Pinangunahan ni Senator Robin Padilla ang graduation ng mga bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) reservists na ginanap sa Philippine Navy headquarters sa Maynila kahapon, June 4, 2024.
Ang 48 na bagong AFP reservists ay mga empleyado ng senado. Tinawag silang Sandigan Alab Batch 10 class.
Read: Senator Robin Padilla, kinilala ang kontribusyon ni Jaclyn Jose sa local film industry
Kabilang ang aktres at staff ni Robin sa senado na si Nadia Montenegro sa mga nagtapos.

(Actress Nadia Montenegro (second from right on back row) is among the 48 senate employees who graduate as AFP reservists.)

TO CONQUER YOUR FEAR
Sa kanyang speech, pinapurihan ni Senator Robin Padilla ang 48 senate employees na bagong AFP reservists dahil natapos nila ang kanilang Basic Citizen Military Course (BCMC) na hindi raw niya nagawa noong kanyang kabataan.

Saad niya: "Kanina pa ako nagpipigil na lumuha sapagkat isa po ito sa pangarap ko nung bata ako na hindi ko nagawa yun.
"Lagi ko sinisisi mga magulang ko bakit hindi ko nagawa.
"Pero yun pala ay nakatakda pala ang araw na ito na kayo ang makakasama ko sa isang masasabi nating paglalakbay.
"Itong paglalakbay na ito may kinalaman ito sa sarili natin."
Proud na proud daw ang mambabatas na napagtagumpayan ng mga ito ang mga agam-agam kung makakaya nila ang kanilang pagsasanay.

Dagdag pa niya, "Kapag pinanonood ko yung mga video, tinitingnan ko yung mga awards ninyo, nilalagyan kayo ng ranggo, ng bandila ng Pilipinas, napakagandang symbol na na-conquer niyo na yung sarili ninyo.
"Napakahirap nun ha, pagka nagbasa ka ng mga isinusulat ng mga matatalinong tao o yung mga taong may nagawa para sa kanilang bayan, sa kanilang sarili, ang laging unang-una doon ay how to conquer yourself.
"Kung hindi ka magiging isang great man o great woman o anumang gender mo, kung hindi mo na-conquer yung sarili mo.
"Pag sinabi mo na na-conquer yung sarili mo, ano ba yun? Yung fear."
Dahil nalagpasan nila ang mga iniisip na alinlangan, kaya na raw nilang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Sabi niya, "Dito sa dinaanan niyo, napakasarap isipin na suot mo yung uniporme. Na lahat ng bagay na pinagawa sa inyo, na natatakot ka at ayaw mong gawin pero ginawa mo, ay yun ang ibig sabihin na na-conquer mo yung sarili mo.
"At doon puwedeng mag-umpisa yung sinasabi natin na kaya mong ipagtanggol ang sarili mo.
"Dahil ang isang tao na hindi na na-conquer ang sarili niya, duwag yun.
"Dahil hindi mo kilala yung sarili mo at hindi mo naku-kontrol ang sarili mo.
"Pero ang isang tao, kontrolado mo, at kabisado mo ang sarili mo, kaya mong ipagtanggol ang sarili mo.
"At yan yung basic citizen military training na pinasok niyo."
"LAHAT NG PILIPINO, MAGALING."
Sa huli, hinikayat ni Robin ang mga nagtapos na ipalaganap ang kabutihang dulot ng ROTC training.
Lalo na sa mga kabataan dahil nahaharap ang bansa natin ngayon sa ilang banta sa seguridad mula sa ibang bansa.

Aniya, "Yung mga bagay na sinasabi patungkol ngayon sa kalagayan ng ating bansa, isa lang po ang nais kong ipamisyon sa inyong lahat na mga bagong miyembro ng reservists.
"Sana po, kayo po ang aming maging tagapagsalita sa ating mga kabataan.
"Huwag silang matakot na conquer-in ang sarili nila. Harapin kung ano yung mga bagay na kinakatakutan nila.
"Hindi puwede na habang tumatanda tayo, nagkakaedad tayo, hindi puro bibig ang ginagamit natin.
"Sayang naman yung dalawang paa, sayang naman yung dalawang kamay, sayang naman yung mga puwedeng gawin ng katawan mo na hindi mo akalain na puwede mong gawin."
Dagdag pa niya, kailangan nating isapuso ang mga natutunan nilang leksiyon sa training.
Saad ng actor-politician, "Una, ang disiplina.
"Yung disiplina at alam mo na hindi lang ikaw ang magaling. Lahat tayo, magaling.
Lahat ng Pilipino, magaling.
"At lahat tayo kung sama-sama, magiging napakagaling natin. Yun po ang tandaan natin.
"Kasi nakakalungkot isipin na ang laking issue, bakit pinagtatalunan sa bansang ito ang mandatory ROTC training.
"Hindi ko po talaga maintindihan.
"Lahat ng kapitbahay natin sa Southeast Asia, sila ay naghahanda. Pero sa Pilipinas, 'K' lang tayo.
"Hindi puwedeng puro 'K' lang tayo. Kailangan may 'O' sa 'K.'
"Pag wala yung 'O', disgrasya tayo diyan.
"Kaya sana po, inaasahan natin na kayo lahat. Yung kinuha rin yung mga ranggo, bandila ng Pilipinas, may isang simbolo po yan na makumbinsi natin yung mga kabataan natin na tumindig din sila.
"At conquer-in din nila yung sarili nila. Sapagkat ang tao, na conquered niya na ang sarili niya, kahit sino pa yan, kahit anong lahi pa yan, kahit ano pa yung tumapat sa iyo, hindi ka nila mako-conquer.
"Dahil ikaw ang master ng sarili mo. At kailanman, hindi ka magiging servant."
