Isa marahil sa pinakamasaya sa pagkakaroon na ng anak ng aktor na si Albie Casiño ay ang ina nitong si Rina Casiño.
Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ni Albie sa publiko na isa na siyang ganap na ama, sa pamamagitan ng Instagram, noong June 11, 2024.
Isinilang ng non-showbiz partner ni Albie na si Michelina ang kanilang anak na si Andrew "Romey" Casiño sa Maine, U.S.A., noong April 28, 2024.
Read: Albie Casiño meets son for the first time
RINA CASINO ON ALBIE'S WEDDING PLANS
Nakikipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ina ni Albie na si Rina upang kunan siya ng pahayag tungkol sa bagong yugto sa buhay ng anak—ang pagiging ama.
Bago pa ang baby reveal ni Albie noong June 11, inusisa ng PEP kung isa na ngang ama ang kanyang anak.
Pagkumpirma ni Rina, "Yes. He flew to Boston yesterday to be with his baby and fiancé.
"Di siya nakaalis nung pinanganak kasi he was tied with Can’t Buy Me Love. He had to finish all his commitments before going to USA."
Nagpadala rin ng mga litrato si Rina kung saan makikitang masayang-masaya si Albie sa piling ng anak.
Sabi ni Rina sa PEP, "You can write it up and show how in love Albie is with his baby Roman Andrew Dunton-Casiño Romey for short or he fondly calls him badudong."
Pagbalik ni Albie sa Pilipinas sa susunod na buwan ay kasama na nito ang partner na si Michelina at anak nilang si Baby Romey.
Inusisa rin namin kay Rina kung sa Amerika bibinyagan ang anak ni Albie.
Tugon ng ina ng aktor, "He will have his dedication here. Am so thrilled. I can’t wait for the day I will hold him in my arms, my Romey baby boy love."
RINA ON ALBIE-MICHELLINA RELATIONSHIP
Ano ang napansin ni Rina kay Albie noong karelasyon na nito si Michelina?
Tugon niya, "They were good together, normal couple. And just like any normal couple so di mawawala ang tampuhan at away."
Noong nalaman daw ni Albie na buntis na si Michelina, hindi si Rina ang unang sinabihan ng aktor kundi ang kanyang ama.
Ibinahagi rin ni Rina na magpapakasal na dapat sina Albie at Michelina sa Guam noong 2023, pero hindi natuloy.
Lahad niya, "Albie was scared to tell me, he told his dad first.
"Kasi they were supposed to get married last May 2023 in Guam, kaso di natuloy because of his commitments. So, nauna na yung baby."
Hindi na raw nila muling napag-usapan ang tungkol dito.
Sabi ni Rina, "Depends on his schedule we haven’t talked about it when so I don’t want to speculate about it."
"BEST FATHER'S DAY GIFT EVER"
Ayon kay Rina, sobrang masaya si Albie nang malamang magiging ama na siya.
"He was happy and delighted to learn of the pregnancy and excited at the same time.
"I told him that fatherhood is a commitment to love his child no matter what and to put God at the center of their family."
Magandang Father's Day gift para kay Albie ang kanyang baby sa Araw ng mga Ama sa Linggo, June 16, 2024.
Post pa ng aktor sa Instagram kahapon, June 12, "Albie [heart emoji] Romey 6/11/24
#fatherandson #happyfathersday my son #bestfathersdaygiftever
Thank you Lord [praying hands emoji]"

May mensahe namang ipinaabot si Rina para sa anak na si Albie.
Aniya, "For my dear Albie, I pray that you will be a committed dad and love Romey unconditionally also who will bring up Romey in a way that is pleasing to God and just to enjoy fatherhood."
NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND
Ipinakilala ni Albie ang non-showbiz girlfriend na si Michelina noong May 2023.
Ang pagsasapubliko ni Albie sa kanilang relasyon ay kasabay ng kanyang ika-30 kaarawan at unang taon nila bilang magkasintahan noong May 14, 2023.
Sa kanyang Instagram noong May 15, 2023, ibinahagi ni Albie ang mga larawan nila ng nobya habang sila'y nasa Guam, USA.
Ayon sa hunk actor, maraming bagay siyang ipinagpapasalamat. Kabilang na rito ang selebrasyon ng kanyang kaarawan na kasama niya si Michelina.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "So much to be thankful for!
"One year being with @realmichelina my 30th and your 26th.
"Love you baby to more birthdays/anniversaries together [kiss emoji]."
Agad naman itong nireplayan ng kanyang nobya.
Ani Michelina, "I love you so much Mahal."
Read: Albie Casiño finally introduces girlfriend on Instagram
