PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Annabelle Rama on Richard-Sarah Split

Annabelle Rama says son Richard Gutierrez is staying with her now.
by Jojo Gabinete
Published Dec 8, 2023
annabelle rama richard sarah breakup
Annabelle Rama (left) on rumored Richard Gutierrez-Sarah Lahbati (right) split: "Hindi pa ako puwede magsalita, e, pero sasabihin ko sa yo — si Richard na sa akin ngayon."
PHOTO/S: @annabelleramaig / @gideonhermosa on Instagram

Ang mga pahayag ni Annabelle Rama sa ABS-CBN News na isang buwan nang naninirahan sa tahanan niya sa Quezon City ang anak na si Richard Gutierrez ang isang kumpirmasyon ng matagal nang usap-usapang hiwalay na si Richard sa asawang si Sarah Lahbati.

Read: PEP OUTTAKES: KathNiel, KimXi, Richard-Sarah rumored breakups

Nag-umpisa ang mga haka-hakang may problema sa labindalawang-taong relasyon nina Richard at Sarah nang hindi na sila magkasama sa mga larawan sa kani-kanilang social media posts.

Hindi na rin nakikita si Sarah sa mga importanteng okasyon ng pamilya Gutierrez, tulad noong nagdiwang ni Annabelle ng kaarawan noong Oktubre 2023 at bininyagan ang anak ng isang kapatid ni Richard noong November 19, 2023.

annabelle rama birthdayThe Gutierrez family during matriarch Annabelle Rama's birthday party

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sarah Lahbati gets asked by netizens: "Why no pic with Richard Gutierrez?"

Kilala si Annabelle na prangka at tagapagtanggol ng mga anak. Siya ang unang-unang nagsasalita kapag walang katotohanan ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga ito.

Ang pananahimik nito mula nang mag-umpisa ang mga espekulasyong hiwalay na sina Richard at Sarah ang naging basehan ng publiko na isiping may problema nga sa pagsasama ng dalawa.

Hindi nagkamali ang kutob ng mga tao nang magsalita si Annabelle sa ABS-CBN News.

Sinabi niyang isang buwan nang naninirahan si Richard sa tahanan nila sa Quezon City. Pagkatapos ng Pasko, maglilipat na raw si Richard ng mga gamit nito mula sa tahanan sa Alabang na tinitirhan nila ni Sarah at ng kanilang dalawang anak.

"Si Richard, nasa bahay ko ngayon, one month na. Pero unti-unti siyang lumilipat ng gamit sa Alabang. Lilipat na siya after Christmas," sabi ni Annabelle.

Dagdag pa niya, "Hindi pa ako puwede magsalita, e, pero sasabihin ko sa yo — si Richard na sa akin ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sarah Lahbati debuts new hairstyle; netizens think she is in "moving on era"

Ayon pa kay Annabelle, nasa poder ngayon ni Richard ang dalawang anak nila ni Sarah.

Biyernes ng madaling-araw, Disyembre 8, 2023 nang lumabas ang panayam ni MJ Felipe kay Annabelle, na nagbanggit ding hindi kasama si Sarah sa pagdiriwang ng pamilya Gutierrez ng Pasko at Bagong Taon sa Japan.

"Sama-sama buong pamilya ko... minus one lang," natawang sabi ni Annabelle.

Nang tanungin kung may gusot sila ni Sarah, sagot ni Annabelle, "Hindi ko siya kinakausap. Wala akong time makipag-usap sa kanya."

Samantala, hindi pa nagsasalita si Sarah tungkol sa mga rebelasyon ng kanyang biyenan tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Richard.

May pahiwatig si Annabelle na may kinalaman sa usaping pananalapi ang isa sa mga pinagmulan ng hidwaan ng mag-asawa.

Pero tanging sina Sarah at Richard lamang ang nakakaalam sa tunay na puno’t dulo ng kanilang paghihiwalay at ito ang inaabangan ng publiko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinasal sina Richard at Sarah sa isang intimate civil wedding ceremony noong March 14, 2020, sa Taguig City Satellite Office.

Read: The story behind Sarah Lahbati and Richard Gutierrez's intimate wedding

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Annabelle Rama (left) on rumored Richard Gutierrez-Sarah Lahbati (right) split: "Hindi pa ako puwede magsalita, e, pero sasabihin ko sa yo — si Richard na sa akin ngayon."
PHOTO/S: @annabelleramaig / @gideonhermosa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results