Sa wakas ay ligtas nang nakauwi sa kanilang bahay ang beteranong aktor na si Michael de Mesa matapos ma-stranded sa daan ng mahigit 22 oras dahil sa matinding baha, bunsod ng super typhoon Carina na sinabayan pa ng hanging habagat.
Sa pamamagitan ng pagpu-post ng videos at pictures sa Instagram kahapon, July 24, 2024, ibinahagi ni Michael ang karanasan niya sa daan nang bigo siyang makauwi kaagad sa kanila galing sa taping.
Read: Gerald Anderson joins Typhoon Carina rescue efforts
Pagbabahagi ng aktor, pasado 2:30 ng hapon noong Miyerkules, July 24, nang ma-pack up sila sa taping sa Cainta, Rizal.
Kabilang si Michael sa cast ng upcoming Kapuso drama series na Forever Young.
Ngunit dahil sa pananalasa ng bagyo at walang tigil na pagbuhos ng ulan sa buong Metro Manila at kalapit na mga probinsiya, lubog sa baha ang mga kalyeng dadaanan niya pauwi.

Sabi ni Michael sa unang caption ng kanyang IG post (published as is), "Packed up at 2:30pm and have been stranded here for 5 hours.
"The roads are impassable due to waist-deep flooding, and my car has malfunctioned from the water I had to drive through earlier.
"It’s nighttime now, and I haven’t eaten. I guess we definitely shouldn’t have gone to work today."
Sa kasunod na post, sinabi ni Michael na 17 oras na siyang stranded sa daan.
Hindi na rin daw niya maigalaw ang kanyang sasakyan dahil bahagya na itong nasira dahil napasukan ng tubig.

"Stranded for 17 hours now coming from taping yesterday. Naiiyak na ako.
"The tow truck can’t get through, and my anxiety is kicking in. I just want to go home," saad niya sa post.
NETIZENS REACT
Sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang komento ng pamilya, co-actor, at fans na nag-aalala sa kanyang kaligtasan.
Sabi ni Kim Molina, "Praying for your safety tito Mike. Hang in there!"
Saad ni Cherry Pie Picache, "Ingat Mike."
Dagdag ni Iza Calzado,"Hope you can grab a bite somewhere! Ingat please!"
Maging ang asawa ni Michael na si Julie Eigenmann ay nag-alala na rin sa kanyang kalagayan.
Komento nito, "Praying you’ll be home soon, my love. Hang in there."
Read: Michael de Mesa clarifies "misinformation" about sister Cherie Gil’s cremated remains
MICHAEL FINALLY GOT HOME
Sa pinkahuling update ni Michael nitong Huwebes ng tanghali, July 25, masaya niyang ibinahagi na matapos ang 22 oras niyang pamamalagi sa daan ay nakauwi na siya sa wakas.
Kalakip ang pasasalamat niya sa lahat ng nagdasal, tumulong, at umalalay sa kanya para i-tow ang kanyang sirang sasakyan.
Aniya: "Finally being towed after more than 22 hours of being stuck. Maraming salamat, NJP Towing!
"A heartfelt thanks to everyone who reached out, sent assistance, and shared their heartfelt messages.
"I deeply appreciate your kindness and support. My thoughts and prayers are with those in more difficult situations. Stay safe, everyone."
Samantala, ayon sa huling tala ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) as of 10:16 A.M. ng July 25, nakalabas na sa PAR (Philippine Area of Responsibility) ang bagyong Carina.
Gayunpaman, kahit nasa labas na ng PAR ang bagyong Carina, hahatakin pa rin nito ang hanging habagat na magpapaulan pa rin sa ilang lugar sa bansa, kabilang na ang Metro Manila.
