Naganap na ang unang meeting ng Senate Spouses Foundation, Inc. nitong nakaraang May 31, 2024, ayon na rin sa ipinangako ng aktres na si Heart Evangelista.
Si Heart na ang mamumuno sa organisasyon ng mga kabiyak ng mga senador matapos hiranging Senate Presdient ang kanyang asawang si Francis "Chiz" Escudero.
Read: Heart Evangelista to husband Chiz Escudero: “Thank you for loving UNCONDITIONALLY.”
READY FOR THE CHALLENGE
Sa Instagram, nag-upload si Heart ng Reel noong May 31, Biyernes, kung saan ipinakita niya ang pulong nila ng mga kabiyak ng mga mambabatas ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Excited na raw siyang simulan ang katungkulan niya bilang pinuno ng Senate Spouses Foundation, Inc.
Gagawin daw nila ang lahat at pagsisikapan ang trabaho para mas mapatibay pa ang kanilang samahan.
Buong caption ni Heart, "Our very first meeting and as they say, coming together is just the beginning. (heart emoji) Excited to get down to work!
"Thank you for the warm welcome fellow senate spouses. (heart emoji) Ready to honor the challenge of working together and find ways to make our communities better and stronger. (heart emoji) @senatespousesph"
View this post on Instagram
Kabilang sa nagkomento rito at kasama rin sa nasabing meeting, si Mariel Padilla.
Si Mariel ay asawa ni Senator Robinhood Padilla.
Komento niya, "All out support (saluting face emoji) you got this (heart emoji)"
Sagot ni Heart, "Salamat Madame (heart emoji)"

CHIZ ESCUDERO SAYS wife preparing herself
Bilang tradisyon, awtomatikong magiging pinuno ng Senate Spouses Foundation, Inc. ang kabiyak ng hihiranging Senate President.
Kung wala naman itong asawa, maaring kapatid o sinumang kamag-anak ang itatalaga rito.
Sa Kapehan sa Senado forum noong May 23, 2024, naitanong kay Senator Chiz kung napag-usapan na ba nila ng asawang si Heart ang tungkol dito.
Ayon sa bagong Senate President, tila nag-panic si Heart dahil sa nakaatang na responsibilidad na ito.
Lahad niya, "Pinag-usapan na namin kagabi. Parang naiyak siya nang kaunti, nag-panic siya, parang hindi daw niya kaya."
Nakilala at nakausap na raw ni Heart ang kabiyak ng ilang senador noong nagkaroon sila ng dinner sa Malacañang matapos manumpa si Chiz.
Lahad ni Senator Chiz, “Nag-uusap sila at magmi-meeting ata sila next week.
"Nagtatanong siya. Hindi daw niya alam, hindi daw niya kabisado.
"Sabi ko, 'Ako rin naman, hindi ko alam, hindi ko rin kabisado.'
"Sabi niya, 'E, ikaw ang tagal-tagal mo na diyan, mundo mo yan.'
"Sabi ko, 'E, senador, oo. Pero Senate President, hindi."
Kailangan din daw magpa-briefing si Heart ng mga gawain ng Senate Spouses Foundation, Inc.
Pinayuhan din daw ni Chiz ang misis na huwag magpa-pressure.
Aniya, "[I told her] 'Huwag ka magpa-pressure, yung kaya lang, kung ano lang yung kaya.'
"Sabi ko lang, 'Simulan mo muna sa baba, paakyat, imbes na magsimula ka sa taas na pababa.'
"Ibig sabihin, huwag yung ang dami-dami agad. Simulan mo muna sa kaunti na parami, kaysa sinimulan nang madami tapos kumonti."
Read: Heart Evangelista all set to lead Senate spouses group
