Hindi napigilan ni Joao Constancia na maiyak nang tanungin siya kung ano ang pinaka-importanteng aral na natutunan niya mula sa kanyang ama.
Aniya habang nagpupunas ng mga luha, “Ako lang po kasi mag-isa dito, my whole family is in Macau.”

Kaya hindi niya makakasama ang ama sa darating na Father's Day ngayong Linggo, June 16, 2024.
Sa puntong ito ay muling napatigil ng ilang saglit si Joao dahil patuloy siya sa pag-iyak.
Nang makalma ang sarili, aniya, “When it comes to family talaga, it’s something special and close to me because right now, being by myself here in the Philippines teaches me how important is talaga to be with your family, you know."
JOAO CONSTANCIA ON DADDY JOHN
Ano naman ang masasabi niya tungkol kay Daddy John na isang nurse?
“So para sa akin naman po, when it comes with my father, he’s one of the most giving person in my whole life.
“He’s been supportive with all of my dreams and stuff at iyon lang.
“The most important lesson I’ve learned from my dad is to be grateful of the simple things in life cause we’re not here every day."
At dahil malayo siya sa pamilya, ang payo niya sa lahat na kasama ang mga magulang: pahalagahan sila.
“We don’t know when we’ll, you know, disappear from this earth but just be grateful with everything talaga sa buhay mo.
”It could be just your friends, your family, you know, just be with them.
“So iyon.”
At ang mas lalo pang nagpaiyak na pahabol sinabi ni Joao ay, “Mom, Dad, I miss, you guys!”
Nangyari ang pag-iyak ni Joao sa grand mediacon ng Padyak Princess nitong Martes, June 4, 2024, sa TV5 Media Center sa Reliance St. sa Mandaluyong City.
Kasama ni Joao sa Padyak Princess sina Miles Ocampo, Jameson Blake, David Remo, Gillian Vicencio, Karissa Toliongco, Jem Manicad, Miel Espinoza, at Kira Balinger.
Read:
Miles Ocampo backs Joey de Leon over "pataba" remark
Gillian Vicencio traumatized by involvement in KathNiel breakup
Kira Balinger chooses to "forgive" Kelvin Miranda
Part din ng cast sina Ces Quesada, Yayo Aguila, Ara Mina, Christian Vasquez, at Cris Villanueva.
Sa direksiyon ni Easy Ferrer, mapapanood ang Padyak Princess sa TV5 tuwing 11:15 A.M. bago ang Eat Bulaga!, at sa BuKo channel tuwing 7:30 P.M.
