#MUPH2024 #MissUniversePH2024
Si Chelsea Manalo ng Bulacan ang hinirang na Miss Universe Philippines 2024.
Siya ang nag-stand out sa 53 candidates mula sa iba't ibang bayan at lungsod sa Pilipinas.
Ginanap ang coronation night sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Miyerkules ng gabi, May 22, 2024.
Read: Chelsea Manalo wins Miss Universe Philippines 2024

As expected, inabangan ang mga naggagandahang kandidata suot ang kani-kanilang evening gowns at swimsuits.
Pinag-usapan ang pagsagot nila sa question-and-answer portion.
Kaya naman, bukod sa #MissUniversePhilippines2024, ay nag-trending din sa X ang ilang candidates.
May mga naging scene stealers din.
Read: Miss Universe Philippines 2024 Live Updates
JEANNIE MAI JENKINS LEFT SPEECHLESS BY LOUD CHEERS FOR ATHISA MANALO
Dumagundong sa venue ang malakas na sigawan ng crowd nang tawagin ang pangalan ni Ahtisa Manalo na isa sa kandidatang umabante sa Top 10.
Si Ahtisa ay mula sa Quezon Province at maituturing na veteran sa pageant industry at isa sa fan favorites ngayong taon.
Si Gabbi Garcia, isa sa mga hosts, ang nag-anunsiyo na si Ahtisa ay kabilang sa Top 10.
Katabi niya ang American TV personality na si Jeannie Mai Jenkins, na siya namang naatasang magtanong kay Ahtisa.
Pero dahil sa lakas ng sigawan kay Ahtisa, na-shookt si Jeannie at panandalian siyang natahimik.
Kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa maingay na suportang natanggap ng Quezon Province candidate.
"Wow, those are your fans?" ang candid remark ni Jeannie kay Ahtisa.
Mabilis na tumango ang Pinay beauty queen.
Saad pa ni Jeannie, "Alright, guys, we can hear you."
ALDEN RICHARDS "FORDA SHOUT" ANNOUNCING TOP 20 AND TOP 5
Ikinatuwa naman ng netizens ang mataas na energy na ipinamalas ng Kapuso actor-host na si Alden Richards.
Si Alden ang isa sa mga main hosts kasama si Jeannie at si Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel.
Sa taas ng kanyang energy nung in-anunsiyo niya ang mga pangalan ng kandidatang pasok sa top 20 at top 5, hindi napigilan ng isang netizen na tanungin siya ng, "Are u mad?"
Samantala, nakakatawang nag-effort sa paglalagay ng red angry emojis sa bilang na 1 to 20 ang isang X user.
Marami namang viewers ang antok na pero nagising at na-energize dahil sa pasigaw na tono ng aktor.
Mabuti na lang at hindi nahiritan si Alden ni Jeannie ng, "Alright, we can hear you."
VIDEO ADVOCACY EDITED IN CAPCUT
Bilang nakatutok ang pageant fans sa Miss Universe Philippines 2024 coronation night, hindi nakaligtas sa kanilang mapanuring mata ang "Capcut" logo sa dulo ng isang advocacy video.
Ang Capcut, ayon sa sarili nitong website, ay isang "creative platform powered by AI that enables video editing and image design."
Okay naman pagkaka-edit, pero ayon sa netizens, mukhang rush.
GABBI GARCIA PRAISED FOR CO-HOSTING MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2024
Kaliwa't kanang papuri naman ang natanggap ng commentator at backstage co-host na si Gabbi Garcia.
Nagalingan ang mga netizens sa kanyang poise and eloquence.
Pinatunayan ng Kapuso actress na hindi papadaig ang galing ng Pinoy, at kayang niyang makipagsabayan kay Jeannie, na isa ring sa Emmy-award winning producer.
"IBANG MANALO"
Marami namang pageant fans ang nagulantang noong hindi nakuha ni Ahtisa ang Miss Universe Philippines 2024 title.
Sumabak na sa international pageant si Ahtisa nang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss International 2018, kung saan siya ang naging first runner-up.
Ka-batch ni Ahtisa sa Binibining Pilipinas 2018 pageant si Catriona Gray, na siyang nag-uwi ng Bb. Pilipinas Universe 2018 at Miss Universe 2018 crowns.
Ngayong taon, hinirang siya bilang second runner-up.
Tweet ng isang netizen (published as is), "my exact same reaction when Bulacan won the crown. I was GAG! GAGGGGG! Nagpapatayan mga fans ni Iloilo at Quezon Province tapos ibang Manalo pala ‘yung nanalo HAHAHAHAHAHAHAHAHA CONGRATS CHELSEA, THO! #MissUniversePhilippines2024."
Ang tinutukoy niyang Iloilo ay ang pambato nitong si Alexie Mae Brooks, na kinoronahang Miss Eco Philippines 2024.
"ALEXIE BROOKS! PADAYON"
Si Alexie ang isa rin sa mga inabangan at itinuring na frontrunner ng kompetisyon.
Nag-trending din ang kanyang pangalan sa X.
Narito ang mensahe ng isang fan sa kanya: "Congratulations to one courageous Ilonggo and Filipina—unafraid, unapologetic, eloquent and awe inspiring. You can do more in the bigger stage of influencing people to fight for their dreams, regardless of their circumstances and stories. Bulahan ka, Alexie Brooks! Padayon! #AbanseBabaye."
Samantala, si Stacey Gabriel ng Cainta ang hinirang na first runner-up, si Tarah Mae Valencia ng Baguio ang third runner-up, habang si Christi McGarry naman ng Taguig ang fourth runner-up.
