Hiwalay na ba si Karla Estrada at ang non-showbiz boyfriend nitong si Jam Ignacio?
Napansin kasi ng netizens na hindi na naka-follow sa isa't isa sina Karla at Jam sa Instagram.


Burado na rin sa Instagram ni Jam ang mga larawan nila ni Karla.
Read: Karla Estrada's boyfriend opens up about relationship with TV host-actress
Ang huling post ni Karla tungkol sa kanila ni Jam ay noon pang March 23, 2023.
Sa panayam kay Karla na lumabas sa Manila Bulletin noong August 2023, sinabi nitong hindi niya masyadong pinag-uusapan ang kanyang lovelife sa publiko.
Aniya, "Nakakahiya na yun yung pinag-uusapan natin. Feeling ko kasi ang tanda ko na.
"I mean, sorry ha? Alam niyo naman ako, di talaga kumportableng pag-usapan ang aking buhay pag-ibig.
"Itago na lang muna natin siya sa likod ng mga kamera."
Wala pa rin daw silang planong magpakasal noon.
Read: Karla Estrada boyfriend praises actress-TV host for raising a “great superstar”
FIRST ANNIVERSARY
Noong unang anibersaryo nina Karla last June 1, 2020, kinilig ang maraming netizens sa nakakaantig na mensahe niya para sa non-showbiz boyfriend.
Sabi ni Karla sa kanyang Instagram noon (published as is): “My heart tell me that true love really exists!
“This is a year worth celebrating!
"Happy 1st anniversary, love.
“Looking forward to 800 more years with you. I love you.”
Read: Karla Estrada to boyfriend on their first anniversary: "Looking forward to 800 more years with you."
Sa isang panayam kay Jam noong November 2020, sinabi nitong nakikita niya ang sarili na kasama si Karla habambuhay.
Read: Karla Estrada’s boyfriend sees forever in their relationship: “Yun yung nakikita ko.”
Unang namataang magkasama sina Karla at non-showbiz boyfriend noong August 2019 sa anniversary party ng District 8 restobar sa San Juan City.
Read: Karla Estrada posts photo of rumored non-showbiz boyfriend
Nasundan pa ito ng vacation photos nila sa Coron, Palawan, noong October 2019.
Read: Karla Estrada posts photos of Coron rendezvous with rumored boyfriend
