Naglabas din ng kanyang saloobin ang veteran actress na si Divina Valencia kaugnay ng aniya ay “kahihiyan” ng kanyang kaibigang si Eva Darren sa ginanap na awards night ng isang local award-giving body.
Isa dapat sa presentors si Eva sa ika-72 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o FAMAS, na ginanap sa Manila Hotel noong nakaraang Linggo, May 26, 2024.
Kasama dapat magpe-present ni Eva si Tirso Cruz III. Subalit hindi ito nasunod dahil ang kasamang nag-present ni Tirso sa entablado ay ang baguhang singer na si Sheena Palad.
Naglabas ng official statement ang FAMAS committee, at humingi ng sorry sa kampo ni Eva.
Read:
Sinabi rin nilang ang dahilan ay hindi nila nahanap si Eva.
Kinontra naman ito ni Divina, na kasama sa table si Eva at ang isa pa nilang kaibigang si Marissa Delgado.
Read: Veteran actress Marissa Delgado no regrets posing naked for Playboy magazine in 1968

DIVINA VALENCIA SPEAKS UP on eva darren's issue
Sa pahayag ni Divina, hindi katanggap-tanggap ang rason ng FAMAS na hindi nila nahanap si Eva.
Nagpaliwanag din si Divina na noong una ay hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari.
Pero nakalahata siya dahil sa tagal ng paghihintay ay hindi pa umaakyat sa entablado ang kaibigang si Eva.
Sabi ni Divina sa ABS-CBN News interview, “’Tapos matagal na sabi ko, ‘Mare, bakit hindi ka tinatawag?’”
Hindi nagtagal ay tumayo raw si Eva at nagsabing uuwi na ito.
Sagot daw ni Divina, “Sabi ko, ‘Bakit ka aalis hindi ka pa tinatawag?’ Sabi niya, ‘Ay, hindi na, hindi,’ parang upset."
Umalis daw si Eva kasama ang kanyang tatlong apo, subalit bumalik ang isang apo sa table nina Divina at iniabot ang isang envelope.
Nakiusap daw si Eva na ibalik ang envelope sa PR officer ng event.
Katuwiran ni Divina sa pahayag ng FAMAS committee na hindi nahanap si Eva, “Bakit hindi mo hinanap si Eva na isa sa mga presenters na kasama ni Mr Tirso Cruz?
“Bakit sinabing hindi nakita? Hindi katanggap-tanggap sa amin yun, kasi andun lang ang lamesa namin, e."
Saka niya sinabing napahiya si Eva sa pangyayaring iyon na nagpaayos at kasama pa ang mga anak at apo.
Hirit ni Divina, "Masakit para sa anak, at sa mga apo na inaasahan nila na gumastos ng ganun: make up, hairdo, damit, driver, gas etcetera etcetera, dapat lang Madam Famas, ibalik mo lahat nang nagastos ni Miss Eva Darren."
Dagdag niya, "Yung kahihiyan hindi niya na maibabalik yun, habang buhay nang kahihiyan yun. At hindi lang sa kanya, kungdi kahihiyan ng anak niya at mga apo niya."
