PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arci Muñoz claps back at basher of reservists

Arci Muñoz: "Being in the force doesn’t mean you need to go to war."
by Arniel C. Serato
Published Jun 15, 2024
Arci Muñoz lambasts basher
Arci Muñoz very proud of being an Air Force Reservist: "Ako ay nagagalak dahil nagampanan ko ang aking layunin at tungkulin na mahikayat ang aking kapwa na maging bahagi ng #sandatahanglakas at makatulong pa sa aking mga kababayan. Higit pa ay para isulong ang kapayapaan."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Walang kagatul-gatol na sinagot ni Arci Muñoz ang isang netizen na kinuwestiyon ang kanyang pagiging reservist sa Philippine Air Force (PAF).

Sa Instagram noong nakaraang June 12, 2024, Independence Day, nagbigay pugay si Arci sa watawat ng Pilipinas at sa kasarinlan ng ating bansa.

Read: Arci Muñoz starts Philippine Air Force reservist training

"SALUDO AKO sa inyo."

Nitong Araw ng Kalayaan, nagbahagi si Arci ng ilang larawan niya habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang reservist.

Nagpasalamat din siya sa maraming nahikayat na maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagpasok sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Aniya (published as is), "Maligayang Araw ng Kasarinlan mahal kong pilipinas! june 12, 2020 apat na taon na ang lumipas nang aking unumpisahan ang pisikal na pagsasanay bilang kaunaunahang Babae sa aking henerasyon at propesyon na sumailalim sa #philippineairforce reservist BCMT- Basic Citizen Military Training.

"Simula rin noon ay tumaas ang bilang ng mga nag pa tala bilang #reservist lalo na sa mga kababaihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako ay nagagalak dahil nagampanan ko ang aking layunin at tungkulin na mahikayat ang aking kapwa na maging bahagi ng #sandatahanglakas at makatulong pa sa aking mga kababayan.

"Higit pa ay para isulong ang kapayapaan. Marami pong salamat sa aking Philippine air force family. Asahan nyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo. Saludo ako sainyo!

"#happyindependenceday #paf #military #pilipinashukbonghimpapawid"

ARCI TO NETIZEN: "DO YOU EVEN KNOW WHY RESERVIST EXIST?"

Sa comments section, may isang netizen na kumuwestiyon sa kanya kung kaya ba nitong isugal ang kanyang buhay para lamang depensahan ang ating soberanya.

Kasi parang for show lang daw sa social media ang pagpapakita ng katapangan.

Saad ng netizen, "Question is, will you tread to mudd and bleed when the time comes to save our sovereignty. So easy to look tough on socmed"

Sagot ni Arci, at least siya ay may effort para makapaglingkod sa bayan.

Aniya, "question is, did ya even try to make an effort in serving your country? Do you even know why reservist exist? And our duty? Being in the force doesn’t mean you need to go to war for me it’s more of promoting peace. It’s so easy to talk shit and look tough on socmed no?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Arci Munoz claps back basher

Read: Arci Muñoz begins journey to become future pilot

ARCI MUÑOZ: "I THINK WE ARE ALL DOING OUR PART."

Nagpaliwanag na rin si Arci tungkol dito noong April 2021.

Ano ang masasabi ni Arci sa social-media bashing na natatanggap nilang mga celebrity reservists?

Ilang netizens kasi ang nagsasabi na "walang ginagawa ang reservist" at wala talagang pakinabang sa bayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ni Arci, "People have different opinions about this, and for me, ito lang sa akin, yung nakikita niyo, ito na yun.

"So ginagawa ko lang kung ano yung iniatas sa akin na responsibilidad bilang isang Air Force Reservist, wala akong masasabi sa ngayon sa mga...

"I think we are all doing our part. Siguro hindi lang sila masyadong nag-o-open up about it..."

Bilang artista, alam niya na may magagawa siya para mahikayat ang iba na maging reservist din.

Aniya, "Alam niyo, yun pa lang bilang isang influencer, kasi that's what we call ourselves somehow, we influence people, yun pa lang pagsali nila bilang isang reservist, undergoing that training, malaking bagay na yun, malaking tulong na rin yun.

"Para ma-influence yung mga tao also because it is also my advocacy, and I really want this to be mandatory."

Yung training ay hindi raw kasing-intense ng sa sundalo, pero ito ay isang "humbling" experience for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapatuloy niya, "Gusto ko talaga na, iba kasi, we cannot compare kung ano yung training na pinagdaanan namin kumpara sa ating mga sundalo.

"I really cannot compare, but proud ako sa kung anuman itong na-achieve ko. Somehow I got a taste of what they have to go through, and it's just really humbling.

"And I want to share that experience sa mga kabataan natin ngayon.

"And I'm proud to say, ha, whenever andun kami sa bundok, and we are volunteer instructors, nakikita ko puro kabataan and they tell me, 'Ma'am, alam niyo ba...'

"Ang daming kababaihan, which is also part of what I wanna achieve, kaya ako nag-training bilang isang reservist sa Air Force."

Read: Arci Munoz shrugs off "walang ginagawa ang reservist" comment of bashers

ARCI MUÑOZ STARTED TRAINING IN JUNE 2020

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, noong June 2020, pumasok sa Philippine Air Force si Arci bilang reservist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong mga panahong iyon, natigil lahat ng projects at activities sa showbiz.

Ayon kay Arci, siya ang kauna-unahang babae sa henerasyon niya na sumailalim sa Basic Citizen Military Training ng Philippine Air Force.

Hinikayat din niya ang ibang kababaihang mag-enlist.

Ang kanyang Instagram post noong June 12, 2020, Araw ng Kalayaan, "Maligayang Araw ng Kasarinlan mahal kong pilipinas!

"Ngayon araw din ang aking unang pisikal na pagsasanay bilang kaunaunahang Babae sa aking henerasyon at propesyon na sumasailalim sa #philippineairforce reservist BCMT- Basic Citizen Military Training.

"Hinihikayat ko po ang aking mga kapwa kababaihan na mag enlist.

"Marami pong salamat sa aking Philippine air force family. Asahan nyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo. #happyindependenceday #paf #military #pilipinashukbonghimpapawid"

Read: Arci Muñoz joins Philippine Air Force relief operations in Catanduanes

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arci Muñoz very proud of being an Air Force Reservist: "Ako ay nagagalak dahil nagampanan ko ang aking layunin at tungkulin na mahikayat ang aking kapwa na maging bahagi ng #sandatahanglakas at makatulong pa sa aking mga kababayan. Higit pa ay para isulong ang kapayapaan."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results