Hindi ikinatuwa ng akres na si Jessy Mendiola ang paggamit ng ilang netizens sa yumaong aktor na si Rico Yan para sa kanilang digital content.
Si Rico ay dating matinee idol na pumanaw sa Dos Palmas Resort sa Palawan, noong March 29, 2002. Siya ay 27.
Read: Rico Yan: Gone too soon
JESSY MENDIOLA CALLS OUT NETIZENS
Sa kanyang Instagram Story kagabi, July 9, 2024, ni-repost ni Jessy ang isang social media post tungkol sa pangyayaring hindi kanais-nais.
Tungkol daw ito sa bagong TikTok trend.
Nakasaaad sa post (published as is), "Newest Tiktok trend: Visiting actor Rico Yan's grave?
"A number of Filipinos have started to post photos and videos of them visiting the late actor Rico Yan's grave as if it were a tourist destination.
"One such example is a video made by a user on TikTok, though the video can no longer be found once searched, and has since been reposted on the app by other accounts.

"The video shows the original poster walking around Yan's grave, placing his hand on his nameplate as well as leaning on top of him."

Sa kaakibat na caption, sinabi ng comebacking actress na hindi kaaya-aya ang ginawa ng naturang netizens.
Hindi na raw nirespeto ng mga ito ang namayapa gayundin ang pamilya nito.
Buong caption ni Jessy: "Wala na ba magawang matino ang mga social media addicts?
"Konting respeto naman sa namayapa na at pati na rin sa pamilya ng yumaong. Susme.
"Lahat nalang ba para sa likes, followers and views? Nakalimutan na yata ng mga tao ang salitang 'respeto'. Wala nang decency."

Read: Rico Yan: Revisiting his brief life and career
FOR THE CLOUT?
Nitong mga nakaraang araw, umingay sa social media ang pangalan ng yumaong aktor na si Rico Yan.
Sunud-sunod na nagpu-post ang ilang netizens ng video at pictures na kuha sa pagdalaw nila sa puntod ni Rico sa may Manila Memorial Park.
Kahit hindi naman naabutan ng ibang netizens si Rico noong nabubuhay pa ito, naging trending topic ang aktor sa mga kabataan dahil sa paghanga umano nila rito.
May mga tao namang kumukuwestiyon sa motibo ng ilang nag-post kung ito ba talaga ay paghanga o dahil lamang sa clout.
Read: Are 'fans' turning Rico Yan’s grave into tourist spot?
