Walang nakikitang problema ang pamilya ni Rico Yan sa patuloy na pagdalaw ng fans sa puntod ng yumaong aktor.
Si Rico ay dating matinee idol na pumanaw sa Dos Palmas Resort sa Palawan, noong March 29, 2002, Biyernes Santo, sa edad na 27.
Lumabas noon sa kanyang autopsy na cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis ang sanhi ng kanyang pagkamatay na ikinagulat ng publiko.
Read: Rico Yan: Revisiting his brief life and career
Dalawang dekada matapos niyang sumakabilang buhay, muling umingay sa social media ang pangalan ni Rico.
Bunsod ito ng sunud-sunod na pagpu-post ng ilang netizens ng videos at pictures na kuha sa pagdalaw nila sa puntod ni Rico sa may Manila Memorial Park.

Karamihan sa mga ito ay Gen-Z , bagay na ipinagtataka ng mga masugid na tagahanga ni Rico, dahil anila ay hindi naman nila naabutan ang aktor noong nabubuhay pa ito.

Dahil dito, may ilang netizens ang naalarma at kinukuwestiyon ang motibo ng ilang nag-post kung ito ba talaga ay paghanga o ginagawa lamang nila ito dahil lamang sa clout.

Read: Are 'fans' turning Rico Yan’s grave into tourist spot?
Bobby Yan reacts as brother Rico Yan trends online
Dahil sa patuloy na diskusyon sa tunay na pakay ng mga dumadalaw sa puntod ni Rico, hiningan ng reaksiyon ng ABS-CBN News ang pamilya ni Rico.
Sa pamamagitan ng text messages, nitong July 11, 2024, nakapalitan ng mensahe ni MJ Felipe ang nakatatandang kapatid ni Rico na si Bobby Yan.
Ayon kay Bobby, nakarating sa kanila ang patuloy na pagdagsa ng fans ni Rico sa puntod nito.
Bagay na kinumpirma rin daw sa kanila ng caretaker ng puntod ni Rico.
Sa ngayon ay hindi muna raw makapagbibigay ng pahayag ang kanilang pamilya dahil mismong caretaker daw ang nagsabi sa kanilang wala silang dapat ikabahala dahil tahimik at magagalang naman ang mga bumibisita sa puntod ng yumaong aktor.
Read: Rico Yan’s sister remembers good times with him and Bobby
Gagawa lamang daw sila ng hakbang kung nakakaistorbo at nakakapinsala na ang mga dumadalaw sa katabing museleyo ng puntod ni Rico.
Hindi na rin daw bago sa kanila ang madalas na pagdalaw ng fans ni Rico sa kanyang puntod dahil noon pa man ay dagsa-dagsa na ang mga pumupunta rito.
Ani Bobby, "We welcome po anyone from anywhere.
"We have visitors from abroad visit Rico's tomb and there are visitors weekly since 22 years ago."
Dagdag pa niya, dating youth ambassador si Rico noong nabubuhay pa kaya walang kaso sa kanilang pamilya kung mga kabataan ang madalas na pumupunta sa puntod nito para dalawin siya.
Read: Claudine Barretto calls Rico Yan her "one great love"
JESSY MENDIOLA CALLS OUT NETIZENS for Rico Yan trend
Maliban sa mga masugid na tagahangani Rico, naalarma rin ang aktres na Jessy Mendiola sa tunay na pakay ng netizens sa pagdalaw sa puntod ng namayapang aktor.
Ayon sa aktres, kalapastangan sa alaala ni Rico kung ang dahilan lang ng mga pumunta sa puntod nito ay para sa kani-kanilang content online.
Read: Sabrina M. remembers Rico Yan's 22nd death anniversary; skips visiting his resting place
Sa Instagram Story ni Jessy noong July 9, ni-repost niya ang isang social media post tungkol sa umano'y bagong TikTok trend na pagdalaw sa puntod ni Rico.
Nakasaaad sa post (published as is), "Newest Tiktok trend: Visiting actor Rico Yan's grave?
"A number of Filipinos have started to post photos and videos of them visiting the late actor Rico Yan's grave as if it were a tourist destination.
"One such example is a video made by a user on TikTok, though the video can no longer be found once searched, and has since been reposted on the app by other accounts.
"The video shows the original poster walking around Yan's grave, placing his hand on his nameplate as well as leaning on top of him."
Sa kaakibat na caption, umalma si Jessy na hindi kaaya-aya ang ginawa ng naturang netizens.
Hindi na raw nirespeto ng mga ito si Rico gayundin ang pamilya nito.
Buong caption ni Jessy: "Wala na ba magawang matino ang mga social media addicts?
"Konting respeto naman sa namayapa na at pati na rin sa pamilya ng yumaong. Susme.
"Lahat nalang ba para sa likes, followers and views? Nakalimutan na yata ng mga tao ang salitang 'respeto'. Wala nang decency."

