PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gigi de Lana’s mother dies

Gigi de Lana: "Mahal na mahal kita mama. Pahinga ka na."
by Arniel C. Serato
Published May 15, 2024
Gigi de Lana's mom dies
Singer Gigi de Lana announces on Facebook today, May 15, 2024, about the passing of her mother Imelda de Lana: "Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama. She passed away at 9:19 pm May 14, 2024."
PHOTO/S: Courtesy: Gigi de lana on Facebook

Pumanaw na ang ina ng singer na si Gigi de Lana na si Imelda de Lana nitong Martes ng gabi, May 14, 2024.

Sa Facebook at Instagram ngayong madaling-araw ng Miyerkules, May 15, inanunsiyo ni Gigi ang malungkot na balita.

Read: Gigi De Lana auctions off crop tops for mom's cancer treatment; latest bids are over PHP60K each

Ayon sa singer, eksaktong 9:19 kagabi nang bawian ng buhay ang ina.

Maiksing post niya sa Facebook: "Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama.

"She passed away at 9:19 pm May 14, 2024. Mahal na mahal kita mama.

"Pahinga ka na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram ay nagbahagi rin si Gigi ng mga larawan ng ina at nilang dalawa.

Caption niya rito, "Mahal na mahal kita mama. Pahinga ka na."

View this post on Instagram

A post shared by GIGI (@gigidelanaofficial)

GIGI DE LANA ASKED FOR PRAYES FOR HER MOTHER

Noong May 8 o ilang araw bago pumanaw ang kanyang ina, kinaantigan ng netizens ang ibinahaging video ni Gigi na kuha sa isa niyang gig sa Amerika.

Kasalukuyang nasa U.S. si Gigi at ang Gigi Vibes band para sa ilang shows doon.

Read: Gigi de Lana: from kontesera to singing sensation

Mapapanood sa ibinahaging video ni Gigi na habang nagsasalita siya sa gitna ng pagtatanghal ay sinabi niya ang kalungkutang nadarama sa kanyang puso.

Ayon sa singer, habang nagtatanghal siya sa entablado ay kasalukuyan namang nakaratay ang ina niyang si Imelda sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital at nakikipaglaban para sa buhay nito.

Hindi raw alam ni Gigi kung maaabutan pa niya nang buhay ang ina sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Gigi: "My mom is at the ICU now. If you have seen my stories, meron dung prayer, if you wanna pray for my mom, you can pray for her if you want.

“She’s fighting for her life now and I don’t know if pag-uwi ko andun pa siya. But I really wish she will be there.

"I really wanna hug her, kiss her because, you know, hindi mo alam kung kailan mawawala yung taong mahalaga sa yo.

"So, spend the time sa kanila and love with all your heart.

“There’s nothing wrong with it, just love, para hindi ka rin mag-regret. Because now I am regretting things that I didn’t do with my mom.

"I love her so much.

"And please love your family kasi sila yung nandiyan para sa inyo. Trust me, they love you with all their heart.

“Mahal na mahal kayo ng parents niyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GIGI DE LANA'S MOTHER IMELDA battle with cancer

Noong May 2023, inamin ni Gigi na malubha ang kalagayan ng ina na may stage four breast cancer.

Iyon daw ang mas dinadalang problema ni Gigi kaysa sa pagkakaroon niya ng throat nodules.

Apat na taon na raw nilalabanan ng ina ang malubhang sakit nito.

Pagbabahagi ni Gigi, "Mas iniisip ko yong mom ko kasi yong sa akin, puwede pang maagapan.

"To be honest, hindi ko na siya isu-sugarcoat, she’s not gonna be well.

"I don’t know when, pero at this moment of time, I’ll do my best to stay with her. Inaalagan ko siya.

"And lahat na nga ng gusto niyang kainin binibigay ko kasi sinabi na ng doktor na wala nang bawal sa kanya. She can eat whatever she wants, no limits."

Hindi na raw tumatalab ang simpleng pain reliever sa ina ni Gigi.

"So, kung gusto niyong malaman, sa gamot, nagmo-morphine siya. That’s three to four times a day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Now, hindi pa niya matanggap, e, pero ako, kailangan kong tanggapin."

Read: Gigi de Lana faces hard truth about her mom's stage four breast cancer

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Gigi de Lana announces on Facebook today, May 15, 2024, about the passing of her mother Imelda de Lana: "Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama. She passed away at 9:19 pm May 14, 2024."
PHOTO/S: Courtesy: Gigi de lana on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results