Sa sementeryo ipinagdiwang ni Sunshine Guimary ang kanyang kaarawan kasabay ng libing ng pumanaw niyang asawa.
Noong Linggo, June 23, 2024, ang ika-30 kaarawan ni Sunshine.
Kasabay nito ang interment ng mga labi ng mister niya sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque.
Read: Sunshine Guimary devastated over death of husband
Si Sunshine ay kilalang sexy star na gumanap sa Viva Films movies tulad ng Kaka, House Tour, at Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan.
Sa Instagram, madamdaming ibinahagi ni Sunshine kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa gitna ng pagluluksa.
Ipinost ng sexy star ang video niyang may hawak na birthday cake habang siya ay nasa tabi ng ataul ng kanyang mister.

Sa iba pang video at litratong in-upload ni Sunshine ay makikita ang mga labi ng kanyang asawa na nasa simbahan bago ito ihatid sa Manila Memorial Park.

Sunshine's husband DIES a year after the death of her father
Sa caption ng post ni Sunshine ay hindi niya naitago ang nararamdamang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang mister, sakto sa unang anibersaryo ng pagkamatay rin ng kanyang ama.
Mababasa sa caption ng sexy star (published as is): "12 months ago c papa ni libing ko, Ngayon ikaw asawa ko at tinataon nyo pa sa Birthday ko
"bakit? durog n durog na pati kaluluwa ko ang sakit sakit na...sa susunod kong birthday antayin nyo ko."
Read: Sunshine Guimary still grateful for all the blessings despite devastation of her house in Cebu
Masakit man para kay Sunshine, alam daw niyang kung nasaan man ngayon ang mister ay masaya at payapa na itong kasama ang kanyang ama.
Mensahe niya rito, "Inaantay ka ni papa baby ko maglakbay muna kayu sa walang hangan, antayin nyo ko, kayu buhay ko mamimiss ko kayu sa araw araw, pagising ko mamimiss ko luto mo babe, halakhak mo mga kwela mong jokes, boses at pag nagalala ka sakin.
"salamat sapag mamahal mo samin, mahal na mahal kita. e hug mo 'ko kay papa. mahal n mahal ko kayo kayu buhay ko."
SUNSHINE'S HUSBAND TRAGIC DEATH
Huwebes ng gabi, June 20, 2024, isinapubliko ni Sunshine ang pagkamatay ng asawa.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang kuhang larawan ng kanilang kasal na ginanap sa isang beach resort.
Una ay solo pictire niya na nakasuot ng bridal gown.
Pangalawa ay ang first kiss nila bilang husband and wife.
Puno ng mga puting bulaklak ang makeshift altar na dinisenyo sa tapat ng beach.
Pero ang masayang pag-iisang dibdib nila noon ay napalitan ng lungkot ngayon. Dahil kasunod na litratong ipinakita ni Sunshine ay ang lamay para sa kanyang pumanaw na asawa.
Nakasuot si Sunshine ng itim na bestida habang nakatingin sa nakabukas na ataul kunsaan nakalagak ang mga labi ng kanyang mister.
"See you soon babe," caption niya kalakip ng broken heart emoji.
Sa maiksing palitan ng mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes ng gabi, kinumpirma ni Sunshine na mister nga niya ang pumanaw.
Ikinasal sila dalawang taon na ang nakararaan.
Ibinahagi rin ni Sunshine na heart enlargement ang sanhi ng pagkamatay ng asawa.
Read: Sunshine Guimary reveals how she caught boyfriend cheating on her; says, "Gabi-gabi ako umiiyak."
