Hindi pa rin makapaniwala si Jessy Mendiola na nagbabalik-showbiz siya.
Halos limang taon kasi siyang namahinga dahil sa pandemya at pag-aasawa nila ni Luis Manzano.
Feeling daw niya, hindi pa siya handa, pero mabuti na lang at bongga ang pa-welcome sa kanya ng ABS-CBN bosses.
Ginanap ang contract signing ni Jessy para sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN at Star Magic sa Studio 2 ng ABS-CBN nitong Martes ng tanghali, July 2, 2024.
Read: Jessy Mendiola wishes to have "limang anak"; jokes about calling next baby "Butter"
JESSY MENDIOLA: "I'M VERY GRATEFUL."
Masayang sabi ni Jessy, "I feel very special. Hindi ko ini-expect na ganun kadami yung nagmamahal sa akin.
"I'm so emotional. I'm very grateful.
"Tulad ng sinabi ko kanina, I wasn't expecting na babalik ako and grabe yung support system ko, my husband," sabay turo kay Luis, na nasa baba ng mini-stage ng pirmahan.
Dagdag ng aktres: "Grabe siya! Kagabi pa lang, sabi ko, I'm super anxious and nervous because it's been five years since my last big event and seeing you guys here.
"I'm just really happy and grateful to be back home.
"ABS-CBN has always had my back and palagi niyo akong inaalagaan.
"And of course, Star Magic, hindi pa rin talaga nagbabago yung alaga.
"And talagang si Kuya A, [Alan Real] sinabi niya sa akin na, 'You know, aalalayan ka namin every step of the way.'
"And that's important to me kasi yung guidance talaga ng ABS-CBN at Star Magic, nandiyan palagi
"Even sa personal life, palagi akong inaalagaan, so I'm really grateful.
"And to everyone, you know, it's never too late to chase your dreams.
"Finally, natupad yung dream ko na magkaroon ng family. At ngayon naman, yung dream naman ni Jessy yung itutuloy ko."

Jessy with Star Magic head Laurenti Dyogi, ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes, and Alan Real from Star Magic
Read: Jessy Mendiola reacts to "fake Chanel" bag comment
JESSY MENDIOLA WISHES TO WORK WITH HUSBAND LUIS MANZANO
Isa raw sa labis na natuwa sa pagbabalik-showbiz ni Jessy ay ang kanyang mother-in-law na si Star for All Seasons Vilma Santos, ina ni Luis.
Saad ni Jessy, "Sobrang na-excited siya.
"And actually, when I told them... I mean, I told Momskie na, 'Ay, Momskie, baka bumabalik na ako sa Star Magic. Nakipag-meeting na po ako kina Direk Lauren.'
"Sabi niya sa akin, 'Naku, I'm very excited for you. And bagay ka pa rin talaga na maging active at umarte.'
"So, sabi niya pa nga sa akin, 'Sana, Jess, na magkatrabaho tayo.'
"So, 'Talaga?' sabi ko. Parang na-flatter ako and natuwa.
"Kasi sabi ko, 'Ay, wow, talagang nakikita pa rin niya na magkakatrabaho pa kami.'
"So, isa yun sa mga inspirations ko kung bakit gusto kong galingan pa or bumalik ulit sa pagbuo nung craft."
Aside kay Ate Vi, meron ba siyang naiisip na artistang nais pa niyang makatrabaho?
Tugon ni Jessy: "Actually, I want to work with Luis. Kasi, I've never worked with him.
"And, gusto ko rin ma-try na matuto ng hosting. And, you know, how to speak more.
"Kaya nasabi ko kay Ai [event host], 'Ang galing mo talaga.' Kasi iba din yung, alam niyo, ang hosts, iba talaga.
"Kasi iba yung how they take care of their craft. Yung paano nila aralin yung bawat tao na nakakaharap nila.
"And I see that, I saw that kay Luis. And even yung show niya ngayon, yung Rainbow Rumble, yung dedication.
"Actually, ngayon nag-dry run yata sila. And he told me that, 'I might stay until later.
Kasi talagang titutukan ko to.'
"And that's what's great about him. Yung talagang bawat project, tinututukan niya.
"And, yun, parang gusto ko siyang makatrabaho sa ganun naman.
"Kasi before, di ba, palaging acting?
"Ngayon naman, siguro pag medyo comfortable na ako ulit, medyo comfortable na ako sa kinauupuan ko, mag-try naman ako ng iba.
"Yung hosting or, you know, like a lifestyle show. Sabi ko kanina, opening up my life to people.
"Why not, di ba? I mean, lifestyle, puwedeng ganun."
May mga pini-pitch na raw na proyekto para kay Jessy, pero malalaman daw ito sa mga susunod na buwan.
Samantala, kasabay na pumirma ni Jessy ng kontrata sa ABS-CBN kanina ang asawang si Luis.
At kung matuloy man na sabay silang may proyekto, sisikapin daw nilang ang angels nila sa bahay ay tutok sa pag-aalaga sa anak nilang si Isabella Rose Tawile Manzano or Peanut.
