PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera, Heart Evangelista reunite anew at GMA Gala 2024

Two queens reunite!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 23, 2024
Marian Rivera, Heart Evangelista reunite anew at GMA Gala 2024
Kapuso stars Marian Rivera and Heart Evangelista share a sweet moment at the GMA Gala 2024 last Saturday, July 20.
PHOTO/S: Screengrab @Heart Evangelista Instagram

#PEPatGMAGala2024

Sa pamamagitan ng isang mahigpit na yakap sinalubong nina Marian Rivera at Heart Evangelista ang isa't isa nang muli silang magkita sa GMA Gala 2024.

Naganap ang taunang GMA Gala sa Manila Marriot Hotel Grand Ballroom sa Newport, Pasay City, noong Sabado, July 20, 2024.

Read: GMA Gala 2024's Most Talked-About Moments

Sa Instagram Stories ng makeup artist na si Memay Francisco, makikita ang video nina Marian at Heart na magkatabi habang sila ay kinukunan ng picture.

Si Heart ay nakayapos sa bewang ni Marian, habang si Marian naman ay nakahawak sa bewang at braso ni Heart.

Marian Rivera, Heart Evangelista reunite anew at GMA Gala 2024
Photo/s: Screengrab @Heart Evangelista Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay na Instagram post, ibinahagi naman ni Heart ang kuhang video niya sa GMA Gala, kunsaan dito ay makikita ang pagkikita nila ni Marian at pagbebesohan.

"Tonight we celebrate LOVE @gmanetwork #gmagala2024 @sparklegmaartistcenter," caption ni Heart sa kanyang post.

Sa comments section, kapansin-pansin ang pagre-reply ng misis ni Dingdong Dantes na si Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Marian Rivera, Heart Evangelista reunite anew at GMA Gala 2024
Photo/s: Screengrab @Heart Evangelista Instagram

Kiss at heart emoji, ang inireply niya rito.

Bagay na nireplayan din ni Heart ng emoji na crown at heart.

Marian Rivera, Heart Evangelista reunite anew at GMA Gala 2024
Photo/s: Screengrab @Heart Evangelista Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MARIAN-HEART REUNITE ANEW AFTER RECONCILIATION

Ang interaksiyon nina Marian at Heart sa GMA Gala 2024 ay ikinatuwa ng kanilang fans, lalo na't ito ang pangalawang pagkikita at pag-uusap nila nang personal mula nang maayos ang hindi nila pagkakaunawaan noon.

Noong December 2023 unang nasilayan ng publiko na magkasama ang dalawa nang parehas silang dumalo sa 84th birthday celebration ng GMA executive na si Atty. Felipe L. Gozon.

Nangyari ito matapos nilang muling i-follow ang isa't isa sa Instagram noong October 25, 2023.

Read: Marian Rivera and Heart Evangelista now follow each other on Instagram

November 11, 2023, sa eksklusibong panayam ni Heart sa GMA-7, ipinagtapat niyang nagkaayos na sila ni Marian kaya muli na silang nag-follow-han sa Instagram.

Kuwento ni Heart, ang mga taong malalapit sa kanilang dalawa ang nagtulak sa kanila nila ni Marian para muling mag-usap at magkaayos.

Matagal na raw nakakausap ng kapatid ni Heart na si Camille Ongpauco si Marian at ang asawa nitong si Dingdong Dantes dahil nagkakasama ang mga ito sa school activities ng kani-kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Heart, "My sister is... magkasama sila sa community school. So, matagal na silang nag-uusap, and we have a lot of common friends."

Pinili lang muna raw ni Heart, maging ni Marian, na huwag munang magbigay ng pahayag tungkol dito upang hindi na mabahiran ng isyu ang kanilang pagkakaayos.

Ani Heart, "Hindi lang kami... Ako, hindi ako personally nagpapa-interview, kasi I don't want it to be anything that's for publicity.

"Because something like that should be from your heart."

Read: Netizens react to Marian Rivera and Heart Evangelista’s Instagram interaction: “The world is healing”

Aminado rin si Heart na maraming external factors kung bakit natagalan bago sila magkaayos.

Sabi niya, "And you know, Marian and I, we've always liked each other. And it's a true testament that, you know, we should always be supporting each other.

"Because real queens support each other."

Dagdag pa ni Heart, "And you know, it's a testament that it's really the people around us that makes things bad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"To begin with, we've always been okay. Mahal mo siya. Mahal mo ako.

"Ibig sabihin, okay kaming dalawa as individuals.

"And so, I guess, it's just a matter of time."

Pagbubunyag pa ni Heart, si Marian ang nag-reach out sa kanya na sobra raw niyang na-appreciate.

Sabi niya noon, "I really do give credit to Marian. She really spoke to a lot of our common friends that she'd like to see me, ganyan."

Read: Heart Evangelista on rekindled friendship with Marian Rivera: "Real queens support each other."

Sa panayam naman ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 15, sinabi niyang masayang-masaya siya sa panunumbalik ng pagkakaibigan nila ni Heart.

Aniya: "Yung puso ko ay... ang naramdaman ko, talagang my heart is happy.

"Tapos nandun ako sa peaceful... na finally, everything, alam mo yung God's perfect time.

"Parang sa buhay natin ngayon, parang mas masarap na peaceful ka at masaya ka araw-araw, na wala kang iniiwasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And sabi ko nga, mabuti talaga ang Diyos, ibibigay Niya talaga sa iyo yung makakabuti para sa iyo."

Read: Marian Rivera on rekindled friendship with Heart Evangelista: "Mas masarap na wala kang iniiwasan."

THE RIFT BETWEEN MARIAN AND HEART

Lagpas isang dekada na ang nakalilipas mula nang magkaroon ng iringan o alitan ang dalawang Kapuso stars na sina Marian at Heart sa set ng pelikulang pinagsamahan nila, ang Temptation Island noong 2011.

Nagsimula ito sa ilang alingasngas noon sa X (dating Twitter) at blind item.

Pero kaagad itong pinabulaanan ni Heart sa kanyang tweet noong June 11, 2011.

Saad ni Heart noon, "Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, wag na tayo mag-away-away."

Ngunit kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong June 13, 2011, kung saan sangkot umano ang ina ni Heart na si Cecile Ongpauco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kung saan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal noong June 14, 2011, pagdating sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabihang: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Read: (UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

Pero ayon sa ilang sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noon, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin ng boyfriend ni Heart noon na si Daniel Matsunaga sa isang interview na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend pa lang ni Marian noon (at asawa na ngayon).

May niluluto kasing proyekto noon ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon daw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

Pero mabilis naman daw naayos ng dalawa ang gusot na ito bago pa man sila bumalik ng Maynila.

Nang akala ng lahat ay okey na sina Marian at Heart, lumaki uli ang isyu dahil sa nangyaring insidente sa airport.

Ayon pa sa ilang sources, may kasama pa raw bodyguards ang ina ni Heart na si Mrs. Ongpauco bilang "proteksiyon" sa aktres.

Hindi matukoy kung ilan eksakto ang bilang ng bodyguards; may nagsasabing walo at meron namang apat daw.

Nang makarating ang insidenteng ito sa fans ni Marian ay hindi nila ito nagustuhan.

Ayon sa mga forum sites, bukod sa masasakit na salitang binitiwan ng ina ni Heart ay pinagmukha pa raw "kriminal" si Marian dahil nagsama pa ito ng bodyguards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalaunan, lumabas namang may tatlong version ang naging away daw ng dalawa.

Read: Three versions of the Marian Rivera-Heart Evangelista feud

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso stars Marian Rivera and Heart Evangelista share a sweet moment at the GMA Gala 2024 last Saturday, July 20.
PHOTO/S: Screengrab @Heart Evangelista Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results