Ibinahagi ni Senator Robinhood Padilla ang panukalang resolusyon para kilalanin ng Senado ang husay ni Jaclyn Jose bilang aktres at ang malaking kontribusyon niya sa Philippine entertainment industry.
Pumanaw si Jaclyn dahil sa heart attack, sa edad na 60, noong March 2, 2024.
Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60
Nang dumalo siya sa red-carpet premiere ng A Glimpse of Forever sa SM Megamall Cinema 2, noong Lunes ng gabi, Marso 4, 2024, ikinuwento ni Robin sa entertainment press na malapit sila ni Jaclyn sa isa’t isa dahil sa mga pelikulang ginawa nila noon sa Double M Productions, ang movie outfit ni film producer Mike Miranda na pumanaw noong Disyembre 2019.
Lahad niya, “Malapit po sa akin si Ma’am Jaclyn dahil dati, iisa kami ng produksiyon, yung Double M.
"May ginagawa kaming parehong pelikula, ako Barumbado [1990]. Siya naman may ginagawang pelikula, siya yung bida nung mga panahon na yon.”
Ang tinutukoy ni Robin na pelikula ni Jaclyn ay ang Itanong Mo sa Buwan, na ginawa ng Double M Productions at pinagbidahan nina Jaclyn at Mark Gil.
Opisyal na kalahok ang Itanong Mo Sa Buwan sa Metro Manila Film Festival 1988.

Pagpapatuloy ni Robin, “Nagkikita kami sa opisina ng Double M, tapos ginawa ko yung Lab Kita, Bilib Ka Ba? [Moviearts Films, 1994], Kasama ko siya dun.
"Magkaibigan kami. Kapag nagkikita nga kami, 'batch' ang tawagan namin."

Ikinagulat at ikinalungkot ni Robin ang pagpanaw ni Jaclyn dahil kabilang ito sa mga sumuporta sa Eddie Garcia Bill (House Bill 7762) na ipinasa ng Senado sa ikatlong pagbasa noong Pebrero 19, 2024.
Read: Senator Robin Padilla pinatunayang kaya ang 16 hours na shooting ng pelikula
Bilang pagbibigay-pugay sa talento ni Jaclyn bilang aktres at pagkilala sa mga kontribusyon nito sa industriya ng Philippine entertainment, isang resolusyon ang ginawa ni Robin at ng kanyang mga kapwa senador na sina Grace Poe, Jinggoy Estrada, Ramon Revilla Jr. at Lito Lapid.
Ani Robin, “Nabigla ako kasi magkasama pa kami sa Eddie Garcia Bill, nag-rally yung mga artista. Pumunta sa public hearing.
"Kaya ang ginawa namin sa Senado, kasama ko si Ma’am Grace, si Sir Jinggoy, si Sir Bong, saka si Sir Lito Lapid, gumawa kami ng resolusyon para kilalanin ang talino niya sa pag-arte.
“Siya ang nagbigay sa atin ng karangalan sa Cannes Film Festival, best actress [Mayo 2016]. Isang ginintuang pamana yon sa atin.
"[Sa Southeast Asia], siya pa lang, siya pa lang, walang iba na nagbigay sa atin ng karangalan.
“Buong mundo po ang Cannes Film Festival, tandaan po natin. Yan po ang nagbibigay ng karangalan. Ibig sabihin, napakagaling mo na kapag nanalo ka [sa Cannes].”
Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa
Related Stories:
- Jaclyn Jose: A life lived like in the movies
- Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of heart attack
- Phillip Salvador, Alfred Vargas, Adolf Alix Jr. nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Angel Locsin, Barbie Forteza, Kylie Padilla, Andrea Torres, more celebs mourn death of Jaclyn Jose
- Andi Eigenmann, nilinaw ang isyu sa edad at petsa ng kamatayan ni Jaclyn Jose
- Stella Suarez Jr. nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigan at kasabayang si Jaclyn Jose
- aclyn Jose’s close friend posts last conversation with late actress: “I waited at the Cinema but you never came.”
- Alden Richards, Vilma Santos, Iza Calzado, Charo Santos pay tribute to Jaclyn Jose
- Claudine Barretto "in unbearable pain" over Mula Sa Puso co-star Jaclyn Jose's death
- Andi Eigenmann, Jake Ejercito magkasama sa pagdating ng labi ni Jaclyn Jose
- Andi Eigenmann pens tribute to late mom Jaclyn Jose: “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.”
- Nora Aunor, Lorna Tolentino, Gladys Reyes nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Katrina Halili posts convo with Jaclyn Jose comforting her after boyfriend's death
- Claudine Barretto breaks down at Jaclyn Jose's wake
- Gina Alajar, Vina Morales, Jean Garcia, more celebs pay homage to showbiz icon Jaclyn Jose
- Jake Ejercito pays homage to late Jaclyn Jose: "I surely wouldn't have survived those years of fatherhood without your guidance."
Jaclyn Jose's memorable quotes about parenting - Black Rider star Gladys Reyes "invades" Batang Quiapo night at Jaclyn Jose's wake
- Bing Pimentel shocked by "tragic" death of Jaclyn Jose