PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadine Samonte opens up about her GMA Gala 2024 experience

Nadine didn't finish the program and cried when she got back to her hotel room.
by Rose Garcia
Published Jul 23, 2024
Nadine Samonte opens up about GMA Gala 2024 experience
Nadine Samonte on her unfortunate experience at GMA Gala 2024: "Noong dumating ako sa hotel room, sa comfort room, hindi ko na talaga napigilan, do’n ako umiyak. Narinig ng husband ko and do’n ko na naikuwento sa kanya ang totoong nangyari. Galit talaga siya, gusto niyang bumaba. Sabi ko, 'Okay na yon.' Sabi niya lang sa akin, 'Hindi kita pinayagang bumalik sa pag-aartista para ganyanin lang.'"
PHOTO/S: Pau Gueverra

#PEPatGMAGala2024

Pinag-uusapan ngayon ang Kapuso actress na si Nadine Samonte dahil sa hindi magandang karanasan nito sa katatapos na GMA Gala 2024.

Read: Nadine Samonte mistreated at GMA Gala 2024?

Ginanap ang red-carpet event sa Manila Marriott Hotel noong Sabado ng gabi, July 20, 2024.

Lumikha ng ingay ang X post ng stylist ng Kapuso actress na si Keith Manila, na nagsiwalat na may imbitasyon si Nadine pero wala ito sa guest list sa registration para sa event.

Tweet ni Keith (published as is), "Treat your artists right. Kahit na di yan prime niyo.

"Ba't kayo mag-iinvite pero wala pala sa listahan. Wag niyo unahin mga influencers na ininvite niyo.

"So disappointing Sparkle GMA Artist Center."

Nadine Samonte GMA Gala 2024 experience
Photo/s: Pau Gueverra
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpatututsada pa si Keith sa mga sumunod niyang tweets na "GMA Gala 2024 CHEAP" at "HINDI NAKAKASPARKLE."

Dahil sa post na ito, mabilis na nag-viral ang isyu.

Karamihan ay naaawa kay Nadine, lalo na't isa raw itong homegrown talent mula sa unang season ng StarStruck noong 2003.

Sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine para direktang alamin mula sa aktres kung ano ang nangyari.

Ayon kay Nadine, ayaw na sana niyang magsalita pa para hindi na lumaki pa ang isyu.

Pero pumayag din siya para bigyang-linaw kung ano talaga ang totoong naging karanasan niya at kung bakit umalis siya sa okasyon kahit hindi pa tapos ang programa.

Ipinaliwanag ni Nadine na hindi siya ang tipo ng artistang nagpapa-VIP treatment. Alam daw iyon ng mga nakakasama niya sa trabaho at nakakakilala sa kanya.

Pero diin din niya, walang masama kung makatanggap din siya ng patas na trato bilang isa sa mga imbitado sa GMA Gala 2024.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Nadine ay contract artist ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7.

Ang motif ng event ay black or white with a touch of sparkle.

Sumunod si Nadine sa motif. Black and white ang kanyang gown, at inspired kay Audrey Hepburn ang kanyang over-all look.

"Yung gown ko, I was the one who paid for it, and of course, my team," saad ni Nadine.

Masasabing ginastusan ni Nadine ang preparasyon niya sa GMA Gala 2024.

Tulad ng ibang Kapuso stars, naka-check-in na rin si Nadine sa Manila Marriott Hotel noong araw ng gala.

Kuwento pa ni Nadine: "Actually, may imbitasyon. This is actually my second gala. Yung first ko was last year.

"And last year, hindi ako masyadong nakapag-prepare kasi parang malapit na yung gala noong masabihan ako.

"Kaya naman sa ikalawang taon ko, I made sure na mapaghandaan ko talaga.

"After ng gala last year, nagpa-book na kami ng hotel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kyline Alcantara, Kobe Paras spotted together at GMA Gala 2024

NADINE SAMONTE NAME MISSING IN GMA GALA 2024 GUEST LIST

Nang bumaba siya mula sa kanyang hotel room at nagtungo sa registration area, nagulat si Nadine nang mapag-alamang wala sa listahan ang pangalan niya.

Ang guest list ang basehan ng mga taong in-charge sa registration area kung saan naka-assign na table ang bisita.

May ibibigay rin sa guest na table number para mabilis nitong makita ang puwesto pagdating sa grand ballroom.

Hindi basta pinapapasok ang wala sa guest list.

Kuwento pa rin ni Nadine, tinawag niya ang kanyang handler sa Sparkle para ito na ang umayos.

Nang mga oras na iyon, nakasabay raw ni Nadine sa registration ang young actress na si Althea Ablan.

Co-star ni Nadine sa Althea sa Forever Young, at mag-ina sila sa serye.

Nang tsine-check kung saan may available seats, nakita raw ng staff sa registration area na may bakanteng upuan sa table ni Althea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Nadine na raw ang nagsabi kung puwede na doon na lang siya umupo.

"So, sabi ko, 'Ah okay. Okay na ako, at least, kasama ko sa table si Althea, and kilala ko naman ang mga kasama ko.'

"Kaso, pagdating namin sa loob, bawat seats, may pangalan. Kaya hindi ako nakaupo sa table nila Althea.

"Parang ako, 'Paano ba? Saan ako mauupo or dapat ba umalis na lang ako?'"

Naresolba ang isyu nang makahanap ng bakanteng upuan sa isang table na walang name cards.

"Pinaupo na lang nila ako sa dulong table. Wala nang mga pangalan ang seats.

"Nagkahiwalay na kami ni Althea.

"E, nagkataon na dahil maliit lang ang dala kong purse, nag-offer siya kung gusto ko na ilagay ko muna ang cellphone ko sa purse niya. So, wala akong phone."

Humanap daw ng paraan si Nadine para makontak ang kanyang handler para ipaalam dito ang nangyari.

"Buti na lang, nakita ko si Jak Roberto, and nakisuyo ako sa kanya kung puwedeng pakikontak ang handler ko. Nagkataon kasi na pareho kami ng handler.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakapasok naman ang handler ko, pero hindi yata siya puwedeng magtagal... I don’t know.

"Hindi rin niya alam kung ano ang nangyari, bakit nagkaganun."

Read: (Updated) GMA Gala 2024 sidelights: Did Alden pay for extension of after-party? Sparkle rep speaks up

NADINE SAMONTE SADDENED BY THE INCIDENT

Inamin ni Nadine na nalungkot siya sa naranasang aberya sa GMA Gala 2024.

Lahad ng aktres: "May nag-message rin kasi sa handler ko na bigla daw nawala ang name ko sa list. So, nagtaka ako, bakit nawala? Nakaka-sad po talaga.

“Yung table ko, dulo talaga siya na daanan na ng mga lumalabas.

"Kaya yung mga ilang nakakakita sa akin, they were asking me, 'Are you okay? Okay ka lang?'

"Alam mo yung feeling…

"Si Bryce Eusebio, mabait ang batang yon, kasama ko rin siya sa Forever Young, for a while, sinamahan niya muna ako."

Hindi naman maiwasang maikumpara ni Nadine ang treatment sa influencers na imbitado sa okasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabanggit niyang may maayos na assigned tables para sa mga ito, kumpara sa kanya na maihahanay sa mga matagal nang artista ng network, pero wala sa listahan ang pangalan at wala rin daw upuan.

"Hindi ako nagpapa-VIP. Love ko lang talaga ang pag-arte," paliwanag ni Nadine.

"And wala naman akong sama ng loob or anything sa GMA dahil sa nangyari.

"I think, the production, yung production na in-charge, bakit ganun? Anong nangyari?

"So, hindi ko na tinapos yung program.

"Paglabas ko, yung team ko, sila talaga yung sobrang sama ng loob, sila yung nakakaramdam ng galit."

Ang dinanas niyang sitwasyon ang nag-udyok sa stylist niyang si Keith na maglabas ng saloobin sa X.

"Nang mag-post ang stylist ko, siya na yon, kasi talagang sila yung sobrang nasaktan sa nangyari.

"Alam din kasi nila yung nangyari sa akin last year.”

Meron din daw hindi magandang karanasan si Nadine sa unang pagdalo niya sa GMA Gala 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayaw na niya itong ungkatin pa.

Read: GMA Gala 2024: Scene stealers sa red carpet

NADINE SAMONTE CRIED BACK IN HER HOTEL ROOM

Kuwento pa rin ni Nadine, mabuti na lang at hindi sumama sa GMA Gala ang kanyang mister at nagpaiwan na lang ito sa hotel room nila.

"Supposedly kasi, inisip ko na baka puwede kong isama ang husband ko para may kasama ako.

"Pero noong tinanong ko, hindi raw puwede kasi marami na, which I understand."

Pagbalik daw ni Nadine ng hotel room ay doon na niya naibuhos ang nararamdaman sa nangyaring pagka-displace sa kanya sa GMA Gala 2024.

Lahad ng aktres: "Noong dumating ako sa hotel room, sa comfort room, hindi ko na talaga napigilan, dun ako umiyak.

"Narinig ng husband ko and dun ko na naikuwento sa kanya ang totoong nangyari.

"Galit talaga siya, gusto niyang bumaba. Sabi ko, 'Okay na yon.'

"Sabi niya lang sa akin, 'Hindi kita pinayagang bumalik sa pag-aartista para ganyanin lang.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NADINE SAMONTE SAYS SHE SENT AN RSVP

May ilang netizens naman ang nagbibigay ng kuru-kuro sa pangyayari.

Posible raw siguro na hindi nag-RSVP si Nadine nang matanggap ang imbitasyon, kaya wala ang pangalan nito sa listahan.

Tinanong ng awtor na ito kay Nadine kung nakapag-RSVP siya.

Sagot ni Nadine, "Yes, nag-RSVP po ako.

"Sinendan din po ako ng message para alam ko po yung time ko kung kailan po ako bababa.

"Kaya ibig sabihin po, alam po nila na pupunta po ako.

"Kaya nagtataka po ako kung bakit wala ako sa list, pero may natanggap akong message sa oras ng pagbaba ko po."

Sa message na natanggap ni Nadine, nakasaad na between 6:00 to 7:00 P.M. ang call time niya na rumampa sa red carpet.

Dito rin makikitang kabilang ang pangalan niya sa mga tinatawag ng "Senior Stars" ng network.

Read: Here’s why Jennylyn Mercado was missing at GMA Gala 2024

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TEXT MESSAGE FROM A PRODUCTION STAFFER

Matapos ang pangyayari, nakatanggap si Nadine ng text message sa nagngangalang "Jerome" mula sa production ng GMA Gala 2024.

"Parang basically, [he was] apologizing sa nangyari. Tapos, may nangyaring instances din daw po sa table arrangements and rest assured they will do better sa major events po nila.

"Tapos sa dulo ng message, nakalagay na, 'We still hope that you had an enjoyable time tonight.'"

Sa puntong ito ay natawa na lang si Nadine.

"Naloka ako dun. Kaya hindi na lang po ako nag-reply. Kasi, baka iba pa po ang masabi ko sa message."

Tinanong ng awtor na ito si Nadine kung may nararamdaman ba siyang tampo sa GMA Network dahil sa pangyayari.

Pero nilinaw niyang wala siyang tampo o anumang negatibong nararamdaman sa network.

"Hindi po masama ang loob ko sa GMA, and I’m still thankful kasi nabigyan ako ng magandang show and opportunity na maipakita ko yung skills ko sa acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Masama ang loob ko sa production ng Gala Night kasi may nangyari na before, tapos ngayon, meron na naman.

"And questionable talaga para sa akin na wala ang name ko dun. Yun lang naman po.

"And sa ngayon, work lang talaga ang gusto ko po.

"I love acting and na-realize ko nga po na basta masaya ako sa pag-arte, okay na po yun."

Read: Bea Alonzo takes selfie with GMA boss, top ABS-CBN execs

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Samonte on her unfortunate experience at GMA Gala 2024: "Noong dumating ako sa hotel room, sa comfort room, hindi ko na talaga napigilan, do’n ako umiyak. Narinig ng husband ko and do’n ko na naikuwento sa kanya ang totoong nangyari. Galit talaga siya, gusto niyang bumaba. Sabi ko, 'Okay na yon.' Sabi niya lang sa akin, 'Hindi kita pinayagang bumalik sa pag-aartista para ganyanin lang.'"
PHOTO/S: Pau Gueverra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results