Starstruck si Carla Abellana kay Bea Alonzo, na kanyang co-star sa upcoming Kapuso series na Widows' War.
"Hanggang ngayon, lagi kong sinasabi hanggang ngayon kapag meron kaming eksena nasa-starstruck pa rin po ako sa kanya,” ang umpisang pahayag ni Carla sa grand mediacon ng Widows' War nitong Biyernes, June 21, 2024, sa Matrix Events Place sa Quezon City.
CARLA CONFESSES FANGIRLING OVER BEA
“Iyon po yung totoo, it’s the truth.
“I think I mentioned one time po na hindi ko akalain na aabot po sa ganitong point na talagang makakatrabaho ko po siya.
“Kasi for me parang wishful thinking lang po iyon noon.
“So noong nabalitaan ko po, sobra po akong na-excite na may konting kaba."

Bulalas pa ni Carla, “But my goodness, she is everything I imagined her to be, plus more.
“Napaka-passionate po niya, she’s dedicated to her craft, pati po iyong maliliit na detalye, alam po niya.
“Mabait po siya, madali siyang pakisamahan, wala pong reklamo, very patient.
“And of course napakahusay po.”
CARLA ABELLANA ON ROLE IN WIDOW'S WAR
Gaganap si Carla bilang si Georgina Balay sa Widows' War.
Nakaka-relate ba siya sa katauhan ni Georgina o George? Ano ang kaibahan ng role na ito sa mga nagawa na niyang karakter sa teleserye o pelikula noon?
“Actually, hindi po ako nakaka-relate gaano,” pag-amin ni Carla.
“Very different si ahhh… although I did a soap po, yung aking project po prior to this one was Stolen Life.
"In a way, thankful po ako na naging stepping stone po iyon kasi matapang po yung isang character ko doon as Farrah.
“So ang layo, e, ibang-iba dito si George. Somehow parang nahihirapan po akong maka-relate sa kanya.
“She’s ambitious, she will do anything and everything to get what she wants. Pagdating sa pamilya, gagawin niyang lahat kahit mali.
“So iba, matapang itong si George kaya medyo hirap po akong maka-relate sa kanya in real life.”

Gaganap naman si Bea bilang si Samantha Castillo sa Widows' War, na sa direksyon ni Zig Dulay.
WIDOWS' WAR ALL-STAR CAST
Kasama rin sa powerhouse cast ng Widows’ War sina Tonton Gutierrez bilang si Galvan, Jeric Gonzales bilang Francis, Juancho Triviño bilang Abdul, Jackie Lou Blanco bilang Ruth, Lito Pimentel bilang Amando, Timmy Cruz bilang Mercy, Rita Daniela bilang Rebecca, Royce Cabrera bilang Jericho, Lovely Rivero bilang Vivian, James Graham bilang Louie, Charlie Flemming bilang Sofia, Matthew Uy bilang Edward, at si Jean Garcia bilang si Aurora.
May espesyal na mga papel naman sa Widows’ War sina Benjamin Alves bilang Basil Palacios at si Rafael Rosell bilang Paco Palacios.
Mapapanood na ang Widows’ War simula July 1 sa GMA Prime, 8:50 P.M. at sa delayed telecast sa GTV, 10:50 P.M.
