PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Licauco spotted with alleged girlfriend in BGC

Is she David Licauco's girlfriend?
by Arniel C. Serato
Published Jul 4, 2024
David Licauco spotted with alleged girlfriend
Pambansang Ginoo David Licauco spotted by a netizen outside a bar in BGC with his alleged non-showbiz girlfriend.
PHOTO/S: Courtesy: @itsmealdee on TikTok

Spotted ang aktor na si David Licauco kasama ang hinihinalang real-life girlfriend niya.

Ayon sa isang TikTok user, namataan ang dalawa sa may Yes Please bar sa Bonifacio, Global City, Taguig City, nakaraang July 2, 2024.

Kalakip nito ang ilang paparazzi shots kung saan kita si David at ang kasama niyang babae, kausap ang isang lalaki.

Caption ng uploader, "David Licauco spotted at Yes Please #davidlicauco #yesplease #bgc @David Licauco"

@itsmealdee David Licauco spotted at Yes Please #davidlicauco #yesplease #bgc @David Licauco ? Weekend - Ashley Mehta

WHO'S THE GIRL WITH DAVID LICAUCO?

Kaagad namang nag-imbestiga ang netizens at pinangalanan ang babaeng kasama ni David.

Ito raw ay si "Kisen," ang girlfriend ng Pambansang Ginoo.

Netizen about David Licauco GF Kisen
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Internet, may mga nagbanggit ding "Kisen" na pangalan na iniuugnay kay David.

Siya raw ay si Kirsten "Kisen" Hizon. Taga-Pampanga raw ito at kamag-anak ng may-ari ng Pampanga's Best.

Sa X, dating Twitter, may nagkumpara rin kay Kisen kay Barbie Forteza, ang ka-loveteam ni David.

Ayon dito, "Kisen is the chosen one for david. Mas may utak pa yata si Kisen kesa kay Barbie. Mechanical engineering ang course, taga pampanga. Hizon apelyido. Mayaman At may class. Eh yung barbielat? Nagsesettle for less sa cheap na si Jak"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isa pa, "Kirsten "Kisen" Hizon. 19 years old 1st year college from Ateneo. relative ng may ari ng Pampanga's Best"

Aprub na aprub naman sa isa ang relasyon nina David at Kisen.

Saad niya, "Tamang tama. Singkit si Kisen in person. Maganda sya in fairness. Sabi na e, no need of confirmation kasi real na real talaga ang rumors"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kisen Hizon and David Licauco spotted
Photo/s: Courtesy: @itsmealdee on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DAVID LICAUCO ADMITS THAT HE'S TAKEN ALREADY

Kinumpirma ni David na mayroon na siyang karelasyon sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong June 25, 2024.

Tinanong siya ng host na si Boy Abunda kung siya ba ay single o taken ngayon.

Sa una, mahihinuhang nag-aalangan pang sumagot si David hanggang sa aminin niyang siya ay "taken" na.

Hindi pinangalanan ng aktor kung sino ang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon, ngunit matagal nang haka-haka na ito ay hindi taga-showbiz.

Aminado rin si David na nagbago ang pananaw niya pagdating sa pagmamahal nang tumuntong siya ng 20s.

Noong bata-bata pa raw siya ay kuntento na siya kung makakakilala siya ng babaeng pasok sa kanyang standard. Ngunit ngayong siya ay 29 years old na ay marami na raw siyang dapat ikunsidera.

Pagbabahagi niya: "When I was younger, as long as maganda, chinita, tsaka masaya kausap... Before kasi uso nun Yahoo! messenger, kaya kapag masaya kausap, feeling mo in love ka na, lalo na noong bata ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dati, ang love, feeling ko, hindi kailangan ng work. Feeling ko, dapat swak lang kayo palagi. If it’s hard, goodbye, kapag bata ka.

"So now, it's different. I think you have to empathize with your partner and, I'm sure marami kasing problema along the way, so kailangan mong lumaban.

"Kailangan mong intindihin kung saan nanggagaling yung partner mo. And hindi na siya kagaya nung dati na, 'Ah, basta maganda lang, good family background, mabait.'

"So now talaga, mas naging ano ako, e, siguro understanding. Kailangan na ng ganon."

Sundot na tanong sa kanya ni Boy Abunda, "At twenty-nine, is that the stage of your life when you also think about marriage, sumasagi na sa isipan mo?"

Sagot ni David, "Yeah, oo naman. Pero wala pa ako dun [ngayon].

"I think, I focus more on my career and businesses."

Read: David Licauco admits he's now "taken"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pambansang Ginoo David Licauco spotted by a netizen outside a bar in BGC with his alleged non-showbiz girlfriend.
PHOTO/S: Courtesy: @itsmealdee on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results