PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imelda Papin vows transparency in PCSO

Imelda Papin encourages netizens: “Tumaya na po kayo, narito na ako.”
by Arniel C. Serato
Published Jun 12, 2024
Imelda Papin encourages netizens to bug again lotto tickets
Newly appointed Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) director Imelda Papin says she will focus on helping the Filipinos who are in need of medical assistance.
PHOTO/S: Arniel Serato

Very excited sa kanyang bagong trabaho si Imelda Papin bilang isa sa board of directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nanumpa sa kanyang tungkulin si Imelda sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang Palace, noong June 4, 2024.

Read: Imelda Papin thankful for appointment as PCSO director

PCSO CONTROVERSy

Naging maingay ang pangalan ng PCSO nitong mga nakaraang buwan dahil halos ilang araw lamang ang pagitan ay may nananalo ng milyun-milyong piso.

Maraming netizens ang nagduda sa mga katauhan ng mga nanalo.

May mga nagsabi tuloy na hindi muna sila tataya sa lotto.

Paano haharapin ni Imelda ang mga ingay na ito?

Pahayag niya sa media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 8, 2024, "Alisin na natin yun, because there will be transparency this time.

"Yung credibility... Tumaya na kayo, rest assured.

"Kasi, pag tumaya kayo, hindi gambling ito. Hindi gambling to.

"Pag tumaya kayo ng PHP20 or PHP100, charity work to, di ba, makakatulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang balik po nito ay kawanggawa. Dapat maging malinaw sa isip ng tao yun, kawanggawa ito.

"Mas malaki pang maitutulong ng PCSO sa PHP20 or PHP100 [na taya].”

imelda papin pcso director
Imelda Papin is one of the newly appointed board of directors of PCSO.
Photo/s: Jerry Olea

Sa ngayon daw, focus muna si Imelda sa pagtulong sa mga nangangailangan lalung-lalo na ng tulong medikal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, "Basta pagdating ko siyempre, kahit papano makakatulong naman siguro ang isang Imleda Papin kasi we'll focus on pagtulong. Dun tayo mag-focus.

"Kung meron mang controversial issues, mga ganun, hayaan natin, kayang-kaya naman ayusin yun.

"At saka hikayatin ko nga kayo lahat na tumaya."

Paano siya makakatulong na maibalik ang credibility ng PCSO?

Sabi ng singer-politician, "Hindi naman siguro nawawala. Hindi naman permanent lahat ng problema, di po ba?

"Ang lahat ng problems, nabibigyan ng solusyon. Kaya I'm very positive.

"Alam mo, with your help, the media around, kung paano niyo ako sinuportahan nung narating ko ang tugatog ng tagumpay bilang isang Imelda Papin.

"This time, I urge all of you to continue helping me, supporting me, especially right now na nasa gobyerno ako.

"Very sensitive position po, bilang isang direktor.

"Ang PCSO right now, sabi niyo nga, medyo may konting issue.

"So, tulungan niyo na lang ako. Yun na lang ang tulong niyo sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe pa niya sa mga tao, "Tumaya na po kayo, narito na ako.”

NOT THINKING OF POLITICS THIS TIME

Sa ngayon ay hindi muna raw iniisip ni Imelda ang pulitika.

Si Imelda ay naging vice-governor ng Camarines Sur noong 1998-2004 at 2019-2022.

Sabi niya, "Several organizations are pushing me to run for a national position.

"Hayaan niyo muna na umikot at umikot ako at talagang ibigay yung bilin ni Presidente na ibaba ang tulong sa mga nangangailangan.

"Lalo na sa mga medical assistance. We see to it na yung pagbigay ay mabilis.

"We see to it na kapag kumpleto na at approve na, within three hours, huwag nang abutin ng 24 hours ang release."

Read: Imelda Papin, itinadhana ang pagiging PCSO director

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newly appointed Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) director Imelda Papin says she will focus on helping the Filipinos who are in need of medical assistance.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results