised me- I’ve got this! And I love you no matter what we go through.”
Bahagi naman ng kanyang Instagram post: “Trust in the way you raised me—I will always strive to make you proud and feel that having me was worth it. I love you.
“I wish I could give you the world so you wouldn’t have to worry about anything for another second.”
Sinundan ito ni KC ng isa pang post na ipinu-promote ang Mother’s Day tribute niya kay Sharon na YouTube video.
Caption ni KC: “No matter what, I will always choose to honor my Mama.
“I’m grateful that, growing up, I had a mother who gave the best of everything.”
Kapansin-pansing walang komento sa dalawang IG posts na ito si Sharon.
