Muling nagkrus ang landas ng former sweethearts na sina Heart Evangelista at Jericho Rosales.
Huli silang nakitang sandaling nagkita at nagkausap sa isang brand event noong January 2024.
Nitong July 2024, namataan ang ex-couple sa isang salu-salong pinangunahan ni Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M.
Pili lang ang imbitado sa intimate gathering.
Bukod kina Heart at Jericho, naroon din sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, at Sam Milby.
July 12, 2024 nang i-post ang litrato ng grupo sa Instagram account ni Grace Yap na @_missgracey. Si Yap ay bahagi ng team ni Mr. M.
Sabi sa caption, "A-Listers mid-year gathering with their show business father, Mr. M."
STAR MAGIC BABIES
Hindi kailang pare-parehong homegrown talents ng Star Magic sina Heart, Jericho, Bea, John Lloyd at Sam.
Sa kasalukuyan, tanging sina Jericho at Sam ang co-managed ng Star Magic.
Ang Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN, at co-founder nito si Mr. M noong May 1992.
Si Mr. M ay co-founder at head ng Star Magic mula 1992 hanggang 2007. Nanatili siyang chairman emeritus ng Star Magic mula 2007 hanggang October 2020.
Lumipat si Mr. M sa Sparkle GMA Artist Center bilang consultant noong July 13, 2021.
heart evangelista and jericho rosales at 2023 DINNER PARTY
Unang nagkasama-sama ang grupo nina Heart, Jericho, Bea, at John Lloyd noong March 2023.
Read: Heart Evangelista posts reunion with ex-boyfriend Jericho Rosales, other Mr. M babies
Sa eksklusibong ulat ng PEP noong March 30, 2023, nakasaad na naganap ang reunion dahil sa request ng "babies" ni Mr. M na personal na makita ang kilalang star builder at director.
Belated celebration na rin daw iyon ng birthday ni Mr. M, na nagdiwang ng kaarawan noong February 11, 2023.
Kasama noon sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Diether Ocampo, at Kyle Echarri.
Read: Reason why Heart Evangelista, Jericho Rosales, Mr. M babies had a reunion
