Pinatunayan ni Andi Eigenmann at ng kanyang fiancé na si Philmar Alipayo na matatag ang kanilang relasyon.
Ito ay sa kabila ng isyu sa viral video ni Philmar kasama ang TikTok influencer na si Crissa Liaging.
Read: Woman talking to Philmar Alipayo in viral video speaks up
ANDI EIGENMANN: "WOMAN WITH CLASS"
Sa Instagram kagabi, May 29, 2024, ibinalita ni Andi sa kanyang followers na bukas na muli ang kanilang negosyong surf shop at cafe na Happy Islanders Surf Club.
Kalakip sa posts ang larawan niya, ng kanilang mga tauhan, at ni Philmar.
View this post on Instagram
Three hearts emojis ang komento rito ni Philmar.

Ang iba namang netizens, hindi napigilang magkomento tungkol sa pagiging kalmado raw ni Andi sa mga isyu.
Sabi ng isa, "An Amazing Woman with a Class who handles a negative situation professionally. Salute you Andi & to all Respected Women out there"

Bukod pa rito, ipinost din ni Andi sa kanyang Instagram Story ang announcement kung saan ang picture ni Philmar ang makikita.

Si Philmar naman ay nag-post din ng larawan ni Andi sa kanyang Instagram Story.

THE ISSUE
Nitong nakaraang May 25, 2024, usap-usapan sa social media ang TikTok post ni Crissa Liaging kung saan kasama niya ang surfer na si Philmar na nag-uusap.
Malinaw na kuha ito sa Siargao.
Makikita sa viral video na nag-uusap ang dalawa.
Topless si Philmar at parang may itinatanong sa kanya si Crissa.
Caption ng uploader sa video, "For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!"
Umabot kaagad ng million views ang video, pero binura ito ni Crissa.
Ni-reupload lang niya ito ulit na may kaparehong caption.
Sinaliwan din niya ito ng kantang "Weak" ng American R&B vocal trio SWV.
Hindi nagustuhan ng netizens ang video dahil parang nilalandi raw niya ang boyfriend ni Andi.
ANDI EIGENMANN BREAKS SILENCE ON ISSUE
Binasag ni Andi ang pananahimik tungkol sa viral video ng fiancé na si Philmar noong May 27, 2024.
Sa kanyang Instagram Story, may pahaging si Andi sa isang taong nagpapapansin lamang umano at ginawan ng malisyosong istorya ang video ng pakikipagkuwentuhan ni Philmar sa kanya.
Hindi man tinukoy sa post si Philmar, malinaw sa pahayag ni Andi na malayang-malayang lumabas ang fiancé kasama ang kanyang mga kaibigan, makipag-inuman paminsan-minsan, at makikipag-usap kanino man.
Buong post ni Andi, "He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that.
"What's shameful is purposely posting and editing a video to ause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention"
Read: Andi Eigenmann breaks silence on Philmar Alipayo viral video
WOMAN IN VIRAL VIDEO DENIES FLIRTING WITH PHILMAR ALIPAYO
Dinepensahan naman ni Crissa ang sarili matapos siyang putaktihin ng bashers dahil sa inilabas niyang TikTok video kasama si Philmar.
Ayon sa bashers, base sa video na kumalat ay parang nilalandi ni Crissa ang surfer at fiancé ng aktres na si Andi.
Sa Facebook, nag-upload si Crissa ng isang Reel nitong May 27, 2024. Dito ay itinanggi niya ang akusasyon laban sa kanya partikular na ang paglandi-landi diumano niya kay Philmar.
Read: Woman in viral video denies flirting with Philmar Alipayo
PHILMAR ALIPAYO POSTS NATIONAL COUPLE PICTURE
Ipinakita naman ni Philmar na hindi siya apektado sa isyung ibinabato sa kanya matapos kumalat ang viral TikTok video nila ng influencer na si Crissa.
Sa kanyang Instagram Story kahapon, May 29, 2024, nagbahagi siya ng couple pictures nila ng fiancée na si Andi.
Ang unang larawan ay selfie nila ni Andi.
Caption niya sa larawan, "National Couple Day! Post your other half [heart emoji]"
Sa kasunod na larawan ay makikitang sweet na sweet sila ni Andi kasama ang anak nilang si Lilo.
Inilagay rin niya ang lokasyon kung saan sila ngayon: Thunderbird Resorts & Casinos-Poro Point, La Union.
Ibig sabihin, umalis muna silang pamilya sa Siargao kung saan sila naninirahan.
Read: Philmar Alipayo posts cozy photos with Andi Eigenmann
