PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sabrina M. remembers Rico Yan's 22nd death anniversary

She tells Cabinet Files how she learned about his death.
by Jojo Gabinete
Published Mar 29, 2024
Sabrina M remembers Rico Yan's 22nd death anniversary
Sabrina M., who says she and Rico Yan were once an item, honors the actor's 22nd death anniversary with a Facebook post; tells Cabinet Files how she learned about his death.
PHOTO/S: Sabrina M on Facebook

Ang aktres na si Sabrina M. ang isa sa mga gumugunita ngayong Biyernes Santo sa ika-22 na anibersaryo ng kamatayan ni Rico Yan, na binawian ng buhay noong Marso 29, 2002, sa Dos Palmas Resort, Puerto Princesa, Palawan.

Read:

Tina Yan remembers brother Rico Yan's death: "Good Friday will always be a scar that I can never erase."

Paolo Bediones binalikang-tanaw ang "biggest assignment" sa coverage ng pagkamatay ni Rico Yan

Malaking balita sa Philippine showbiz noong Hulyo 2023 ang rebelasyon ni Sabrina na may lihim na relasyon sila ni Rico noong nabubuhay pa ito.

"Remembering Rico Yan 22nd death anniversary" na may larawan ng aktor ang Facebook post ni Sabrina.

Sabrina M's post about Rico Yan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa eksklusibong panayam nito sa Cabinet Files ngayong hapon, March 29, 2024, binalikang-tanaw niya ulit ang mga nangyari nang nakarating sa kanya ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ni Rico.

Walang nagbago sa una niyang kuwento sa Cabinet Files noong nakaraang taon.

"On my way to Baguio City at that time. Nasa Kennon Road ako nang may tumawag sa akin para ibalita na wala na si Rico.

"Sobrang sakit kaya umuwi agad ako from Baguio. Hindi ko na itinuloy ang dapat na pagbabakasyon ko,” ang paglalahad ni Sabrina.

Hindi nakakaligtaan ni Sabrina gunitain taun-taon ang araw ng kamatayan ni Rico, pero ang kaibahan sa taong ito, hindi na raw siya dumalaw sa puntod ng aktor sa Manila Memorial Park sa Parañaque City, mula nang maging kontrobersiyal ang kanyang rebelasyon tungkol sa itinago nilang relasyon noon.

Read:

Sabrina M. reveals secret relationship with Rico Yan: "After Claudine, naging kami, umabot din ng taon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabrina M. shrugs off negative comments after revealing secret relationship with late Rico Yan

Aniya, "Lagi ko siyang ipinagdarasal at ipinagsisindi ng candle every time na nasa church ako. Every year, dito sa house, nagsisindi ako ng candle for him.”

Ngayon na lang ulit naungkat ang diumano'y relasyon nila ni Rico matapos makaranas ng batikos at panghuhusga si Sabrina dahil sa kanyang rebelasyon.

Pinaratangan si Sabrina na ilusyonada at gumagawa lamang ng kuwento, pero nanindigan siyang katotohanan ang kanyang isiniwalat.

Nagbanta pa ang isang abogado na sasampahan ng kaso si Sabrina kapag hindi ito humingi ng public apology kay Claudine Barretto, ang publicized girlfriend ni Rico bago ito pumanaw.

Pero hindi nagpatinag ang dating sexy actress.

Nagsalita si Sabrina na walang public apology na magaganap dahil pawang katotohanan ang kanyang ibinunyag.

Read: Sabrina M. sticks to claim about relationship with Rico Yan: "Wala pong apology na magaganap."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabrina M., who says she and Rico Yan were once an item, honors the actor's 22nd death anniversary with a Facebook post; tells Cabinet Files how she learned about his death.
PHOTO/S: Sabrina M on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results