Sa bagong TV5 teleserye na Padyak Princess, isang single mother—si Selma—ang papel ng aktres na si Yayo Aguila.
Sa tunay na buhay, paano nakaka-relate si Yayo sa kanyang papel?
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na maaga nag-asawa sina Yayo at ang kanyang showbiz husband na si William Martinez noong 1985, sa kainitan ng kanilang kasikatan bilang promising young stars.

Pero pormal silang naghiwalay noong 2010, matapos ang halos 25 years ng pagsasama. Biniyayaan sila ng apat na anak: sina Patrizha, Danielle, Dana, and Adam.
Lahad ni Yayo, “Sa akin, madali lang, hindi ko kailangan humugot. Kasi parang sa akin normal na, iyon na yung naging norm ko for the past 15 years.
“I’m a single mom, 16 years.
“So, yung character ko dito bilang single mom at bilang si Selma na tatlo ang anak ko, parang normal lang. Ganun.
“Feeling ko kasi hindi ako umaarte. Pag kasama ko yung tatlong anak ko dito, si Miles, silang tatlo, parang normal lang,” pahayag ni Yayo na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand mediacon ng Padyak Princess sa TV5 Media Center sa Reliance St. sa Mandaluyong City noong June 4.
READ:
Yayo Aguila on ex-husband William Martinez: "Buhay niya, buhay ko, walang pakialaman."
Yayo Aguila recalls last conversation with Ronaldo Valdez
YAYO ADMITS to CRYING SPELL at TAPING of PADYAK PRINCESS
Gumaganap na mga anak ni Yayo sa Padyak Princess sina Miles Ocampo, na bida sa serye, at sina David Remo at Miel Espinoza.
Pagpapatuloy pang kuwento ni Yayo, “Kaya lang, na-realize ko lang may kurot siya.
“Kasi naaalala ko kailan lang, yung recent taping ko, yung eksena namin sa, kasi may nangyari kay Selma dito.
“Parang nagri-reading pa lang kami hanggang nag-take kami, tumutulo yung luha ko.
“Nagsalita si Direk, sabi niyang ganun, ‘Hindi ko kailangang umiyak ka, dapat normal na saya.’
“Sabi ko, ‘Direk, hindi ako… tumutulo lang nang kusa, hindi ko siya sinasadya, hindi ako umaarte.’
“Hindi ko siya mapigilan, tumutulo lang, hindi ko nga alam kung bakit, e. Pero okay naman, masaya naman ang buhay, di ba?
“Ganun, e. Kailangan lang talagang mag-move on at kailangan tuluy-tuloy lang.”
Kailan huling umiyak si Yayo?
“Tungkol saan?”
Sa pamilya.
Aniya, “Alam mo, madalas akong umiyak kasi pag kasama ko yung mga bata, yung mga anak ko kasi buskador—yung alam nila kung paano ma-press yung button ko.
“Basta pag pinag-uusapan yung kaming mag-iina, naiiyak ako, basta pamilya. Kahit na wala na kaming problema, as a whole kaming lima—apat kong anak at ako—naiiyak ako.
“Kasi para sa akin very ano, core ko kasi yung pamilya.”
At sa puntong ito, habang nagsasalita ay kusang tumulo ang luha mula sa mga mata ni Yayo.
“So, pag napag-uusapan basta sila, napu-push yung button ko,” ang dagdag pang sinabi ni Yayo, sabay-sabi naming ngayon pala siya huling umiyak.
“Ngayon,” bulalas ni Yayo, “nakakainis kasi kayo!
“Buti na lang kaibigan ko kayo,” pakli pa ng aktres habang nagpapahid ng luha.
YAYO SHARES LESSON FROM PADYAK PRINCESS
Ano ang aral na matututunan ng mga manonood ng Padyak Princess mula kay Selma?
Lahad niya, “Sa akin, yung kung paano mo ipaglalaban yung pamilya mo.
“Yung kung paano ka magiging matatag, kung kulang na kayo.
“Iyon kasi yung istorya ng pamilya Nieva, kaya si Princess [Miles] kaya naging Padyak Princess, kasi kinailangan niyang tulungan ako, para itaguyod yung pamilya habang wala ako.
“Nawala ako, so yung mga mga anak ko tumayo sa sarili nilang mga paa.
“Pero hindi naman doon nagtatapos kasi babalik rin naman ako sa kanila.
“Doon ulit mag-uumpisa yung journey namin.”
Sa direksiyon ni Easy Ferrer, mapapanood ang Padyak Princess tuwing 11:15 a.m. sa TV5 (bago ang Eat Bulaga! sa TV5) at 7:30 p.m. sa BuKo channel.
Nasa Padyak Princess din sina Ara Mina, Christian Vasquez, at Cris Villanueva; at ang mga kabataang artistang sina Jameson Blake, Joao Constancia, Gillian Vicencio, Karissa Toliongco, Jem Manicad, at Kira Balinger.
YAYO THANKFUL FOR NON-STOP ACTING PROJECTS
Bilang aktres ay malaya si Yayo na magtrabaho kahit saang TV network.
Pagpapasalamat niya, “Alam mo, iyon yung greatest blessing ko pagdating sa trabaho.
“Kasi kung family-wise, sobrang blessed ako.
“Ang lagi kong ipinagdarasal araw-araw, nagpapasalamat ako kasi magmula nung… hindi ko na matandaan…hanggang nag-COVID na, nagkaroon na ng ilang lockdown—never akong nawalan ng trabaho.
“Nagpapasalamat ako siyempre sa Viva [Artists Agency] kasi sila yung, Viva artist ako.
“Pero hindi lang iyon, nagpapasalamat din ako kasi marami akong kaibigan sa trabaho, na feeling ko, pinagkakatiwalaan nila ako.
“So, iyon yung lagi kong ipinagpapasalamat—na lagi akong may trabaho.
“Kasi hindi rin ako sanay na wala akong ginagawa. Ang inisip ko na lang bago ako matulog gabi-gabi, na yung sobrang blessed ako kasi marami naman puwedeng mabigyan ng ibang trabaho na mga nakukuha ko, pero I always land a beautiful and a great job.
“So, iyon pa lang sobrang blessed ko na.”
READ:
Yayo Aguila on her first Urian award: "Naiyak ako, kasi hindi naman madali ang naging journey ko."
Yayo Aguila proud of "Laplap Queen" title: "Masaya na nasa akin pa rin ang korona!"
Yayo Aguila on being hailed the new "Laplap Queen": "Natutuwa ako na natatawa!"
