May panibagong pasaring si Annabelle Rama sa hindi nito pinangalanang "Chucky" na gusto raw makalaban ni "Annabelle Doll."
Si Chucky ay isang demon doll mula sa sikat at classic horror movie na Child's Play (1988).
Si Annabelle naman ay ang possessed doll sa Annabelle film series.
Sa Facebook nitong Miyerkules, June 5, 2024, nag-post si Annabelle ng nakakaintrigang pasaring.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo.
"Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis.
"Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?"

NETIZENS REACT
Mabilis na kumalap ng samu't saring komento ang post na ito ni Annabelle.
Marami sa netizens ang naghinalang si Sarah Lahbati ang diumano'y pinapatungkulan ni Annabelle na "Chucky."
Read: Who is Annabelle Rama alluding to in “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR” post?
Si Barbie Imperial naman daw ang tinutukoy niyang "Barbie Doll" na "maganda, maputi, at makinis."
May ilang espekulasyon na nasasabi ito ni Annabelle dahil magpahanggang ngayon ay hindi sila magkaayos ni Sarah, estranged wife ng anak niyang si Richard Gutierrez.
Read: Esther Lahbati laughs at "ginaya" comment on Barbie Imperial
Habang si Barbie naman ang nali-link ngayon kay Richard.
Komento ng isang netizen (published as is), "uyyy bet nya si Barbie."
"Boto kay Barbie Doll," sabi pa ng isa.
Read: Barbie Imperial posts Bible verse about “truth”
Marami namang netizens na ipinagtanggol si Sarah laban kay Annabelle.
Saad ng isa, "Tama lang talaga decision ni Sarah kung may biyenan siyang kagaya mo. HAHAHAHAHAHA."
May isa pang netizen ang nakapag-screenshot ng reply umano ni Annabelle sa isang nagtanong sa kanya kung ang pinapatungkulan niya sa post ay ang estranged wife ni Richard.
Tanong ng isang netizen, "Si Sarah ba yan yung munting prinsesa?"
Makikitang reply ni Annabelle, "Hindi kasi hindi siya prinsesa. Pakawala siya."

Depensa tuloy ng netizen na nakapag-screenshot sa comment—na burado na ngayon—hindi tamang pagsalitaan ng masasakit na salita ni Annabelle si Sarah, lalo na't ito ang ina ng kanyang mga apo—sina Zion at Kai.
"How can she post something like this?? PAKAWALA DAW YUNG DAUGHTER IN LAW NYA??? Nanay ng mga apo mo sasabhn mo ng ganyan?? IBANG KLASE!!! Sarah Lahbati Gutierrez you deserve all the RESPECT!!! unfollow nalang agad ung ganitong tao. GODBLESS," komento nito.
Read: Who is Sarah Lahbati alluding to in cryptic "mistreatment" post?
RICHARD-BARBIE SIGHTINGS
Noong January 6, 2024, unang naintriga sina Richard at Barbie sa estado ng kanilang relasyon.
Ito'y matapos silang maispatang magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, sa Muntinlupa City.
Ilang customers sa kanilang paligid ang kumuha ng video ng dalawang celebrity.
Kumalat ang nasabing video sa social media hanggang sa makarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Hindi gaanong malinaw ang video ngunit mahihinuhang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa isang mesa, kasama ang ilang kaibigan.
Napansin ng mga customer na nakakita kina Richard at Barbie sa gastropub na sobrang kapalagayan nila ang isa't isa.
Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial spotted together at Alabang gastropub
May 26, muling nasulyapan ng publiko ang pagsasama nina Richard at Barbie sa iisang lugar.
May netizen ang nakakita sa kanila sa South Korea sa may Myeong-dong area, isang shopping destination sa nasabing bansa.
Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial spotted in South Korea
Ngunit tila hindi lang sa bakasyon magkasama sina Richard at Barbie.
May 27, nahagip naman si Richard sa Instagram Story ni Barbie habang sila ay nasa gym.
Makikita sa larawan ng aktres ang mirror selfie niya, suot ang kanyang gym outfit.
Ngunit ang mas nakaagaw ng atensiyon ng netizens ay ang lalaki sa likuran ni Barbie na nag-eehersisyo rin.
Hindi malinaw ang mukha ng lalaki na naka-headset, sumbrero, at naka-black sando.
Read: Did Barbie Imperial post gym photo with Richard Gutierrez?
SARAH'S REACTION
Samantala, tikom naman ang bibig ni Sarah sa napapabalitang ugnayan nina Richard at Barbie.
Noong April 2, 2024, sa mediacon ng TV5 drama series na Lumuhod Ka Sa Lupa, nahingan ng reaksiyon si Sarah ng entertainment press tungkol sa bulung-bulungang may espesyal na relasyong namamagitan kina Richard at Barbie.
Ito'y matapos kumalat sa social media ang video at ilang larawan nina Richard at Barbie na magkasama sa isang gastropub sa Alabang, Muntinlupa.
Maikli at natatawang sagot ni Sarah sa entertainment press: "No reaction. NR."
Read: Sarah Lahbati "no reaction" to Richard Gutierrez-Barbie Imperial sighting
