Viral ngayon sa TikTok ang ipinost na video ng isang influencer/video creator kung saan kasama niya ang surfer na si Philmar Alipayo sa Siargao.
Binigyang kulay ito ng netizens na alam ang love story ni Philmar at ng aktres na si Andi Eigenmann.
Read: Andi Eigenmann thanks fiancé Philmar Alipayo for being their family’s "support system"
Makikita sa viral video na nag-uusap ang TikTok content creator at negosyanteng si Crissa Liaging at Philmar.
Topless si Philmar at parang may itinatanong sa kanya si Crissa.
Caption ng uploader sa video, "For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!"
Umabot kaagad ng million views ang video, pero binura ito ni Crissa.
Ni-reupload lang niya ito ulit na may kaparehong caption.
Sinaliwan din niya ito ng kantang "Weak" ng American R&B vocal trio SWV.
NETIZENS REACT
Isinama rin niya ang tanong ng isang netizen na, "bakit dinelete yung video with Philmar?"
@crissshabibi Replying to @yaminimanzo ? original sound - HABIBI MAIN
Komento ng isang netizen, "Ang music et. Sure jud et? Haaay. Please don’t break Andi’s heart."

"Ang music man sad nimu et gud," ayon naman sa isa pa.

Sabi ng isa pa, "Bat ako yung nasasaktan para kay Andi, kahit sabihin pa naten na tropa or kung ano pa eh may asawa yung tao. Kunyare na lang ikaw yung nasa side ni Andi"

Komento pa ng isa, "pls don't break Andi's heart, as a married woman selos tlga ko kung Asawa ko Yan baka naisako ko na"

Sabi naman ni Crissa sa isa pa niyang post, "Ayaw ninyo butangi ug issue ang pag storya namong philmar wala rata ka kumingking sa ka gwapa ni andi! [Huwag niyong lagyan ng isyu ang pag-uusap namin ni philmar wala ako sa kalingkingan ng ganda ni andi]"
@crissshabibi Ayaw ninyo butangi ug issue ang pag storya namong philmar wala rata ka kumingking sa ka gwapa ni andi! ????
? original sound - HABIBI MAIN
Ito marahil ang sagot niya sa sinabi naman ng isang netizen na, "don't you dare seduce him!!!!!! He is living peacefully with his family"

Sa kanyang Facebook account, nag-share si Crissa ng post ng isang page tungkol sa viral video nila ni Philmar.
Sabi niya sa caption, "DILI NA LNG KO MAKIG STORYA ANI! [Hindi na lang ako makikipag-usap!]"
ANDI-PHILMAR BREAKUP RUMORS
Nitong mga nakaraang linggo, naglabas ng kanyang himutok si Andi dahil sa pagpapakalat ng ilang netizens na diumano'y on the rocks na ang relasyon nila ni Philmar.
Read: Andi Eigenmann addresses breakup rumors with Philmar Alipayo
Noong May 9, 2024, tuluyan nang tinuldukan ni Andi ang bulung-bulungang nagkakalabuan at hiwalay na sila ng fiancé na si Philmar.
Sa kanyang Instagram Story, nagbigay ng isang prangkang update si Andi sa pamamagitan ng isang selfie kasama si Philmar.
"Kami pa naman," simpleng caption ng aktres na tila nang-uuyam sa mga nagdududa kung sila pa ng award-winning surfer.
Read: Andi Eigennman and Philmar Alipayo still together
Wala pang reaksiyon sina Andi at Philmar ukol sa isyu.
Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Crissa ng mensahe sa kanyang Facebook account, na may 1. 4 million followers, para sa karagdagang paglilinaw ukol dito.
