PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadine Samonte all set for showbiz comeback after 9-year hiatus

She has lost 13 kilos.
by Rose Garcia
Published Mar 15, 2024
Nadine Samonte at the premiere of the movie Layas
Nadine Samonte is now 13 kilos lighter. Losing weight is part of her preparations for her showbiz comeback.
PHOTO/S: @nadinesamonte on Instagram

Tuluy-tuloy na ang pagbabalik sa pag-arte ng isa sa mga orihinal na StarStruck avengers ng season 1 na si Nadine Samonte.

Matagal ding namahinga sa showbiz si Nadine nang mag-asawa at magkaroon ng tatlong anak.

Read:

Nadine Samonte recalls most painful moment in her life: "Sinabihan ako ng doktor na I can’t have kids."

TOTOO BA: Luis Manzano was first choice to host StarStruck?

Pero ngayon, masayang ibinalita ni Nadine na simula nang gawin niya ang GMA Afternoon Prime na The Missing Husband, na umere mula August hanggang December 2023, nagsunud-sunod na rin ang mga proyekto niya.

Kasalukuyan niyang ginagawa ang Forever Young, na pinagbibidahan ni Euwenn Mikaell.

Siyam na taon siyang nag-focus sa pagiging asawa at ina, pero aminado si Nadine na na-miss niya ang showbiz.

“Na-miss ko, e,” sabi niya.

“Sabi ko, two years old na ang youngest ko, parang may kulang. Parang nami-miss ko yung dati. Na-miss kong umarte, na-miss ko yung paghihintay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang paghihintay na tinutukoy niya ay pagtambay nila sa set.

“Oo, na-miss ko talaga,” sabi niya.

“Alam mo, kapag nakasanayan mo talaga at lumaki kang gano’n at araw-araw, iyon ang ginagawa mo, hinahanap din pala ng katawan mo,” natawang sabi niya.

Read:

Nadine Samonte stays strong for 3rd baby kahit "ang daming iniyak, ang daming pasa"

Nadine Samonte not ashamed of selling danggit and dilis

Sa bahay raw, talagang ang atensiyon niya ay nasa mga anak at sa household.

“Palagi akong nagliligpit, hindi ako mapakali. Tapos hatid-sundo sa mga kids, so iyon."

NADINA SAMONTE'S HIATUS

Suportado naman daw siya ng kanyang mister na si Richard Chua sa pagbabalik-showbiz niya.

Sa ginanap na premiere night nga ng pelikulang Layas sa SM Megamall noong Martes, Marso 12, 2024, makikitang nakasuporta at nakaalalay kay Nadine si Richard.

“Pinag-usapan namin, of course, I had to ask him first kung papayag siya. Sabi naman niya, if I want and if I’m gonna be happy, susuportahan niya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung siyam na taon naman daw na hindi siya naging aktibo sa showbiz, personal din naman daw niya itong kagustuhan at hindi dahil yun ang gusto ng mister niya.

“Choice ko,” saad niya.

“Kasi, I’ve always dreamt to have a family, e. Magkaroon ng mga anak, and very vocal naman ako ever since.

"Sabi ko, kapag nagkaroon ako ng mga kids, I want to be focused sa kanila, and that’s what I did, focus talaga ako sa kanila.

“Sabi ko, there’s always time for everything naman, and I can always go back.”

NADINE SAMONTE'S PREPARATION FOR COMEBACK

At mukhang pinaghandaan talaga ni Nadine ang pagbabalik dahil kapansin-pansin ang malaking ibinaba ng timbang niya.

“Diet at boxing,” sabi niya.

“Hindi pa, I need more. Yung gino-goal ko na weight, hindi pa. Naging 72 kilos ako, e. Tapos ngayon, I’m 59.”

Fifty-five kilos daw ang goal niyang weight.

Pero mas tinutukan niya ang paghahanda sa kanilang mga anak. Alam niyang maninibago ang mga ito kapag mas naging abala siya sa showbiz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, “At first, adjustment period talaga. Nahirapan si Heather. Kasi si Heather, talagang clingy sa akin. Pero now, she’s okay na, naintindihan na niya.

“Kasi may time na dinala ko siya sa set. Pinakita ko kung paano ang work ko.”

Si Heather ang pitong taong gulang na panganay nila ni Richard. Ang dalawa pa nilang anak ay sina Titus, 4, at Harmony, 2.

Nadine Samonte and Richard Chua with their kids Heather, Titus, and Harmony.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NADINE SAMONTE'S MOVIE

Samantala, showing na ang Layas sa mga sinehan.

Noong gawin ng aktres ang movie taong 2022, ang akala niya ay sa online streaming apps lang siya ipalalabas.

Nagulat daw siya na ipinapalabas na ito sa mga sinehan.

“Sobrang na-surprise ako rito, kasi this is only intended for online. So I didn’t know that this will be in cinema. Nagulat ako noong sinabi na cinema na ito, at least, kahit papaano makikita ko sa movie."

Ang Layas ay kuwento ng limang magkakapatid mula sa isang malayong lugar sa probinsiya. Ito ay sa direksiyon ni JR Olinares.

Bukod kay Nadine, kasama rin sa pelikula sina Joem Bascon, Alex Medina, at Michelle Vito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Samonte is now 13 kilos lighter. Losing weight is part of her preparations for her showbiz comeback.
PHOTO/S: @nadinesamonte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results