PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Padilla confirms new relationship: "I'm taken."

Kylie: "Ipinaglaban ko din ito. Ba’t lahat na lang, ba’t pinahihirapan ako?"
by Jojo Gabinete
Published Jul 18, 2024
kylie padilla fast talk
Kylie Padilla on her current relationship: "The best thing I love about it is may balance na ako ngayon from my work-life to my personal life. In my work-life, artista ako. I work, I’m an actress. It’s a different world, very different world. And then when I’m with my partner, I’m normal again. I am just Kylie."
PHOTO/S: GMA Network

Kasunod ng pag-aming "taken" na siya ay ang rebelasyon ni Kylie Padilla na ipinaglaban din nito ang kasalukuyang karelasyon.

Read: Kylie Padilla on mystery man she was spotted with: "Yung nagpapasaya sa puso ko."

"Ipinaglaban ko din ito. Ba’t lahat na lang, ba’t pinahihirapan ako?" pahayag ni Kylie sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda noong Martes, Hulyo 16, 2024.

“Ipinaglaban kasi na-reveal sa akin yung mga ugali ko, mga ayokong tanggapin.

“You know, everyone has ego. Na-reveal sa akin yung sa akin and, in some way, mas hinarap ko siya ngayon, this time, yung imperfections ko.

"Kasi nagko-connect siya sa pagiging nanay ko. Me as a person.

"And this relationship, really, tinuruan ako. I learn and I love learning.

"Growing talaga is my favorite thing about life. Merong wisdom ka talagang makukuha.

"And this relationship, I’m really grateful na ganoon yung... I am much more humble now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtapat din ni Kylie kay Boy ang mga natutunan mula sa kanyang partner — ang higit na pagtiwalaan ang sarili at huwag matakot kaya mas pinaiiral niya ngayon ang kanyang utak kesa sa puso.

“Meron din akong lesson dito, sa relationship ko ngayon, and it taught me to just trust myself more talaga and not to be scared to be myself.

“But mind muna. You can teach the heart and I think time na para utak muna,” sabi ni Kylie.

Si Kylie ay hiwalay sa kanyang mister na si Aljur Abrenica, kung saan mayroon siyang dalawang anak na lalaki.

Read: Kylie Padilla reflects on breakup with husband Aljur Abrenica: "I have been so afraid of life."

WHO IS KYLIE PADILLA'S NEW BOYFRIEND?

Hindi binanggit ni Kylie ang pangalan ng kanyang karelasyong walang kinalaman sa entertainment industry.

“He’s outside the business,” sabi ni Kylie.

“The best thing I love about it is may balance na ako ngayon from my work-life to my personal life.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“In my work-life, artista ako. I work, I’m an actress. It’s a different world, very different world.

"And then when I’m with my partner, I’m normal again. I am just Kylie.

"The Kylie that grew up in Australia. I'm the Kylie na nanay lang ako and I do normal nanay things.

"I love that... there’s no trying to keep up to a certain image."

Hindi man pinangalanan ni Kylie ang kanyang karelasyon ngayon, naging maagap sa pag-iimbestiga ang netizens na sumusubaybay sa mga pangyayari sa personal at propesyunal na buhay niya.

May mga nagsasabing ang tattoo artist na si Jinno John Simon ang boyfriend ni Kylie dahil silang dalawa ang madalas na nakikitang magkasama.

Read: Kylie Padilla napaiyak nang balikan ang failed marriage nila ni Aljur Abrenica

Kylie Padilla spotted with rumored boyfriend
Kylie Padilla was spotted with rumored boyfriend Jinno John Simon
Photo/s: Courtesy: @ivhetgonzales on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JINNO JOHN SIMON INVOLVED IN A CONTROVERSY IN 2018

Pamilyar sa publiko ang pangalang Jinno John Simon dahil ito rin ang pangalan ng isang personalidad na inakusahan ng pambubugbog ng Grab driver na si Armando Yabut noong Pebrero 2018.

Serious physical injuries ang kasong isinampa ni Yabut laban kay Jinno, na naiwan ang cellphone sa ipinapasadang Grab car ni Yabut.

Nagduda si Jinno na may ibang intensiyon si Yabut dahil, diumano, hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.

jinno john simon tv patrol interview
Jinno John Simon in an interview with TV Patrol in February 2018
Photo/s: ABS-CBN YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Jinno sa panayam ng TV Patrol noong Pebrero 2018: “Three to four, five times, and then pinatay niya po yung cellphone ko. So, wala na kaming ibang choice kundi sa customer’s service na lang.

"Nakuha na lang po yung personal number niya. Tinawagan po siya.

“Ibabalik na daw niya po yung phone. Ang katuwiran niya po, hindi niya raw po hinawakan ang cellphone ko.

"Ang sabi niya, meron daw po siyang pasahero kaya hindi po niya sinasagot.”

Nag-viral sa social media ang kuwento ng pananakit ni Jinno kay Yabut kaya nakatanggap siya ng mga pagbabanta sa kanyang buhay na dahilan ng matinding takot na naramdaman niya.

“Sobrang sama na po ng pangalan ko,” hinaing noon ni Jinno.

“Sirang-sira na po. Hindi ako makauwi ng apartment ko.

"Hindi ako makakuha ng gamit ko. Wala akong damit.

"Maraming nagbabanta sa akin. Nakakatakot po, e.

“Inaamin ko naman po, mali yung ginawa kong pananakit. Maling-mali po talaga yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Humihingi po ako ng tawad sa nagawa ko kay Mr. Yabut. Nadala lang po talaga ako ng emosyon ko.”

Sa kabila ng paghingi ni Jinno ng paumanhin, hindi nagbago ang desisyon ni Yabut na magsampa ng reklamo na suportado ng Grab company.

Lahad ni Yabut, “Halos lumuhod ako sa kanya. Hinimas-himas ko siya na parang santo.

"Nagso-sorry ako sa kanya. Sabi ko, pakinggan niya ang explain ko, pero hindi niya ako pinakikinggan.

“Ang sabi niya sa akin, tuturuan niya ako ng leksiyon."

Dagdag pa ng Grab driver, na pulang-pula ang mata noon dahil sa matinding pananakit na natamo, "Hangga’t maaari, gusto ko po siyang makita sa kulungan.”

Anim na taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente, pero hindi na nalaman ng publiko ang kinahinatnan ng kaso.

Hanggang sa muling mabanggit at pinag-usapan ang pangalan ni Jinno sa social media dahil sa pagkakaugnay nito kay Kylie.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla on her current relationship: "The best thing I love about it is may balance na ako ngayon from my work-life to my personal life. In my work-life, artista ako. I work, I’m an actress. It’s a different world, very different world. And then when I’m with my partner, I’m normal again. I am just Kylie."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results