PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gillian Vicencio traumatized by involvement in KathNiel breakup

Gillian: "First time ko po magkaroon ng ganung issue."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 12, 2024
Gillian Vicencio traumatized after KathNiel breakup
Gillian Vicencio (left) denies involvement in Kathryn Bernardo and Daniel Padilla breakup: “Nagulat po ako. Wala naman pong nangyari na ganun. First time ko po magkaroon ng ganung issue."
PHOTO/S: Dreamscape Entertainment Facebook/Kathryn Bernardo Instagram

Inamin ni Gillian Vicencio na nasaktan at na-trauma siya nang madawit ang kanyang pangalan sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ayon sa ilang netizens, si Gillian diumano ang isa sa babaeng nagkaroon kaugnayan kay Daniel nang karelasyon pa ng aktor si Kathryn.

Mariin itong pinabulaanan ni Gillian.

Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team

Pag-amin ni Gillian sa interview na lumabas sa ABS-CBN News, kahapon, February 11, 2024, hindi niya inaasahang maba-bash nang ganoong katindi sa akusasyong hindi naman daw totoo.

Read: Gillian Vicencio's name gets dragged into Kathryn Bernardo-Daniel Padilla breakup

Aniya, “Nagulat po ako. Wala naman pong nangyari na ganun. First time ko po magkaroon ng ganung issue.

"[Doon ko] nalaman na ganun pala kapag may issue ka sa showbiz."

Hindi rin daw itatanggi ni Gillian na nakaramdam siya ng trauma lalo na't kaliwa't kanang pambabatikos ang ipinupukol sa kanya online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng Kapamilya actress, "Hindi maiiwasan na makaramdam ka ng trauma. Kasi every time na you open the social media, ayun yung makikita mo.

"Hindi ko na matandaan yung pinakamasakit na comment kasi marami po.

"Siyempre maaapektuhan ka naman talaga. Hindi maganda ang mga sinasabi."

Read: PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup

GILLIAN TRIED TO CONTACT KATHRYN

Hindi raw sukat-akalain ni Gillian na masisira nang ganun lang ang masayang pagkakaibigan nila nina Daniel at Kathryn.

Maayos naman daw sila noong nagkasama sila sa ABS-CBN primetime series na 2 Good 2 Be True, hanggang sa mahaluan ng kontrobersiya ang samahan nila ng aktor bilang sina Tox (Gillian) at Eloy (Daniel).

Paliwanang ni Gillian, "Hindi ko rin po alam kung anong nangyari, pero kami po talaga kasi ang magkakasama sa taping, e.

“So, hindi ko po alam talaga kung saan nanggagaling."

Sundot na tanong sa aktres, "Pero okay naman kayo ngayon ni Kathryn?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Gillian, "Nag-message po ako sa kanya at hindi pa po kasi kami nagkikita ulit nang personal."

Nagpadagdag pa raw noon sa alalahanin ni Gillian nang i-unfollow siya ni Kathryn sa Instagram.

Aniya, "Nagulat po ako [nung in-unfollow niya ako]. Kasi hindi po kami nakapag-usap e, pero yun nga po, nag-message naman po ako sa kanya.

"Siguro hindi po siya nag-reply dahil may pinagdaraanan siya. Okay lang naman po yon."

Read: Really? Kathryn Bernardo unfollows Liza Soberano, Julia Barretto, Gillian Vicencio on Instagram

Hindi rin daw totoong lihim silang nag-uusap ni Daniel na hindi alam ni Kathryn.

Depensa ni Gillian, "Hindi naman po kami nag-uusap [ni Daniel].

"Matagal na rin po kaming hindi nag-uusap after noong taping. Noong taping lang po kami lahat talaga ang nakakapag-usap [sa set]."

HOW SHE DEALS WiTH BASHERS?

Sa lahat ng pinagdaanan ni Gillian, malaki raw ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan na hindi siya iniwan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya, "Dahil sa family and friends ko na hindi ako iniwan kaya medyo okay-okay naman po ako ngayon.

"Basta ako ngayon, magpo-focus ako sa ginagawa ko ngayon, sa mga blessings na natatanggap ko, and sa family and friends ko na nandiyan for me.

"Mas yun na lang ako. Kasi, yun nga, ayoko nang pakialamanan yung buhay ng ibang tao. Kasi I have my own life naman na kailangan kong pag-focus-an."

Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources

Paano niya hinarap ang mga kritisismong ibinabato sa kanya?

Sagot ni Gillian, "Hindi naman po natin mako-control yung mga tao.

"Parang kahit ano naman pong gawin mo, may masasabi at masasabi sila.

"So, hayaan na lang po. Parang kahit ano namang sabihin mo, good or bad, papaniwalaan nila kung ano yung gusto nilang paniwalaan.

"I cannot control that. I cannot control the mind of ther people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At least, I know myself and my truth."

IS GILLIAN READY TO WORK AGAIN WITH KATHNIEL?

Kung saka-sakaling bigyan siya muli ng proyekto kasama sina Kathryn at Daniel ay tatanggapin ba niya ito?

Nakangiti niyang sagot, "Project po yon e, kailangan ko ng pera.

"Okay lang po, kasi wala naman po [akong kasalanan sa kanila, e]."

Hindi ito ang unang beses na nagsalita si Gillian sa pagkakadawit niya sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel.

Noong December 1, 2023, itinanggi na rin ni Gillian na may relasyon sila ni Daniel nang mag-post siya sa X (dating Twitter).

Depensa noon ni Gillian laban sa malisyosong intriga, "Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo."

Nakiusap din ito sa publiko na bigyan ng respeto ang dating magkasintahang sina Kathryn at Daniel.

Read: Gillian Vicencio denies involvement in Kathryn Bernardo-Daniel Padilla split

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gillian Vicencio (left) denies involvement in Kathryn Bernardo and Daniel Padilla breakup: “Nagulat po ako. Wala naman pong nangyari na ganun. First time ko po magkaroon ng ganung issue."
PHOTO/S: Dreamscape Entertainment Facebook/Kathryn Bernardo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results