PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imelda Papin thankful for appointment as PCSO director

Imelda jumpstarts 'Isang Linggong Serbisyo' advocacy project
by Melba R. Llanera
Published Jun 8, 2024
imelda papin biopic
Imelda Papin on her appointment as one of the Board of Directors of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO): "I cried, I shouted, talagang I screamed, thank you Lord, thank you! Is this for real?
PHOTO/S: Jerry Olea

Appointed bilang isa sa Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang tinaguriang Original Jukebox Queen na si Imelda Papin.

Imelda Papin
Pres. Bongbong Marcos
Newly appointed PCSO director Imelda Papin (3rd from left) with President Bongbong Marcos

Isa ngayon sa limang direktor ng nasabing government charitable institution, si Imelda ay dati nang nanungkulan bilang Vice Governor ng Camarines Sur noong 1998-2004 at 2019-2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Imelda sa nakaraang thanksgiving lunch na giannap sa Le Reve Pool and Events Venue nung nakaraang June 4, siniguro naman nito na ngayong isa na siya sa PCSO directors ay mas magiging mabilis at madali na ang pagtulong sa ibang tao lalo na sa mga taga-industriya.

Lahad niya, "Malaki ang maitutulong na nandiyan ako, since ako ang President ng Actor's Guild of the Philippines and Showbiz Industry Alliance For Entertainers and Performers.

“Yung mga members natin madali na silang makakalapit. Isang tawag lang, ganun. I'll give you the information kung paano."

READ:

Imelda Papin, itatalagang bagong chairperson ng PCSO?

Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin, sa tatlong sinehan nag-premiere night

IMELDA THANKFUL FOR PCSO APPOINTMENT

Tinanong din namin si Imelda kung ano ang unang reaksyon niya nang mabalitaan niya ang appointment niya bilang isa sa direktor ng PCSO.

Kuwento niya, "I cried, I shouted, talagang I screamed, thank you Lord, thank you!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Is this for real? Sobrang nagpapasalamat ako sa ating Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. dahil pinagkatiwala niya sa akin to handle this position bilang one of the directors of PCSO."

"Ako'y kasama sa pag-a-approve ng anumang agenda na pupewedeng aprubahan ng board.

“Siyempre gusto ko mayroong teamwork ang bawat isa, sa kapakanan ng bayan, sa kapakanan ng bawat Pilipino."

Pinasalamatan din ng veteran singer ang mga taong dumalo sa kanyang thanksgiving party kung saan present ang mga taong malalapit sa kanya.

Pag-amin niya, "Ngayon lang nagsi-sink in. Ang daming naritong mga kaibigan na bumabati sa akin, thank you very much.

“Sa lahat ng mga Pilipino na nagdala sa akin sa tugatog ng tagumpay, narito po ako at ibabalik ko ngayon sa pamamagitan ng pagsilbi, pero siyempre with the approval of the board"

Ayon nga kay Imelda, noon pa ay pangarap niya nang ipagpatuloy ang magserbisyo sa mga kababayan natin at ngayon ay mas magkakaroon ito ng katuparan ngayong nasa posisyon na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, "Ang pangarap ko ay ipagpatuloy ang aking pagtulong sa ating mga kababayan since I was the governor in our province Camarines Sur.

“Di pa ako opisyal, di pa ako officer, tumutulong na ako.

“At ngayong nasa PCSO ako, maipagpapatuloy ko ang aking ginagawa noon ngayon at sa mga susunod pa."

READ:

Imelda Papin reveals two actors who courted her in the past

Imelda Papin, magpoprodyus ng pelikula tungkol sa buhay niya

IMELDA JUMPSTARTS ‘ISANG LINGGONG SERBISYO’ CHARITY PROJECT

Isa sa proyekto na sisimulan ni Imelda ay ang Isang Linggong Serbisyo kung saan ayon sa kanya ay walang magiging pahingang araw ang pagseserbisyo nila sa tao at alam niya na malaking tulong ang maibibigay ng media sa naturang proyekto.

Masaya niyang balita, "Ang Isang Linggong Serbisyo, kailangan kahit Sabado o Linggo, tayo ay magtrabaho.

“Marami kasi ang mga nasa ospital pagdating ng Sabado o Linggo. Walang matawagan, so kailangan mabigyan natin ng atensyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yun ang ipo-promote ko sa board."

"Kalangan namin kayo, ang media, of course. We've been calling you para suportahan ninyo itong gagawin naming programa, ang Isang Linggong Serbisyo.

“Approved na siya ng Presidente. Sabi niya, ‘Sige, unahan mo na.’

“Sabi nga niya focus on helping the people, ibaba at itulong sa mga tao. Kami ay iikot at tutulong sa ating mga kababayan.

IMELDA TO BE TOO BUSY FOR SHOWBIZ CAREER?

Dahil magiging abala na sa pagiging PCSO director, tinanong namin si Imelda kung mabibigyan pa kaya niya ng oras ang kanyang showbiz career.

Paninigurado niya, "Sige pa rin, basta Sabado at Linggo puwede, tuloy-tuloy pa rin. Mahirapan? Hindi, sanay ako diyan."

"May isa akong project, yung movie ko, The Untold Story Of Imelda Papin. Sa theaters siguro July, pero ngayon puro block screenings."

IMELDA PRAISES CLAUDINE

Gumanap bilang batang Imelda sa pelikula si Claudine Barretto, at puri ng singer ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa magaang itong katrabaho ay maganda raw ang samahan na nabuo sa kanila.

"Maganda, okay siyang katrabaho. Si Claudine, the best.

"We're okay, she treats me like her Mom, and I love her so much."

READ:

Imelda Papin returns to showbiz after failed Camarines Sur governor bid

Imelda Papin, Eva Eugenio, shocked pa rin sa pagpanaw ni Claire dela Fuente

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Imelda Papin on her appointment as one of the Board of Directors of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO): "I cried, I shouted, talagang I screamed, thank you Lord, thank you! Is this for real?
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results