Trigger warning: mention of self-harm
Inamin ni Gary Estrada na naging stalker siya noon ni Dina Bonnevie.
Noong June 8, 2024, nag-guest sa Kapuso Saturday morning show na Sarap, Di Ba? si Gary at asawang si Bernadette Allyson.
Natanong si Gary kung sino ang award-winning actress at older sa kanya na ini-stalk niya noon dahil tinamaan siya nang husto rito.
“Kahit ako nakalimutan ko na yan, ah,” may pag-aalinlangang bungad ng aktor.
Pero natatawang pag-amin niya, “Si Dina. Alam naman ng lahat, e.”
Giit ni Gary, “Siyempre, si Dina Bonnevie yon. Sino ba naman ako.”
Read: Dina Bonnevie fondly recalls unpleasant, awkward experiences with leading men
Binanggit pa niyang nagkasama pa sila ni Dina sa isang pelikula.
“I was very lucky because nung nag-start ako, the role wasn’t… yung movie namin, yung Tag-Araw, ‘Tag-ulan, actually, that was not for me yung role,” kuwento niya ukol sa 1992 Viva Films movie.

Patuloy ni Gary, “It was offered to somebody else at first. Tapos hindi tinanggap.
“Buti na lang pumayag pa rin si Dina na gawin yung film.”
Hindi binanggit ni Gary kung ginawa niya ang pelikula bago o pagkatapos siyang maging stalker ng aktres.

Read: Snooky Serna recalls with regret giving up this iconic role: “Sana ako si Madam Claudia.”
DINA BONNEVIE DETAILS BEING STALKED BY GARY
Nauna nang ikinuwento ni Dina ang ginawang pang-i-stalk sa kanya noon ni Gary.
Idinetalye ito ni Dina sa YouTube interview sa kanya ni Snooky Serna noong February 18, 2023.
Lahad ni Dina, “Do you know that Gary used to stalk me?
“Nagkita kami sa gym and then nakita niya ako. He started giving me and giving me yung mga weights.
“’Tapos tingin siya nang tingin sa akin. Sabi ko, ‘Excuse me, are you working out your eyes?’ Kasi tingin siya nang tingin, imbes na yung body.”
Patuloy raw siyang binuntutan ng aktor habang nasa gym.
“Aba, sinundan niya ako hanggang sa… nakailang ano na ako sa gym, palagi siyang andun.”
Hindi raw natapos doon ang pagsunod sa kanya ni Gary.
“Hanggang sa ayun na, sinusundan na ako sa bahay.
“Sabi ko, ‘Why do you keep following me? Aanhin kita, ang bata-bata mo? Di kita puwedeng maging boyfriend, okay? Okay?’”
May pagbabanta pa raw noon si Gary na mistulang tinamaan nang husto kay Dina.
Sundot ni Dina, “Sabi niya sa akin mahal na mahal niya ako at magpapakamatay siya.
“Gusto pa nga niyang maglaslas sa bahay ko.”

Hindi naman daw natakot si Dina sa ginawang banta ng aktor na sasaktan ang sarili.
“Sabi ko, ‘Sige, hetong kutsilyo, magpakamatay ka, ha? Pag hindi mo itinuloy, hindi ka na makakabalik.’ Kasi napuno na ako.
“Sabi ng yaya ko, ‘Wag mo namang ganyanin si Gary, Dins,’” sundot ni Dina, na natawa sa kanyang pagbabalik-tanaw.
Si Gary ay 23 years nang kasal sa former actress-host na si Bernadette. Mayroon silang tatlong anak na dalaga.
Siya rin ang ama ng aktor na si Kiko Estrada, na anak niya sa dating karelasyon na si Cheska Diaz.
Ikinasal naman si Dina sa pulitikong taga-Ilocos Sur na si Deogracias Victor Savellano noong 2012.
Anak ni Dina sa dating asawang si Vic Sotto sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Sotto.
