
Balik na sa Gil Puyat Ave. ang Makati street signs na naging Gil Tulog Ave. sa loob ng ilang oras.
Ito ay matapos magpiyesta sa social media ang mga netizens, at maglabas ng pahayag ang pamilya ng yumaong Senator Gil Puyat.
Napag-alamang ito pala ay isang publicity stunt ng ad agency na Gigil para sa melatonin supplement na Wellsping.
Biglaang napansin ang pagpapalit sa street signs noong July 25, 2024.
Bagamat marami ang natawa at natuwa sa “gimmick” na ito, may mga nagkomentong kawalan ito ng paggalang sa dating senate president.
Read: Gil Puyat Avenue changed to Gil Tulog Avenue stirs social media
WELLSPRING APOLOGIZES
Bandang alas sais ng gabi noong July 26, naglabas ng apology statement ang melatonin brand sa social-media accounts nito.
Ang nakasaad sa caption (published as is):
We made a misstep in our campaign and we are sorry.
We recognize and deeply regret the insensitivity of our execution and we offer our sincerest apologies to the Puyat family, the Makati City government, and the public.
We have learned from this mistake and are committed to doing better.
Sa mismong statement, ni-recognize ng kumpaya ang "insensitivity of the campaign," pero wala raw itong intensiyon na mang-offend at i-disrespect ang legacy ng namayapang senador.
Humingi rin ito ng paumanhin kay Makati Mayor Abby Binay sa nangyaring "misstep."
MAKATI CITY GOVERNMENT TAKES DOWN SIGNS
Matapos mag-viral ang mga larawan ng napalitang street signs, agad umaksiyon ang city government of Makati.
Isang official statement ang inilabas ni Makati City Mayor Abby Binay sa pamamagitan ng Facebook kaninang umaga.
Siya raw mismo ang nagpatanggal ng mga “Gil Tulog Avenue" signs.
Pahayag ni Binay, “It is unfortunate that the request for a permit for the so-called advertising campaign to change the street signs of Gil Puyat Avenue did not reach my office.
"Kung dumaan sa akin yan, rejected yan agad.”
Sinabi rin ng alkalde na pinagsabihan na niya ang city officials na nag-approve sa kontrobersiyal na advertising campaign.
Ani Binay, “The city officials who issued the permit should have exercised prudence. They should have been more thorough.
“Dapat inisip ang kaguluhan na maaaring idulot sa mga motorista at komyuter.
“At dapat ay binigyang halaga ang respeto sa pamilya at sa alaala ni dating Senate President Gil Puyat.
“Humihingi ako ng paumanhin sa ating mga kababayan at sa pamilya ni dating Senate President Puyat.”
GIL PUYAT’S FAMILY REACTS
Samantala, naglabas din ng pahayag si Victor Puyat, ang anak ng namayapang Senator Gil Puyat.
Ang mensahe niya sa Rappler: “What happened to our sense of respect to our fellow Filipinos. There is a line we should not cross in measuring our own self-respect."
Read: Hello Kitty is not a cat, but a little girl--Sanrio
May posts din si Erika Puyat Lontok, ang great granddaughter o apo sa tuhod ni Gil Puyat, sa Facebook at Instagram Stories.
"Besmirching my late great grandfather's name to sell freaking melatonin is so disrespectful," aniya tungkol publicity stunt.

Dismayado rin siya sa kawalan ng reaksiyon ng Gigil at Wellspring, na, at that time, ay hindi pa nagbibigay ng statement.

Nag-abiso ang PEP na gagamitin ang kanyang mga quotes, pero nagmensahe siya na ayaw niyang ma-publish ang mga ito sa kahit anong news websites.
Ang mga posts ay burado na sa kanyang feeds, pero mababasa pa rin ito sa mga news websites na nag-pick up.
