Ang Pinoy Pop Superstar Season 1 first runner-up Brenan Espartinez ang vocal coach ng grupong SB19 simula pa noong Enero 2024.
Pero nakatrabaho na niya ang P-pop superstars noong nag-umpisa ang mga ito noong 2018.
Read: Stell, tumanggap ng standing ovation sa David Foster concert
“One thing I’ve learned sa industriyang ito, you cannot be entitled na parang ikaw yung nag-start nito, ikaw na hanggang sa huli," sabi ni Brenan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Sabado, Hunyo 22, 2024.
"I am just happy to be part of their journey as long as God will allow or sila, kung hanggang kailan nila ako kailangan.
“But yes, since January 2024 'til now and going forward, sa mga future project na nakalinya, ako po yung vocal coach.
“Ang fun fact sa SB19, even way back two or three years ago, ako yung nagkakaroon ng chance na gumawa ng demo ng jingle ads nila. So, indirectly, nakakatrabaho ko na sila back then.
“Actually, when they were starting in 2018, yung former management nila reached out to me to be their vocal coach.
“Parang, one thing led to another. Kumbaga, God’s perfect time na makatrabaho ko sila ulit na direct na talaga.
“So far, I’ve been with them since January 2024, officially. Sunud-sunod na yung sessions namin. I get to coach them.”
Read: Sisi Rondina apologizes for "offensive" SB19 remarks
BRENAN ESPARTINEZ ON STELL'S "ALL BY MYSELF" PERFORMANCE
Si Brenan ang vocal coach ni Stell nang awitin nito ang sariling bersiyon ng "All I Ask" ni Adele, "Defying Gravity," at ang debut single niyang "Room" sa Hitman: David Foster and Friends sa Araneta Coliseum noong Martes, Hunyo 18, 2024.
Si Stell ang nagsilbing front act sa concert series ng Canadian record producer at composer na si David Foster.
Lahad ni Brenan: “Kapag may engagements ang SB19 na nakalinya, especially yung mga hindi pa nila nagagawa na may bagong arrangements, they let me know para makahanap kami ng schedule to run the songs, kung paano ang atake, okay ba yung key, how to sing it.
“Like yung kanta ni Adele was sang by many people. So, ang target namin, to make it sound like Stell’s own song.”
Ano ang kanyang opinyon tungkol sa pinag-uusapang pagkanta ni Stell ng "All By Myself" sa naganap na concert ni David?
Read: Stell Ajero “still shocked” by impromptu performance
“Sobrang galing,” reaksiyon ni Brenan.
Pagkatapos nito ay inilahad ni Brenan sa PEP ang istorya tungkol sa hindi planadong pagkanta ni Stell ng "All By Myself."
“Ang kuwento ng 'All By Myself,' I was coming from rehearsals on that day, so wala ako nung soundcheck.
“Habang on the way na ako sa Araneta Coliseum, nag-PM na sa akin ang isang tauhan ng 1Z Management, ibinalita sa akin na pakakantahin si Stell ni David ng 'All By Myself.'
“Hindi na ako nagulat nang malaman ko. I expected what happened to happen kasi undeniable naman talaga ang singing talent ni Stell.
“When I arrived at the venue, nagpa-practice na si Stell sa backstage. He was particularly practicing the last part, kasi Charice version yung gagawin niya, yung money note sa dulo.
“Money note, that’s what I call it. Yun yung parang nanalo ka sa lotto kapag tinamaan mo nang maayos."
Read: Stell Ajero, ikinukumpara kina Charice at Jed Madela
Pagpapatuloy na kuwento ni Brenan: “Inayos lang namin yung transition niya, yung intervals sa dulo na part. That’s how he would do the last note.
“Alam naman natin na kaya niyang gawin yon vocally, pero ramdam ko yung kaba niya. Inulit-ulit niya yung part na yon, parang nai-stress siya.
“Sabi ko, 'Ganito ang gawin mo.' Thankfully, nakatulong naman ako kasi the pressure is real to be asked to sing 'All By Myself' by David Foster.
“Although dating piyesa na yon ni Stell, pero it’s a different scenario.
“After his performance, lahat kami sa stage, parang nanalo sa lotto.
"Buong Araneta Coliseum, wasak din, e. He really stole the show."
BRENAN ESPARTINEZ ON BRIAN MCKNIGHT AND MARTIN NIEVERA
Maikukumpara sa matandang kasabihang “pera na, naging bato pa” ang karanasan ni Brenan nang makita niya nang personal ang American singer na si Brian McKnight sa backstage ng Hitman concert sa Big Dome.
Isa si Brian sa isa sa mga iniidolong singers ni Brenan.
Read: Martin Nievera, inimbitahan ni David Foster na mag-perform sa Las Vegas
Pero hindi nangyari ang pangarap nitong makapagpakuha ng litrato kasama ang sikat na American singer dahil hinarangan siya ng Pinoy bouncer na nangangalaga sa seguridad ng mga nagtanghal sa Hitman: David Foster and Friends.
Sabi ni Brenan, “Technically, hindi ko talaga siya na-meet, pero first time ko siya nakita in person, sa tinagal-tagal,.
“Nung nagpa-picture si Stell, ako na yung next, hinarangan na ako ng Pinoy bouncer. Hinatak na niya si Brian papalayo.”
Sa mga sikat namang mang-aawit sa Pilipinas, si Martin Nievera ang isa sa mga nirerespeto ni Brenan dahil sa makatao at pantay-pantay na trato ng Concert King ng Pilipinas sa mga taong nakakatrabaho nito.
Read: Martin Nievera, kakaiba ang itinuturing na highlight ng kanyang 40-year singing career
“Mula pa noong nag-start ako, one of the best artists na nakatrabaho ko is Sir Martin.
“Him as a person, wala akong masabi. Lahat pantay-pantay sa kanya.
"He values everybody. Mahal na mahal siya ng mga musician na nakatrabaho niya at nakasalamuha.
“Even when I started doing backups for him, bagito ako, siyempre kinakabahan ako, pero he made things really light.
"Best experience na makatrabaho siya sa industriya," pagbabahagi ni Brenan.
BRENAN ESPARTINEZ'S SINGING CAREER
Walong taon ang edad ni Brenan nang mag-umpisa ang kanyang career bilang child actor, pero hilig na niya ang pagkanta noong apat na taon pa lamang siya.
Naging miyembro si Brenan ng Bestfriends, ang youth-oriented program ni German Moreno sa GMA-7 noong 1999. Kabilang ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz sa mga nakasama niya.
Dati rin siyang miyembro ng Kaya, ang quartet na binuo noong 2000 ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.
Noong 2005, sumali si Brenan sa Season 1 ng Pinoy Pop Superstar. Siya ang first runner-up ng singing champion na si Jonalyn Viray.
Labing-apat na taon si Brenan nang mapagtanto nito na ang musika ang kanyang buhay at minamahal na propesyon, na malayung-malayo sa commerce course niya sa University of Sto. Tomas.
“Mahal ko lang talaga ang music,” sabi ni Brenan sa PEP.
"Yung passion ko and love for what I do led me to different opportunities, like I also do session backups for different shows ng ibang mga artist.
“Recently, yung Sarah Geronimo-Bamboo tour, kay Kitchie Nadal, mga show ni Ice Seguerra at ni Sir Martin Nievera.”
May mga pinagdaanan ba siyang pagsubok bilang mang-aawit at musician?
Tugon ni Brenan, “Mahirap talaga especially ako yung breadwinner ng family. Bukod sa pagmamahal ko sa music, kabuhayan ko rin ito.
“I don’t have the luxury of having a day job. Puwede naman akong magkaroon ng day job, pero wala talaga siya sa puso ko. Hindi ko nakikita ang sarili ko na nasa opisina palagi.
“Kumbaga, malilimitahan yung magagawa ko for my craft. And I’m just fortunate enough to still provide for my family with music.
“Ang hirap maging musikero sa Pilipinas, sobrang hirap lalo na ngayon.”
Nalampasan ni Brenan ang mga hamong hatid ng coronavirus pandemic noong 2020 dahil sa social media streaming.
“Lahat naman ng mga musician, singers, mga artista, lahat nag-stream.
"Thankfully, may nahanap akong platform na yung system nila was paying well enough naman. Although madugo rin dahil six days a week, four hours per day ang target stream.
“Through that, naka-survive naman. I recorded my jingles and ads mostly at home, unless requested ng clients na sa kanila ako mag-record.
"Hindi ko na mabilang ang jingles na nagawa ko, nakalimutan ko na nga yung iba!" sabi ni Brenan na sinundan nito ng malakas na tawa.