Sparkle artist na si Gary Estrada.
“Yeah I signed up with Sparkle, five years,” umpisang kuwento ni Gary, na pumirma ng kontrata noong May 16, 2024.
Bakit siya nagdesisyon na lumipat sa Sparkle?
“Well, sa ngayon kasi, talagang sila na lang talaga yung nasa mainstream ng paggawa ng TV shows. Kasi as of now, as an actor, iyon yung magiging field mo na lang, e.
“Wala na kasing masyadong movies na katulad ng ginagawa natin dati na kaliwa’t kanan ang pelikula.
“Ngayon more on TV, so you have to adapt also."
Read: Meet future rock goddess Icee Ejercito, Gary Estrada and Bernadette Allyson's daughter
Inamin din ni Gary na na-miss niya ang pag-aartista.
“At the same time, sa tagal ko rin, di ba I entered politics tapos naging tatay for a while, siyempre ang concentration ko, family.
“Tapos siyempre hinahanap rin ng sarili ko, ng katawan ko yung pag-aartista, iyan ang ibinuhay sa akin ng nanay at tatay ko,” at natawa si Gary.
“Saka ng mga kapatid ko, halos lahat yata artista, di ba? Buong angkan namin.”
Anak si Gary ng mga dating artistang sina George Estregan at Agnes Moran, at half-brother naman niya ang aktor na sa ER Ejercito.
“At the same time nacha-challenge na rin ako kasi siyempre nandiyan na yung anak ko, si Kiko, he’s doing very well with Viva.
“Si Rob is also doing very well also, and, eventually, malay niyo mag-cross yung path namin, magkaroon kami ng trabaho.”
Si Kiko Estrada ay anak ni Gary kay Cheska Diaz, habang pamangkin niya ang isa ring Kapuso artist na si Rob Gomez, na anak ng kapatid niyang si Kate Gomez.
GARY ESTRADA ON WORKING WITH FAMILY
May rebelasyon naman si Gary.
“Alam niyo ba sa tagal kong mag-artista, ayokong katrabaho ang kahit sino sa pamilya ko? Kasi ang hirap, e.
“Too close for comfort para sa akin.”
Hindi pa nagkasama kahit minsan sa trabaho sina Gary at ang anak niyang si Kiko.
”Iyan nga ang dream ng anak ko, e. Iyan ang dream niyang makatrabaho.”
Isang beses nang nakatrabaho ni Gary ang misis niyang aktres na si Bernadette Allyson sa isang TV guesting.

“Ayoko nang ulitin!
“Before take, siyempre alam mo naman ako, pangiti-ngiti lang, tapos nung narinig ko yung ‘Action,' pero nung take, nagbabago na ang lugar, nag-iiba na ako, muntik ko na siyang masaktan,” pagtukoy ni Gary sa eksena nila ni Bernadette kung saan kailangan niya itong saktan.
“Ayoko nang ulitin. It’s too close for comfort para sa akin, parang ayokong maulit.”
gary revives leading-man dreams
Sa pagiging Sparkle artist ni Gary, ano ang kanyang expectations sa showbiz career?
The 53-year-old actor replied, “Actually, ang dream ko kasi, maging leading man ulit, e.
“Remember when I was young, nung nasa Viva ako, siyempre alam naman ng lahat na nasa likod talaga ng ano, bukod kina Boss Vic, sina talaga, si Mama Mina, parating nandiyan iyan kahit wala siya.
“Mararamdaman mo yung presence niya sa mga pelikula na ginagawa mo. Na alam mo yun, after Viva, di ba yung mga Mano Po, ngayon lang naman iyan, dati, di ba, matagal na naming ginagawa iyan sa Viva.
“Kumbaga yung maraming artista na malalaki pagsasamahin mo sa isang pelikula?
“Si Mama Mina yung gumagawa ng ganun, e.”
Si Mina ang yumaong actress-turned-movie producer at misis ng Viva Entertainment big boss na si Vic del Rosario.
Pagpapatuloy ni Gary, “She told me one thing, sabi niya sa akin, ‘I want you to be a leading man, nothing more, nothing less.’
“So iyon yung pumasok sa isip ko, and I became a leading man!”
Noong binata pa si Gary at kasagsagan ng kanyang pag-aartista ay naging male lead siya sa maraming pelikula, kung saan naging leading lady niya ang mga sikat na aktres tulad nina Donita Rose, Vina Morales, Alice Dixson, Charlene Gonzalez, Donna Cruz, Rufa Mae Quinto, at Dina Bonnevie.
“So nung lumapit ako sa GMA, pinakiusapan ko sila na kung puwede if ever na tatanggapin nila ako, I want to be a leading man again.
“Siyempre nandiyan pa din sina Ian [Veneracion], nandiyan sina Gabby [Concepcion], ang ganda pa rin ng stature nila sa movie industry, e.
"Ako kasi, napabayaan ko. I have to admit medyo nag-lie low talaga ako.”
Tinutukan kasi ni Gary noong mga panahon na iyon ang kanyang political career. Nagsilbi siyang Board Member sa second district ng Quezon province mula 2010 to 2016. Tumakbo rin siya bilang vice-mayor sa Cainta, Rizal noong 2019, ngunit hindi siya pinalad na manalo.
GARY ON STARTING OVER WITH SPARKLE
Ano ang isinagot sa kanya ng Sparkle sa kagustuhan niyang maging leading man muli?
“Tinanggap naman ako,” at tumawa si Gary.
“Sana naman, sana naman. Pero siyempre para sa akin, salita pa lang ngayon iyan, e. Kumbaga ipakita ko na lang kasi parehas kaming magtatrabaho para diyan.
“Not only them, but also I have to work hard for it, like what happened with Viva. Kumbaga nandiyan ang Viva, siyempre pagpasok mo hindi ka naman biglang sisikat diyan bigla, e.
“Kumbaga sa una, pangalawa, hindi naman biglang lalaki ang pangalan mo, e. You have to be patient and they really have to help you.
“And that’s what happened to me with Viva, and that’s what I’m expecting with Sparkle.
"Hindi naman natin iyan makukuha sa unang teleserye, sa pangalawang teleserye.
“They really have to build me up again! Iyon yung ano ko e, iyong ibi-build up ako ulit as a leading man.
“It doesn’t happen, it doesn’t happen in one day, it doesn’t happen in a year, and, eventually, pag na-jackpot-an namin ng Sparkle, it’s a win-win situation.
“And ako naman, sa pagtanggap nila sa akin, it’s a win na for me already kasi siyempre, para sa isang nagbabalik na artista na matagal hindi umarte, para tanggapin nila, e, hindi naman yata lahat ng artista, e, tinatanggap nila para mag-sign up with them.
”I’m very happy that they accepted me.”
Kamakailan ay napanood si Gary sa Black Rider, na pinagbidahan ni Ruru Madrid at umere sa GMA-7.
