PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enchong Dee feels he's still lacking despite winning acting award

Enchong Dee excited for upcoming series on ABS-CBN.
by Melba R. Llanera
Published Jul 9, 2024
enchong dee 7th the eddys
Enchong Dee on winning an acting award: "Yung mga ganitong pagkakataon, para siyang added bonus from God na recognition, ang sarap ng pakiramdam, kasi sobra akong inspired to work more afterwards."
PHOTO/S: BlackAnt Lensman

Overwhelmed at hindi makapaniwala si Enchong Dee sa pagkapanalo bilang Best Supporting Actor sa 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Nagwagi si Enchong para sa kanyang pagganap sa pelikulang GomBurZa.

Pero pakiramdam ng Kapamilya actor, kulang ang ibinigay niya para gampanan ang role bilang Padre Jacinto Zamora sa pelikula.

Read: 7th EDDYS big winners: Piolo Pascual, Julia Montes, Charlie Dizon

7th the eddys winners
Enchong Dee with fellow winners Gladys Reyes and Julia Montes
Photo/s: Boy Borja
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi ito ni Enchong nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng awards night na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, sa Pasay City, noong July 7, 2024.

Saad niya: "Seryoso talaga yun kasi ramdam ko, hindi enough yung nagawa ko, hindi enough yung na-deliver ko.

"Nakakalimutan ko parati na bawat isang tao may iba't ibang perception and opinion when they see something.

"Nakikita ng ibang tao yung effort na binigay ko dun sa character. It's a very personal story, and I'm just very, very happy.

"Sobrang saya kasi nung natapos namin yung movie, yung pelikula pa lang, sobrang panalo na siya, parang bigay talaga siya ng Diyos.

"Yung mga ganitong pagkakataon, para siyang added bonus from God na recognition, ang sarap ng pakiramdam, kasi sobra akong inspired to work more afterwards.

"Very thankful, very grateful."

ENCHONG DEE ON WINNING AN AWARD

Hind rin itinago ni Enchong na matinding kaba ang naramdaman niya dahil mahuhusay ang mga katunggali niya sa nasabing kategorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iba pang nominado bilang best supporting actor ay sina Keempee de Leon (Here Comes The Groom), Nanding Josef (Oras de Peligro), Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes), at JC Santos (Mallari).

Read: 7th The EDDYS highlights and sidelights

Ayon kay Enchong, "Sobra-sobra akong kinakabahan kasi, una, kailangan ko lang makapagpasalamat nang maayos.

"Pangalawa, pang-ilang awarding ceremony na yung pinagsamahan namin, wala talagang kasiguraduhan yun.

"I am very fortunate na ang kasama ko, Kempee de Leon, yung mga nominees, like si JC, they are winners in their own right.

Bukod sa parangal na natamo, masaya at proud daw si Enchong na nakasama siya sa GomBurZa, lalo't itinuturing ang pelikula nila bilang educational reference ng mga mag-aaral.

Aniya, "Masaya ako dahil naging instrument ako para maging isang reference, educational reference ng mga future generation.

"I'm very, very happy na may isa na akong proyekto na ganun. Paulit-ulit mo siyang papanoorin for educational purposes."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: GomBurZa as OG of Pinoy pride and identity

Sa tanong kung ano ang gagawin niya pagkatapos ng awards night, sinabi ni Enchong na gusto lang niyang i-enjoy ang gabing iyon.

"Thank you very much! I'm very happy tonight, I wanna celebrate tonight.

"Gusto kong kumain ng marami, gusto kong matulog nang mahaba," sabi niya.

UPCOMING SERIES

Samantala, pinaghahandaan din ni Enchong ang kanyang pagbabalik-serye na na-miss niya nang husto. Huli siyang napanood sa primetime series ng ABS-CBN na Mars Ravelo's Darna.

Sabi ni Enchong: "Babalik na ako sa serye.

"Ang masasabi ko lang, Kapamilya series. Hindi pa kami nag-i-start, hindi pa kami nagsisimula.

"Na-miss ko kasi iba talaga ang pagkilala sa iyo ng tao, iba yung pagmamahal sa iyo ng tao kapag napapanood ka nila sa screen nila.

"Mapa-online man o mapa-TV, kasama ka sa pang-araw-araw na buhay nila.

"Parang ito yung role na masasabi ko na puwede kong sabihin kay Direk, 'Direk, may linya akong naisip, ako ang bahala sa eksenang ito.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam ko na my director will give that kind of freedom to me so sobra akong excited.

"The series has advocacy rin, e. Masaya ako, excited ako.

"At saka ang pinaka-excited ako, lock-in kasi siya na setting pa rin, so naka-focus ka talaga sa trabaho."

Bukod sa teleserye, mapapanood din si Enchong sa pagbubukas muli ng Pinoy Big Brother house kasama sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, at Kim Chiu.

Aniya, "Ang suwerte ko lang na iba yung nabuo namin, hindi ko masasabi na pamilya, paulit-ulit na sinasabing pamilya, pero ito talaga yung kahit wala kaming season for that year, nagkikita kami, nagsasama kami.

"Kaya I'm so happy na sinasabi ko regular, may dahilan kami lalong mag-bonding at magsama-sama every time."

Read: Robi Domingo: "May ABS-CBN pa rin."

ENCHONG ON MAJA'S NEW BABY

Malapit na kaibigan ang aktres na si Maja Salvador, na nagsilang kamakailan ng panganay na anak nila ni Rambo Nuñez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi ni Maja na nalagay sa peligro ang buhay niya habang nanganganak, at ipinagpasalamat niyang ligtas nilang nalagpasan ito ni baby Maria.

Read: Maja Salvador recalls "intense" 30-hour childbirth

Masaya si Enchong na isa nang ina ang malapit na kaibigan.

Lahad niya, "Nagme-message kami, nagdi-DM kami every now.

"And then, sabi ko, 'I'm excited to see baby Maria.'

"Pero it's funny coz I have something on August na makakasama ko... pero si Rambo, si Rambo lang ang makakasama ko.

"I'm very happy for my friends, pinag-uusapan lang namin before and now nangyayari na."

Tinanong din ng PEP si Enchong kung may special someone siya ngayon.

Sagot niya, "Darating yun, basta ngayon trabaho lang tayo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee on winning an acting award: "Yung mga ganitong pagkakataon, para siyang added bonus from God na recognition, ang sarap ng pakiramdam, kasi sobra akong inspired to work more afterwards."
PHOTO/S: BlackAnt Lensman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results