PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera says love and trust should prevail in marriage

Marian dismissive about love-child issue being linked to husband Dingdong.
by Melba R. Llanera
Published Jun 13, 2024
Marian Rivera on married life with Dingdong Dantes
Marian Rivera on ultimate key to her strong marriage to Dingdong Dantes: "Kahit pagsama-samahin mo yun, kung wala sa center ninyo si Lord, nothing talaga ang lahat.
PHOTO/S: @marianrivera Instagram

Sa magsasampung taong pagsasama ng mag-asawang Marian Rivera, 39, at Dingdong Dantes, 43, maituturing na isa sila sa pinakamatibay na relasyon sa showbiz couples.

Ito ay sa gitna ng sunud-sunod na hiwalayan ng mga relasyong nabuo sa showbiz.

Read: How Marian Rivera prevents her kids from growing up as bullies

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa launching niya bilang endorser ng Center for Advanced Dentistry, na ginanap sa Shangri-La The Fort, sa Taguig City, noong June 11, 2024.

Tinanong ng PEP ang Kapuso actress kung ano ang susi para sa isang masaya at matibay na buhay may-asawa.

"Ang hirap magbigay ng advice dahil wala ako sa posisyon," bungad na pahayag ni Mrian.

"Pero siguro, one thing is for sure, kailangan transparent kayo sa isa't isa, mananaig pa rin yung love saka trust.

"Kahit pagsama-samahin mo yun, kung wala sa center ninyo si Lord, nothing talaga ang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumaan din sa intriga ang pagsasama ng couple, pero hindi sila nagpatinag sa mga ito.

Noong May 9, pinabulaanan ni Dingdong ang isyung mayroon siyang love child sa aktres na si Lindsay de Vera.

Sa panayam kay Dingdong sa Fast Talk With Boy Abunda, nagpaliwanag ang aktor na ayaw na niya sanang patulan ang isyu.

Noong una ay tinatawanan lang daw nila iyon ni Marian. Pero nagdesisyon siyang linawin ito sa ngalan ng kanyang pamilya, at para matigil ang bulung-bulungan ukol dito.

Nang hingan namin ng reaksiyon si Marian tungkol dito, hindi na niya pinalawig pa ang isyu.

Sabi lang niya, "Nakakatawa, nakakatawa."

Read: Dingdong Dantes denies love child with Lindsay de Vera

MARIAN ON SUCCESS OF REWIND

Humahakot ng awards sa iba't ibang award-giving bodies sina Marian at Dingdong dahil sa tagumpay ng pelikula nilang Rewind, na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.

Sila ang hinirang na Box Office Phenomenal Stars of Philippine Cinema sa 52nd Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Box Office Entertainment Awards 2024: DongYan, KathDen win top honors

Dingdong Dantes and Marian Rivera at Box Office Entertainment Awards
Dingdong Dantes and Marian Rivera hailed as Box-Office Phenomenal Stars of Philippine Cinema at the Box Office Entrtainment Awards 2024.
Photo/s: All Access to Artists Facebook

Labis ang pasasalamat ng aktres sa suportang ibinigay ng mga manonood sa pelikula nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero sa kabila ng tagumpay ng mga pelikulang kasama sa MMFF 2023, kapansin-pansin ang pananamlay sa takilya ng mga sumunod na mga pinalabas na mga pelikula.

Ani Marian tungkol dito, "Ipagdarasal pa rin natin na mabuhay pa rin ang lahat ng mga pelikulang Pilipino kasi yan naman ang gusto nating lahat at maibalik yan sa mga tao.

"For sure, siguro babalik at babalik yan."

Read: Dingdong Dantes, Marian Rivera clarify reports that Rewind reached P1B-mark

MARIAN RIVERA'S INDIE FILM BALOTA

Inspirado rin si Marian na maging aktibo sa paggawa ng pelikula.

Kumpirmadong pagbibidahan niya ang Balota, na entry sa Cinemalaya Film Festival ngayong taon.

Ayon sa Kapuso actress, "Super excited ako kasi dito ko nagawa lahat ng first time ko. No makeup—as in ayaw ni Direk na naka-makeup.

"Yung mga linyahan na di ko nagagawa sa mga soap opera at sa mga pelikula.

"Pangatlo, ito yata yung rurok yata ng fight scenes na di ako nagpa-double. Ang dami-dami kong sugat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okay lang, sabi ko nga, gagaling at gagaling din yan. Ang importante naibigay ko yung 100 percent.

"This is suspense na action na drama na comedy."

Bukas daw siyang muling gumawa ng pelikula para sa Cinemalaya.

"Nakakakilig. Sabi ko nga, hindi ako nadadala na gumawa uli sa kanila. Dun sa na-experience ko kung paano ko ginawa yung Balota, dahil dun gusto ko uling gumawa ng Cinemalaya."

Tinanong si Marian kung katulad ni Dingdong ay may plano siyang pasukin din ang pagpoprodyus ng mga pelikula.

Sagot niya, "AgostoDos naman ako, saling kitkit."

Ang AgostoDos Pictures ay film company na pag-aari nina Dingdong at Marian.

Read: PEP OPINION: The It's Showtime Issue

MARIAN RIVERA'S PRIMETIME SERIES

Patapos na sa ere ang Kapuso primetime series na My Guardian Alien, na ayon kay Marian ay isang taon din daw nilang trinabaho.

"Isang taon ko nang ginagawa yun, okay na yun.

" Ang mami-miss ko dun, never kaming nagkatrabaho ni Max [Collins] ever, at dahil dito nakilala ko siya, at happy ako na naging close yung friendship naming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sila Gabby [Eigenmann] kasi given na yan, e. Ka-close ko na ang mga yan. Sila Gabby din, given na.

"Si Max, yung unang araw namin, parang gumaganun sa akin. Hanggang natapos kami, ang sarap na naging magkaibigan kami."

Read: Max Collins reveals what she does before sampalan and sakitan scenes with Marian Rivera

ON NEW ENDORSEMENT

Isa sa bagong nadagdag kay Marian ay ang pagiging bagong endorser ng Center For Advanced Dentistry.

Dito ay natanong si Marian kung paano niya pinapangalagaan ang ngipin ng mga anak at kung istrikto ba sila sa kinakain ng mga anak.

Tugon niya, "Hindi naman very strict. Pero siguro maganda na sa age nila, alam nila yung importance ng pagde-dentist.

"Sa akin kasi, lahat puwede, huwag lang sobra. Bata pa rin sila, ibibigay pa rin namin kung ano ang gusto nila.

"Later on, lalaki din naman sila. Sila na ang bahala kung ano ang gagawin nilang todo or magho-hold back sila."

Tinanong din ang Kapuso actress kung noong bata ba siya ay hindi siya natakot na pumunta sa dentista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi, kasi si Nanay pinapaliwanag din niya sa akin. Siguro dun ko nakuha yun na kailangang ipaliwanag mo kung bakit kailangang pumunta sa dentist," sabi niya.

Read: Jolina Magdangal draws flak over Carlo-Charlie wedding post

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on ultimate key to her strong marriage to Dingdong Dantes: "Kahit pagsama-samahin mo yun, kung wala sa center ninyo si Lord, nothing talaga ang lahat.
PHOTO/S: @marianrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results