Maraming netizens ang nakapansing wala si Jennylyn Mercado sa GMA Station ID 2024 na inilabas nitong nakaraang Biyernes, June 28, 2024.
Si Jennylyn ay homegrown talent at isa sa itinuturing na big stars ng Kapuso network kaya hindi maiwasang magtaka ang netizens.
Sa TikTok ngayong araw, July 1, 2024, nagbahagi ang asawa ni Jennylyn na si Dennis Trillo ng isang short video
Caption lang niya, “#fyp #foryoupage #goodvibesonly #insideout #facialworkout”
@dennistrilloph #fyp #foryoupage #goodvibesonly #insideout #facialworkout ? Sym - Jas?????????
DENNIS TRILLO: “MAY ABS PA BA?”
Dahil palaisipan sa netizens ang hindi pagkasama ni Jennylyn sa station ID ng GMA-7, ang mister nitong si Dennis ang napagbalingan nilang tanungin sa comments section.
Tanong ng isang netizen kay Dennis, "Kuya dennis sana masagot mo ito bakit wala si ma'am Jen sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABC CBN"
Nakakaintrigang sagot ni Dennis: "May ABS pa ba?"

Noong July 10, 2020, pinatay ng Kongreso, sa ilalim ng administasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang franchise renewal application ng ABS-CBN.
Bunsod nito, tigil-operasyon ang lahat ng television at radio stations na nasasaklawan ng napasong prangkisa ng ABS-CBN.
Tnatayang halos kalahati ng 11,000 empleyado ng kumpanya ang nawalan ng trabaho.
Read: President Rodrigo Duterte admits using "presidential powers" against ABS-CBN
Sa X (dating Twitter), naglabas ng kanilang himutok ang ilang netizens sa tila pabalang na sagot ni Dennis.
Sabi ng isang nag-post, "Oo Dennis Trillo, may ABS-CBN pa. G*g* ka ba?"
Ayon sa isa pa, "DENNIS TRILLO CHOSE VIOLENCE TODAY BWAHAHHAAHAHAHHA AYAN KAKAEXCITE NIYO KAY JENNYLYN NIREALTALK KAYO NG ASAWA IYAK MGA CHAKAMS! Bawal ang pikonesa"
Sabi naman ng isa, "Dennis Trillo, member na din ng Kamuning Rats. May ABS-CBN pa Dennis pero kayong mag asawa wala pa din kayong Box Office na Movie na nag 500 million mark. Trew? So Jen wala din diamond record trew?"
Post ng isa pa, "Just in: Dennis Trillo, tinanong ulit kung may ABS-CBN pa, inutusan pa ang mga netizens to screenshot."
Burado na ang komento sa TikTok post ni Dennis at hindi na rin allowed ang comments.
Read: Jennylyn Mercado, Dennis Trillo confirm jealousy was main reason behind past breakup
DENNIS TRILLO'S TIKTOK ACCOUNT HACKED?
Kaagad namang dinepensahan ng kanyang management team si Dennis.
Ayon kina Jan Enriquez at Katrina Aguila ng Aguila Entertainment, na-hack ang TikTok account ng aktor.
Hindi raw si Dennis ang nag-post ng komentong iyon.
Sabi ni Jan, nagti-taping ngayon si Dennis ng Pulang Araw at limitado ang panahon nitong makahawak ng telepono.
Buong pahayag niya sa X: "We are investigating the situation but do know na hindi po si Dennis yun. He is currently taping for Pulang Araw and have limited access to his phone as per his PA. We advise the public not to jump into conclusions with regard to this incident."
Sabi naman ni Katrina sa Instagram Story, "Hey guys. How to recover a hacked account on tiktok? Anyone who can help please dm me..."

Kasunod nito ay naglabas na ng opisyal na pahayag ang Aguila Entertainment:
View this post on Instagram
Wala pang direktang pahayag ang Kapuso actor tungkol dito.
