Ginanap ngayong May 15, 2024 ang GMA Annual Stockholders’ Meeting via Zoom.
Host sa naturang event ang Kapuso newscaster na si Pia Arcangel.
Unang ibinahagi ni GMA Network President and CEO Gilberto R. Duavit, Jr. ang naging accomplishments ng network sa digital platform.
Ani Duavit, "We continued to expand our presence in the digital space, more solidly establishing our relevance to the growing online audiences, particularly in the key social media platforms.
“Through all our content-producing teams within the Network and its subsidiaries, we've expanded our content offerings, ramped up the volume of exclusive digital content, and implemented specific strategies to enhance audience growth while improving engagement and audience diversity.”

Ang digital online ad revenue ng GMA-7 kasama na ang mga websites nito ay lumago ng 72 percent year- on-year.
Isa ito sa accomplishments na nabanggit ni Duavit at na-highlight din sa press release na inilabas ng GMA Corporate Communications pagkatapos ng stockholders’ meeting.
Ang official online channels ng Kapuso network sa YouTube, Facebook, at TikTok ay nakakuha ng 45.2 billion video views noong 2023, na mas mataas ng 38 percent kumpara noong 2022.
Tumaas din ang bilang ng subscribers and followers sa lahat ng official social-media platforms, na may kabuuang 345.6 million sa pagtatapos ng 2023.
Mas mataas ito ng 17 percent kumpara sa sinundang taon.
Marami rin ang nag-download ng GMA Mobile App.
Sa pagtatapos ng 2023, ang app ay may 3.86 million downloads, na mataas ng 17 percent kumpara noong 2022 na may 3.28 million downloads.
Read: Luis Manzano, mapapanood sa programa ng GMA-7
GMA-7 REMAINS NUMBER 1 BROADCAST NETWORK
Samantala, nangunguna pa rin ang GMA Network sa broadcast media landscape ng bansa at napanatili rin ang paghahari sa telebisyon at radyo.
Ang main channel na GMA-7 ang number one sa lahat ng TV stations sa buong bansa, batay sa datos ng Nielsen National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) at Nielsen Total Philippines (PHINTAM) People Audience Shares noong 2023.
Nasa ikatlong puwesto naman ang GTV.
Nanguna naman sa ratings ang mga programa ng Kapuso noong 2023.
Batay sa NUTAM and PHINTAM People Ratings, 29 sa Top 30 programs ay nagmula sa GMA, sa pangunguna ng 24 Oras at Kapuso Mo, Jessica Soho.
Rumatsada rin ang GMA Regional TV sa paghahatid ng mga lokal na balita, at may kolektibong mahigit 25 million TV viewers sa buong bansa.
Nangunguna rin ang Kapuso flagship radio stations, ang AM station DZBB 594 at FM station DWLS 97.1, sa Mega Manila, batay sa Nielsen Radio Audience Measurement (RAM) full-year average data noong 2023.
Maging ang FM radio stations ng GMA-7 sa Baguio, Dagupan, at Iloilo, gayundin ang AM station sa Iloilo, ay number one sa kani-kanilang areas.
Read: GMA-7, patuloy ang pamamayagpag sa TV ratings at online views
GMA'S STRATEGIC PARTNERSHIPS
Ngayong napakaimportante ng digital space para sa viewership, nakipag-collaborate ang GMA Network sa iba’t ibang partners noong 2023 para magkaroon ng karagdagang platforms para sa mga programa at content nito.
Sa pamamagitan ng special licensing agreement sa Viu, nagkaroon ang mga viewers ng access sa mga programang tulad ng The Write One, Love Before Sunrise, at Unbreak My Heart.
Ang matagumpay na primetime show na Maria Clara at Ibarra at TV adaptation ng pelikulang Maging Sino Ka Man ay nai-distribute naman sa Netflix.

Patuloy rin ang GMA sa partnership nito sa YouTube noong 2023.
Sa pamamagitan ng GMA Public Affairs, ang kolaborasyon ay nagresulta sa pagkakabuo ng exclusive series na Philippines' Number 1, tampok ang "best of the best" na tourist destinations at dishes, at isa pang installment ng Pinoy Christmas In Our Hearts, kung saan bida naman ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
GMA-7 'S COLLABORATIONS WITH ABS-CBN
Ayon pa kay Duavit, ang mga “unexpected developments" sa telebisyon ang nagbigay-daan para maging posible ang surprising partnerships sa TV industry.
Noong June 2023, ipinalabas ang It's Showtime! sa GTV sa ilalim ng isang co-production agreement with ABS-CBN.
Ang partnership ay mas pinalawig pa nang magkaroon ang It’s Showtime ng noontime slot sa main channel ng GMA-7 simula nitong April 2024.
Read: GMA-7 takes home multiple wins at New York Festival TV & Film Awards 2024
Nagpahiwatig naman si Duavit na magkakaroon pa ng ibang collaborations ang GMA Network sa ABS-CBN.
Aniya, ang mga naunang partnerships sa Kapamilya network ay naging mutually beneficial sa dalawang TV giants.

“The collaboration between GMA and ABS-CBN with respect to the airing of It’s Showtime was actually preceded by a number of other partnerships, all of which have been very smooth and characterized by reasonableness and have benefitted all the parties.
“Having said that, there is no reason not to assume that there may be future collaborations or partnerships in the future.”
Matatandaang ang GMA Network at ABS-CBN ay unang nakipag-partner sa Viu Philippines para sa Unbreak My Heart series, na kinatampukan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.
Samantala, tuloy na tuloy na ang pagbabalik-tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa sequel ng kanilang 2019 blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye.
Kinumpirma ito ng Star Cinema, ang movie production ng ABS-CBN, at ng GMA Pictures last May 19, 2024.
Bago ang pormal na anunsiyo, nagbigay na ng pahiwatig ang Star Cinema at ang GMA Pictures sa pamamagitan ng social media card na may text na, “This is finally happening.”
Ang salitang “finally” ay ginamitan ng typeface na ginamit sa poster ng Hello, Love, Goodbye.
Ang magiging titulo ng sequel ay Hello, Love, Again.
Nakatakda itong ipalabas sa Pilipinas sa November 13, 2024.
Muling gagampanan nina Kathryn at Alden ang kanilang mga karakter bilang Joy at Ethan.
Si Cathy Garcia-Sampana pa rin ang magiging direktor ng pelikula.
GMA-7'S NET INCOME
Gayunpaman, ayon kay Duavit, bagaman at maganda ang taong 2023 para sa GMA-7, nagsara ang taon para sa network nang may consolidated net income na PHP3.162 billion, mas mababa ng 42 percent year-on-year.
Ang 2023 net consolidated revenue ng GMA Network ay umabot sa PHP18.637 billion, na mababa ng 14 percent year-on-year.
Napanatili naman nito ang consolidated operating expenses sa PHP14.592 billion, mataas lang ng 1.15 percent kumpara noong 2022.
Read: Vice Ganda, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap ng publiko sa It's Showtime sa GMA-7
