Laman ngayon ng social media ang aktres na si Nadine Samonte, matapos mag-rant ang stylist nito sa X (dating Twitter) tungkol sa GMA Gala 2024.
Ayon sa stylist, imbitado ang Sparkle artist sa GMA Gala na ginanap sa Manila Marriott Grand Ballroom sa Newport, Pasay City, noong July 20, 2024.
Pero wala ang pangalan ni Nadine sa listahan sa reception.
Read: Standout couples, beauties, gentlemen at GMA Gala 2024
Read: GMA Gala 2024 sidelights: Did Alden pay for extension of after-party? Sparkle rep speaks up
NADINE SAMONTE'S STYLIST CALLS OUT SPARKLE
Sa kanyang post sa X noong maghahatinggabi ng event, nagbahagi si Miss Keith Manila ng saloobin para sa kaibigang si Nadine.
Si Miss Keith ang stylist ni Nadine para sa GMA Gala.
Buong post niya, "Treat your artists right. Kahit na di yan prime niyo. Bat kayo magiinvite pero wala pala sa listahan. Wag niyo unahin mga influencers na ininvite niyo. so disappointing Sparkle GMA Artist Center #GMAGala2024 CHEAP!"
Dagdag pa niya, "HINDI NAKAKASPARKLE #GMABALL2024"
Sa kanyang Instagram Story, ipinost din ni Miss Keith ang buong look ni Nadine para sa GMA Gala.
Caption niya (published as is), "SHE DESERVE A SEAT AT THE TABLE."

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag ang Sparkle GMA Artist Center, pero wala raw silang statement ukol sa insidente.
Read: Here’s why Jennylyn Mercado was missing at GMA Gala 2024
NADINE SAMONTE'S SHOWBIZ COMEBACK
Siyam na taong nag-focus si Nadine sa pagiging asawa at ina, pero aminado siyang na-miss niya ang showbiz.
Kuwento ng aktres sa panayam nito noong March 2024, “Na-miss ko, e.
“Sabi ko, two years old na ang youngest ko, parang may kulang. Parang nami-miss ko yung dati. Na-miss kong umarte, na-miss ko yung paghihintay."
Ang paghihintay na tinutukoy niya ay pagtambay nila sa set.
Dagdag nito, “Oo, na-miss ko talaga.
“Alam mo, kapag nakasanayan mo talaga at lumaki kang ganun at araw-araw, iyon ang ginagawa mo, hinahanap din pala ng katawan mo."
Read: Nadine Samonte all set for showbiz comeback after 9-year hiatus
