PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnold Clavio reveals slight bleeding in brain after stroke

“Mahaba pa ang laban na ito."
by Jojo Gabinete
Published Jun 15, 2024
Arnold Clavio has slight bleeding in thalamus area of his brain
Arnold Clavio, who suffered a hemorrhagic stroke, is now "out of danger." Update: His CT scan image shows a "slight bleeding" in his brain, but the good news is, he does not have to undergo a surgery.
PHOTO/S: @akosiigan on Instagram

May mga bagong rebelasyon ang Kapuso broadcast journalist na si Arnold Clavio tungkol sa naranasan niyang hemorrhagic stroke.

Nangyari ito habang siya ay nagmamaneho ng kanyang sasakyan noong Martes, Hunyo 11, 2024.

Kasalukuyang nakaratay at nagpapagaling si Arnold sa isang ospital sa Quezon City, at ang magandang balita ay hindi niya kailangang sumailalim sa operasyon.

Read: Arnold Clavio recovering from hemorrhagic stroke

ARNOLD CLAVIO DETAILS OBSERVATION PERIOD

Detalyadong ibinahagi ni Arnold ang kanyang mga pinagdaanan, pati na rin mga pagbabago sa buhay niya habang nagpapagaling.

Gusto niyang paalalahanan ang lahat na mahalagang malaman ang early signs of stroke para sa tinatawag na "golden stroke time" o ang "ideal time for stroke emergency," which is "three to six hours."

Aniya sa Instagram post (published as is), “Dahil pasok pa ako sa 6 hours na critical period , matapos ang aking ‘hemorrhagic stroke,’ agad akong inasikaso ng Brain Attack Team sa ER ng St. Lukes Medical Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Arnold Clavio recovering from stroke at the ASU of St. Luke's Medical Center in Quezon City
Arnold Clavio recovering from stroke at the ASU of St. Luke's Medical Center in Quezon City.
Photo/s: @akosiigan on Instagram

“Pagkatapos ay iniakyat na ako sa Acute Stroke Unit (ASU). Doon ay mahigpit na babantayan ang akong blood pressure (BP) at blood sugar .

“Sa loob ng tatlong araw, regular ang pag-ikot ng neurologist, cardiologist at maging rehab doctor, para i-check ang aking kondisyon - kung lumalala o nag-iimprove ba? Malalaman din kung kailangan ba akong dumaan sa surgical operation .

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero dahil hindi naman tumabingi ang aking mukha o nabubulol ang aking pagsasalita, di ko na kailangan na maoperahan."

Naapektuhan ang bahagi ng kanyang utak na siyang nagsisilbing relay station sa pag-filter ng mga impormasyon sa pagitan ng utak at katawan.

Sa pagpapatuloy ng kanyang post, “Base sa kanilang paliwanag, 'his slight bleeding is in the thalamus area (left side) which is responsible for sensation and some muscle control thats why his right legs and arms had numbness and until now feels weak.'

“It’s systemic and warning sign. The bleeding is in the small vessels which is good.

"If the brain is a tree in the forest the bleeding happened in the grass area… meaning manageable,” ang lahad ni Arnold na ipinamalas ang pagiging tunay na reporter dahil kumpleto siya sa detalye.

“Good news, I am out of danger.”

Masaya pang balita ni Arnold tungkol sa kanyang kalagayan, “Sabi nga ni Doc , 'No more worries. The worst is over ! You’re a lucky man!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang kailangang gawin na lang ay mapababa pa ang aking BP at sugar level."

ARNOLD CLAVIO on AFTERMATH OF STROKE

Bahagi rin ng ikalawang yugto ng kanyang kuwento ay ang paggamit ng adult diaper at pagtuturok sa kanya ng insulin.

Arnold Clavio post stroke
Photo/s: @akosiigan on Instagram

“Day 2 nang una akong makaupo pero sandali lang dahil hilo pa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahaba pa ang laban na ito. Ang laking pagbabago sa buhay ko habang nasa ASU. Bawal pa akong tumayo kaya kailangan ko na mag-adult diaper.

“Di ako komportable kaya inabot pa ng tatlong araw bago ako naka-pupu .

“Para rin akong sanggol na nililinisan at hinihilamusan araw-araw para maging presko ang pakiramdam.At may bago pala akong kaibigan - si insulin !

“Abangan ang pag-graduate ko sa ASU at simula ng akong therapy at rehabilitation . At sana ang aking kuwento ay makapagligtas ng maraming buhay,” ang pahayag ni Arnold.

Bilang pagtatapos sa kanyang post, ibinahagi ni Arnold ang sumusunod na Bible verse: “This is the message we have heard from him and declare to you: God is light; in him there is no darkness at all.” - 1 John 1:5

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnold Clavio, who suffered a hemorrhagic stroke, is now "out of danger." Update: His CT scan image shows a "slight bleeding" in his brain, but the good news is, he does not have to undergo a surgery.
PHOTO/S: @akosiigan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results