Napukaw ang atensiyon ng netizens sa ni-repost na larawan ni Carlo Aquino kung saan kasama niya ang misis na si Charlie Dizon na may karga-kargang batang babae.
Suspetsa ng netizens, ang batang karga ni Charlie ay si Mithi, ang three-year-old daughter ni Carlo sa dating karelasyong si Trina Candaza.
Read: Is this Trina Candaza's reaction to wedding of Carlo Aquino?
Nakayakap nang mahigpit ang bata kay Charlie habang karga-karga siya ng aktres.
Hindi kita ang mukha ng bata na nakatalikod sa camera.
Tila nagkaroon ng bonding time ang newlyweds na sina Carlo at Charlie kasama ang anak ng aktor.
Sina Carlo at Charlie ay ikinasal nito lamang June 9, 2024.
Read: Carlo Aquino and Charlie Dizon: A relationship timeline
Kasama rin sa viral picture ang mga kaibigan ng showbiz couple.
Lumalabas na ipinost ang picture sa IG Story ng isa sa non-showbiz friends na kasama nina Carlo.
Caption dito, “Quick get-together sa Binondo…” Naka-tag dito sina Carlo at Charlie at iba pang kasamahan.
Ni-repost ito ni Carlo sa kanyang IG Story. Hindi na ma-view ang photo, pero na-screenshot ito ng ilang netizens.
Mahihinuhang very recent ang ipinost na photo.

Mukhang tinupad ni Trina ang kanyang naging pahayag sa interview niya kay Ogie Diaz noong 2023.
Natalakay roon ang co-parenting status nina Trina at Carlo kay Mithi.
Binanggit noon ni Trina ang kondisyon niya kay Carlo na huwag munang ipakilala si Mithi sa bagong girlfriend ng aktor.
Pahayag noon ni Trina: “Respect na lang muna sa akin na huwag muna ipakilala si Mithi sa mga panibagong partner.
“Kasi ayaw ko rin i-instill sa utak ng anak ko, sa values niya, na okay lang magpapalit-palit ng partner.
“Kaya para sa akin, if ever man dumating yung panahon na may papakasalan na siya, siguro yun kailangan na namin magkita-kita.
“Hahayaan ko na sila mag-bonding kasi yun na yung tatayong pangalawang ina ni Mithi.”
CHARLIE dizon spotted carrying MITHI, claims netizen
Tugma naman ang kumalat na larawan nina Carlo at Charlie na kuha sa Binondo sa comment ng isang female netizen.
Nagkomento ang netizen sa recent IG post ni Trina.
Bungad nito (text published as is): “Hello, i saw the couple with your kid at Binondo just now Charlie is carrying Mithi.”
Sabi nito, hindi niya nakunan ng larawan ang grupo nina Carlo at Charlie dahil nakakahiya. Pero tugma ang paglalarawan niya ng outfits nina Carlo at Charlie sa nai-post na picture.

Sumunod dito ay nagkaroon ng diskusyon ang ilang netizens sa comments section.
Pahayag nila, huwag nang masamain ang sitwasyon at huwag nang haluan ng malisya.
Si Carlo ay tatay pa rin ni Mitha kahit hiwalay na sila ng ina ng bata.
Ang larawan ay patunay ring may permiso ni Trina para makasama ng kanyang anak ang ama at ang asawa nito.
Wala namang sagot sa mga ito si Trina.



