Maraming netizens ang naghanap kay Jennylyn Mercado sa nakaraang GMA Gala 2024 dahil hindi nakita sa red carpet ang Kapuso actress.
Ang namataan lamang nila ay ang asawa nitong si Dennis Trillo.
Ginanap ang maningning na event noong Sabado, July 20, 2024, sa Manila Marriott Grand Ballroom sa Newport, Pasay City.
Read: Standout couples, beauties, gentlemen at GMA Gala 2024
Read: GMA Gala 2024 sidelights: Did Alden pay for extension of after-party? Sparkle rep speaks up
WHY JENNYLYN MERCADO DID NOT ATTEND GMA GALA 2024
Sa TikTok post ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa red-carpet walk ni Dennis sa GMA Gala, may ilang netizens na nagtanong sa comments section kung bakit hindi kasama ng aktor si Jennylyn.
@pepalerts @Dennis at #GMAGala2024 #PEPatGMAGala2024 #NewsPH #PEPNews #EntertainmentNews ? original sound - PEP.ph

Sa Facebook ngayong Lunes, July 22, 2024, nag-post ang hairstylist ni Jennylyn na si Bianca Anne Vergara upang ipaliwanag kung bakit wala ang aktres sa GMA Gala 2024.
Sa katunayan, nag-pictorial na nga raw si Jennylyn suot ang gown niya dapat sa event.
Ngunit ayon kay Vergara, nagkaroon ng sakit ang panganay na anak ni Jennylyn na si Alex Jazz.
Sabi ng hairstylist, kalakip ang litrato ni Jennylyn at ang gown nito sa GMA Gala: "Eto dapat yun oh kasado na eh! baka pwede i rewind ang GMABall.
"She was supposed to attend GMABall in-fact ready n kaming lahat, but sadly nagka emergency si jazz (anak na panganay) nag ka trangkaso.
"so as a parents mas naging priority lang nila ang mga anak nila kaya di naka attend ang Ultimate Star natin. at sana po maintindihan n lng natin yung nangyari bawi n lang kami next year
"Our Ultimate Star Jennylyn Mercado"
Read: GMA Gala 2024's Most Talked-About Moments
JENNYLYN MERCADO REMAINS LOYAL TO KAPUSO NETWORK
Nitong mga nakaraang araw, nilinaw ng management ni Jennylyn na hindi totoo ang bali-balitang lilipat ang aktres sa ABS-CBN.
Hindi rin kasi nakita si Jennylyn sa bagong station ID ng Kapuso network.
Ayon sa statement ng long-time manager ni Jennylyn na si Becky Aguila noong Hulyo 2, 2024, "loyal artist of GMA" ang alaga kaya walang katotohanan ang mga haka-haka.
Buoong pahayag ni Becky tungkol kay Jennylyn: "I just want to clarify to those who keeps on insinuating re the issue of network transfer that Jennylyn is a loyal artist of GMA and will always remain loyal for as long as her mother network wants her to stay.
"She was absent from the station ID simply because she was unavailable that day. Rest assured GMA extended an invitation to her, which we very much appreciate."
