PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristy Fermin on cyber libel complaint of Sharon, Kiko

Cristy Fermin: "Pero ang ano, ha, pataas nang pataas ang level."
by Jojo Gabinete
Published May 10, 2024
sharon cuneta kiko pangilinan cristy fermin cyber libel
Cristy Fermin (right) on Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan (left) filing cyber libel complaint against her: "Wala pa po akong masasabi, wala pa kaming impormasyon na tinatanggap. Basta naiintindihan natin ito. Yan po ay kasama sa ating trabaho bilang mamamahayag."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Cristy Ferminute YouTube

Tila sadyang ginamitan ng reverse psychology ni Cristy Fermin ang kanyang pahayag kaugnay ng paghahain ng reklamong cyber libel ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan laban sa kanya.

Ngayong Biyernes ng umaga, Mayo 10, 2024, nagtungo sina Sharon at Kiko sa Makati Prosecutor's Office para isumite ang kanilang sworn affidavit kaugnay ng cyber complaint nila laban sa beteranong entertainment writer at showbiz talk-show host.

Read: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan file cyber libel complaint against Cristy Fermin

Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan sue Cristy Fermin for cyber libelKiko Pangilinan and Sharon Cuneta

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang ilang oras, nagbigay ng reaksiyon si Cristy sa pamamagitan ng kanyang online radio program na Cristy Ferminute.

Dito ay umapela siyang huwag magalit ang mga tagasuporta niya kina Sharon at Kiko dahil sa ginawa ng mga itong pagsasampa ng reklamo laban sa kanya.

Ito ay dahil sa mga nababasa raw niyang komento sa social media na nakikisimpatiya umano sa kanya.

Pahayag ni Cristy: “Huwag kayong magalit kay Sharon Cuneta.

"Kanina, ang dami kong nababasa. Galit na galit kay Megastar at kay dating Senador Kiko Pangilinan.

“Wala pa po tayong hawak na impormasyon. Malalaman natin yan kapag nabasa na po namin ng aming abogado.

“Yun lamang po yon, tanggalin po natin sa ating isip yung galit, yung hatred. Kasama po talaga yan sa laban."

Muli ring sinambit ni Cristy ang linyang ito: "Basta ang mahalaga, alam natin kung ano ang katotohanan."

Read: Cristy Fermin, feeling vindicated sa rebelasyon ni Baron Geisler tungkol sa panganay na anak ng aktor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CRISTY FERMIN SAYS LIBEL CASES AGAINST WRITERS ARE "TERRITORIAL"

Gaya rin ng kanyang pahayag nang sampahan siya ng reklamong cyber libel ni Bea Alonzo noong nakaraang linggo, muling iginiit ni Cristy na kasama umano sa trabaho niya bilang mamamahayag ang makasuhan ng libel o cyber libel.

Saad niya: “Kapag ikaw ay bangkero, merong pagkakataon na puwede kang malunod.

"Kapag ikaw ay pulis, puwede kang makabaril at ikaw ay aksidenteng mabaril.

“Kapag ikaw ay nasa ganyang mga linya na tulad namin na mga mamamahayag, naku, territorial po ang mga ganitong kaso—yung libel case, cyber libel. Territorial po yan.

“It comes with the territory, sabi nga natin. Yun lamang po yon."

Read: Cristy Fermin reacts to Bea Alonzo's cyber-libel complaint

CRISTY FERMIN ON CELEBRITIES FILING COMPLAINTS AGAINST HER

Beterana sa pag-argumento at pag-komento, idinaan ni Cristy sa birong may laman ang kanyang pahayag na "pataas nang pataas ang level" ng mga artistang nagsasampa ng reklamo laban sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, "Pero ang ano, ha, pataas nang pataas ang level.

"Tumataas ang level ng mga demandahan—from Sarah Lahbati to Bea Alonzo, Sharon Cuneta na ang kasunod.

"Sino po kaya ang susunod, si Julia Roberts na?"

Sa huli, sinabi ni Cristy na naiintindihan daw niya ang pinanggagalingan ng mga personalidad na nagsampa ng reklamo. Pero dapat din daw intindihin ng mga ito na trabaho lamang ang kanyang ginagawa.

Aniya: “Basta, naiintindihan natin kung saan sila nagmumula. Naiintindihan natin kung saan sila nanggagaling.

"Wala pa po akong masasabi, wala pa kaming impormasyon na tinatanggap.

“Basta naiintindihan natin ito. Yan po ay kasama sa ating trabaho bilang mamamahayag.

“Sabi ko nga sa mga anak ko, 'Mahiya kayo kapag ako ay idinemanda sa pagnanakaw. Mahiya kayo kapag ako’y idinemanda’t kinasuhan tungkol sa trafficking. Kapag ako ay nagbugaw at kung anu-ano pa. Yun ang dapat nating ikahiya.'

“Pero yung ganito, cyber libel, libel cases, kasama po ito sa teritoryo ng pagiging mamamahayag natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At nauunawaan po natin kung saan sila nanggagaling at nagmumula. Kung paano dapat din nilang unawain kung ano ang aming trabaho.

“Yun lang po yon, you don’t shoot the messenger.”

Read: Cristy Fermin addresses shade allegedly thrown at her by Vice Ganda during It's Showtime

KIKO AND SHARON ON BEING PUBLIC FIGURES

May pahayag na sina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta kaugnay ng katuwiran ni Cristy na ginagawa lamang nito ang kanyang trabaho.

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), kasama ang ABS-CBN, GMA-7, at TV5, pagkatapos nilang maghain ng reklamo, tinalakay ng mag-asawa ang usapin ng pagiging public figure at ang sinasabing hindi dapat sila maging balat-sibuyas.

Paliwanag ni Kiko: "Ang dami nagsasabi rin na kapag public figure kayo dapat tiisin niyo ang pagsisinungaling at paninira.

"But that's not the case. In fact, we also have private rights, lalo na kapag when the matter is not of public interest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Meaning, it's a personal issue or family matters and concerns. So that's why we're filing this case.

"Siyempre, alam na natin ang sistema sa social media ngayon. Paramihan ng views, paramihan ng subscribers, paramihan ng shares, kung anu-ano na lang.

"Paninira at kasinungalingan ang ikinakalat para lang sumikat, para lang dumami ang kanilang views at subscribers.

"So, hindi tama ito. That's why we're putting a stop to this.

"We believe the criminal behavior should not be allowed at the beginning."

Sinusugan ni Sharon si Kiko: "Like he said nga, na because we're public figures, we are very understanding of the fact na, you know, we're open to public scrutiny and criticisms.

"That's really okay kasi kakambal ng trabaho namin—siya [Kiko] bilang politiko at ako bilang artista.

"But it gets to a point kasi na it affects your children, your family.

"I've lost sleep over it kasi feeling ko, kahit hindi totoo, parang siyempre meron kahit lima na maniniwala doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I have brought suits against siguro two people in the past over 46 years of my career.

"Hindi ako mahilig sa ganito. Kung puwede lang [na huwag na sampahan ng kaso], kaya lang, after so often na tinitira ka, baseless...

"Yung opinyon, okay lang yon, e. Pero alam mo, there's a line, you don't hit beyond the belt, below-the-belt rather."

Ang reklamong cyber libel ng mag-asawang Sharon Cuneta at dating Senador Kiko Pangilinan ay karagdagang reklamong kinahaharap ngayon ni Cristy Fermin. Bago nito ay naghain ng reklamong cyber libel din laban kay Cristy si Bea Alonzo.

Read: Cristy Fermin reacts to Bea Alonzo's cyber-libel complaint

Eksaktong 10:53 a.m. ngayong Biyernes, May 10, 2024, nang dumating sina Sharon at Kiko sa Makati City Hall para isumite ang kanilang reklamo laban kay Cristy.

Kasama nila ang kanilang legal counsel mula sa Britanico Sarmiento and Ringler Law Firm.

Pagdating, agad na dumiretso sina Sharon at Kiko sa tanggapan ni Prosecutor Dindo G. Venturanza ng Makati Prosecutor's Office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay nilagdaan at pinanumpaan nila ang kanilang salaysay kaugnay sa inihaing reklamo laban kay Cristy.

Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan sue Cristy Fermin for cyber libel

CRISTY "MALICIOUS" STATEMENT AGAINST THE FAMILY OF SHARON-KIKO

Matapos pumirma at manumpa ng salaysay, nagpaunlak ng panayam sina Kiko at Sharon sa media para idetalye ang nilalaman ng isinumite nilang sworn affidavit.

Ayon kay Kiko, dahil sa mapanirang mga salita at akusasyon ni Cristy tungkol sa kanilang pamilya—na inilabas ng host sa kanyang vlog sa YouTube at posts sa kanyang Facebookkaya sila nagdesisyon ni Sharon na sampahan na ito ng reklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin ni Kiko, karapatan nilang ipagtanggol ang kanilang sarili, lalo na ang kanilang pamilya, laban sa mga mapanirang pahayag na binitiwan ni Cristy sa social media.

"Cybercrime law dahil malicious and imputation of defamation of our persons.

"Sabi nga natin na yes we are public figures, but we also have rights," saad ng dating senador.

Tinawag pang "criminal behavior" ni Kiko ang pagpapakalat ni Cristy ng mga malisyosong impormasyon na wala naman umanong sapat na basehan.

SHARON CLAIMS CRISTY REPEATEDLY THRew "BASELESS" AND "BELOW-THE-BELT" ATTACKS AGAINST HER AND HER FAMILY

Naniniwala si Sharon na nayurakan ang kanyang pagkatao sa ginawang paninira sa kanya ni Cristy online.

Bukod sa personal na pag-atake sa kanya, idinawit din daw ni Cristy ang kanyang mga anak at ang relasyon nila ni Kiko.

"Yung opinyon, okay lang yon, e. Pero alam mo, there's a line... You don't hit beyond what is acceptable. Pati mga anak namin, marriage namin, lahat na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CYBER LIBEL COMPLAINTS AGAINST CRISTY FERMIN

Ang kina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan ang ikatlong cyber libel complaint na natanggap ni Cristy Fermin nitong mga nakalipas na buwan.

Nauna na ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati, na naghain ng "cyber libel, harassment, defamation, and unjust vexation" laban kay Cristy at sa kanyang co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Hindi matukoy kung anong petsa naghain ng reklamo si Esther laban sa grupo nina Cristy.

romel chika cristy fermin wendell alvarez(From left) Romel Chika, Cristy Fermin, and Wendell Alvarez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Mayo 2, 2024, nagsampa rin ng reklamong cyber libel ang aktres na si Bea Alonzo laban kay Cristy, pati na kay Ogie Diaz at ang mga co-hosts nila sa kani-kanilang online shows.

Ang co-hosts ni Ogie sa kanyang programa ay sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.

Read: Cristy Fermin reveals Sarah Lahbati's mother sued her, co-hosts for cyberlibel

ogie mama loi dyosa pockoh(From left) Mama Loi, Dyosa Pocko, and Ogie Diaz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristy Fermin (right) on Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan (left) filing cyber libel complaint against her: "Wala pa po akong masasabi, wala pa kaming impormasyon na tinatanggap. Basta naiintindihan natin ito. Yan po ay kasama sa ating trabaho bilang mamamahayag."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Cristy Ferminute YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results